CHAPTER 42: START

17 6 0
                                    


Luna's POV

Nakaalis ako ng bahay nang walang problema at walang nakakakita, well except to Beatrice and Sirius. I'm sure gagana ang plano naming tatlo. Gagana kapag hindi sila pumalpak.

Habang nasa biyahe ay google map ang nagsisilbi kong gabay para marating ang address na ibinigay sa akin ni Sol noong nakaraang araw. Medyo malayo pala ang bayan ng Cafarella mula sa Fuentablo dahil may dalawang bayan pa akong madadaanan bago makarating doon.

Go straight to the right

Kumanan agad ako at saktong sa kabilang kalsada ay may malaking truck akong nakita. Otomatikong bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi kaya bigla akong napapreno. I gasped as my eyes widened.

Sunod-sunod na busina ang narinig ko galing sa labas dahilan para bumalik ako sa wisyo.

"Sht." I cursed under my breath.

Tumingin ako sa side mirror para makita kung may nakabangga ba sa akin dahil sa biglaan kong paghinto. Hindi pa ako nakuntento, lumabas ako ng sasakyan para siguraduhing wala talaga.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa tirik na araw kaya itinaas ko ang aking kamay para takpan ang tuktok ng aking noo.

"Miss! Anong problema mo?! Muntik na kitang mabangga!" Sigaw ng isang lalaki habang nakalabas ang ulo niya sa bintana ng kaniyang kotse.

Pasimple ko siyang nginiwian at pumasok na lang ulit sa kotse ko. Mabuti nga at muntik lang talaga dahil milyon milyon ang halaga ng kotse ko compare sa Ford F-150 niya.

Huminga ako nang malalim para kumalma atsaka nagpatuloy sa pagmamaneho. Mukhang may ibang epekto sa akin ang aksidente kagabi maliban sa mga sugat na natamo ko. Trauma sa mga malalaking truck? Siguro... malamang.

Sumilip ako sa rearview mirror at nakita kong nakaupo roon si Hiro habang nakacrossed arms at nakapikit. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil una, wala naman siya diyan kanina at pangalawa, mukha siyang natutulog gayong hindi naman natutulog ang mga anghel—

"Eyes on the road, Luna."

Napapitlag ako at ilang na tumingin muli sa kalsada.

"K-Kanina ka pa ba diyan?" I asked without looking at him.

"Hindi naman masyado." Sagot niya. "Masakit pa ba ang mga sugat mo?" He suddenly asked.

"M-Medyo..." I lied fifty percent.

Kumikirot talaga ang mga sugat ko kapag nagagalaw lalo na sa binti.

"Then why are you driving?"

I don't know but there's something in his tone. Too serious... intimidating.

"I-I'll just go somewhere..." I bit my lower lip as I stuttered.

I'm not even looking at him but still, I can't answer him in a normal way.

"Mm, somewhere too far from Fuentablo." He spouted.

What the heaven is his problem? Why is he like this?

"But I can manage. N-No need to worry." I assured him.

"You can't stop me from worrying, Luna." He said solemnly.

"Sorry... and t-thank you for last night." I uttered in a very low voice.

"That's the reason why angels are here... It's our duty to protect humans."

"Only to protect?"

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now