CHAPTER 26: CAN'T SEE

13 6 0
                                    


Luna's POV

SATURDAY. Walang gana kong iminulat ang aking mga mata atsaka inalala ang mga nangyari nang makauwi ako.

Ah yeah, hindi ako mag-isa. Sumugod kasi sa hospital si Sirius kasama si Appa. SAPILITAN nila akong isinabay pauwi dahil hindi raw makabubuti kung magmamaneho ako.

Pwede namang isang kamay lang ang gamitin sa manibela, tss.

Pinaglaban ko pero pinagtulungan nila akong dalawa. Isama pa si Minkyu na sa kanila kumampi. Naramdaman ko tuloy ng ilang minuto ang napagdaanan ni Haylee.

Ang baliw na yun, psh.

Ipinakuha na lang nila ang kotse ko sa parking lot ng university at hindi ko alam kung nandiyan na ba sa grahe 'yon dahil pag-uwi ay dumiretso agad ako rito para matulog.

Ni hindi na ako nakakain at dirediretso na ang pahinga ko.

Pagod na pagod ako e.

Naramdamam ko ang pagkalam ng aking sikmura kaya aksidente kong naitanday ang may benda kong kamay sa kama. Napapikit ako sa hapdi.

Yari ako neto kapag bumuka ng mas malaki ang sugat ko.

Ginamit ko ang kaliwa kong kamay para makaupo.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Tiniis ang hapdi ngunit naging mas maingat. Hinugasan ko rin ang sugat ko sa leeg at kamay para mapalitan ng benda.

Nagbihis ako ng malaking t-shirt at maikling shorts dahil mas makakagalaw ako ng komportable sa ganon.

Paglabas ay walang imik kong kinuha ang paper bag kung saan nakalagay ang ointment at bandage.

Naupo ako sa harap ng dressing table at kusang kumilos para sa aking sarili.

Mema ang doktor na 'yon, kaya ko naman mag-isa 'to e. Hindi ko kailangan ng katulong.

Nakaramdam ako ng kirot sa kamay ko so I decided na 'yon na muna ang lagyan ng benda bago ang sugat sa leeg ko.

Pinahiran ko 'yon ng antibiotic ointment atsaka pinaikutan ng benda.

Magd-doctor ako sa future kaya kaya ko ang sarili ko.

Pinaulit-ulit ko 'yon dahil lumuluwag at hindi ko masikipan. Isang kamay lang ang ginagamit ko kaya aaminin kong hindi madali pero hindi rin mahirap dahil kaya ko 'to.

Inulit ko ulit 'yon pero lumuwag na naman.

Inulit ko ulit pero lumuwag na naman.

Inulit.

Lumuwag.

Inulit.

Lumuwag.

UGH!

Sa sobrang inis ay nilamukos ko iyon na parang papel at ibinato sa kung saan.

Badtrip, ayaw makisama ng benda.

Nasapo ko na lamang ang aking ulo habang tinitignan ang sugat sa kamay ko. Mayroon iyong isang mahahabang sugat na horizontal sa palad ko. Kahapon ay kitang kita ang laman nito at puro dugo, ngayon naman ay namumula pa rin at tila namamaga pero malinis na tignan.

"Let me."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Hiro.

"What are you doing here? Hindi naman kita tinawag—wala na nga akong balak tawagin ka e." Mababakasan ng sarcasm ang boses ko.

Well, sadya.

"I'm here to help you." Sambit niya at nginitian ako.

Di mo ko madadala sa ngiti, tss.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now