CHAPTER 7

35 8 0
                                    

07: Big Sister

Sirius' POV

ANNYEONGHASEYO! Je ireumeun Sirius Helios Francia-Hwang imnida!

Isang linggo't dalawang araw na akong nagbabakasyon dito sa Batangas. Kung ako ang papipiliin, ayoko nang bumalik sa Incheon. Gusto kong dito lang, kasama ko si Appa at si Noona. Kapag sa Incheon, sobrang boring dahil puro body guards ang nakikita ko. Busy si Chairman sa company namin sa Seoul tapos si Eomma, napapadalas ang business trip sa iba't ibang bansa. Mag-isa lang ako ro'n kaya sobrang saya ko nang payagan ako ni Chairman na magbakasyon ng isang buwan dito sa Pilipinas!

"Ya! Anong nginingiti-ngiti mo riyan?"

Napatingin ako kay Noona. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin at kumakain ng marshmallow.

"Opseo." Nothing. Inosente kong sagot atsaka nagpatuloy sa pagkain ng chocolate.

Ang saya rito sa kwarto ni Noona, bukod sa maraming pagkain ay may laptop pa siya. Nakaupo siya sa kama niya at nakasandal sa dashboard habang nasa study table niya naman ako at naglalaro sa laptop niya.

Wala kasing kagamit-gamit sa kwarto ko maliban sa mga damit na dala ko galing Korea. Bukod ro'n ay ang aparador at kama ko. Sobrang lungkot ng ambiance doon.

"Oh, bakit nakasimangot ka naman ngayon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Noona.

"Tanong ka nang tanong." Naka-pout kong reklamo saka umiwas ng tingin.

"Aba'y malamang! Baka mamaya, sinasapian ka na pala riyan."

Napasimangot na lang ako sa sinabi niya.

Sa buong isang linggo, nag-aral ako kung paano magtagalog para maintindihan ko ang mga kasama ko rito sa mansion. Nakikita ko kasing panay ang bulong nila kapag nasa malayo si Noona kaya sinikap kong matuto agad. Nagbunga naman ang pinaghirapan ko. Naiintindihan ko na silang lahat. Iyong iba, masasama ang sinasabi habang ang iba naman ay mga papuri.

Hindi sila pinapansin ni Noona pero alam kong naririnig niya lahat ng 'yun. Hindi basta-basta si Noona, may espesyal sa kaniya.

Tulad na lang nung binangga ni Haylee ang kotse namin noong nakaraang araw. Alam kong nung papunta kaming flowershop ay may kakaiba na sa ikinikilos ni Noona. Hindi lang talaga ako nagtanong dahil magagalit lang siya sa akin.

"Kailan ang alis mo?" Tulad ng nakasanayan, walang emosyon ang mukha ni Noona lalo na ang boses niya. Parang nakikipag-usap o nakatingin lang siya sa isang napakaliit at walang halagang tao. Iyon ang rason kung bakit maraming ayaw sa kaniya.

"Ang harsh mo magtanong, Noona." Nakasimangot kong sabi ulit.

"Kahit na baguhin ko pa ang structure ng sentence ko, same pa rin naman ng meaning." Tinaasan niya ako ng kilay atsaka nagpatuloy, "Kailan ang balik mo ng Korea?"

Napasinghal na lang ako. 'Yan, 'yan ang rason kung bakit maraming galit sa kaniya... tulad ni Eomma.

"Bago magpasukan, siguro two days before 'yon." Sagot ko na lang at nagpatuloy na sa paglalaro.

"Doon ka mag-aaral ng Grade 10?" Tanong niya ulit.

"Wala naman akong choice—" napahinto ako bigla nang may marealize. "Jamkkanman...." wait.

Napatingin naman siya sa akin. Hindi ko na napigilang mapangiti.

"You want me to study here, right?" Panghuhuli ko sa kaniya pero kinunutan niya lang ako ng noo.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now