CHAPTER 30: REGRET

17 6 0
                                    


Sol's POV

"ANO?! Aba'y tatlong buwan ka nang hindi bayad sa renta mo e! Dadalawang libo, hindi mo mabayaran?! Ang mura-mura na nga ng pagpapaupa ko sayo, Solidad!"

Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya.

"Manang Vivi naman, inuuna ko kasing bayaran ang kuryente't tubig. Pangako ko po, sa katapusan ay babayaran ko kayo ng buo."

Itinaas ko ang aking kamay bilang tanda ng pangako. Sumalubong lalo ang dalawa niyang kilay.

Isang babaeng kulot na maikli ang buhok. Mataba, pandak at nakapamewang sa harapan ko.

"Naku! Solidad! Siguraduhin mo lang! Dahil kung hindi, ako mismo ang sisipa sayo palabas nitong bahay ko!"

Sanay na ako sa ganitong treatment niya sa akin pero isa siya sa mga taong nalapitan ko nung kailangang kailangan ko ng tulong. Minsan niya na rin akong pinigilang magsuicide.

Pilit akong ngumiti at tumango.

"Pangako po!"

Dumaan ang oras at kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Oo, nabubuhay ako bilang isang normal na tao.

Wala e, imortal na.

Nagtatrabaho ako sa isang salon tuwing may araw at sa convenience store kapag may buwan.

Kahit na ganun ay hindi pa rin sapat ang kinikita ko dahil iniipit kami ng boss namin sa salon. Sa convenience store naman ay isang libo kada kinsenas.

Kulang na kulang para sa araw-araw kong pamumuhay dito sa bayan ng Cafarella. Dalawang bayan ang agwat sa Fuentablo.

Wala e, dito ako napadpad.

Nang magalas-singko ay bumiyahe na ako papunta sa convenience store na pinagtatrabahuan ko.

Hanggang alas-onse naman ako ng gabi rito.

Tuwing Sabado't Linggo lamang ang aking pahinga. Napapagod rin naman ang katawang tao ko.

Wala e, habambuhay na 'to.

"Good evening ma'am!" Nakangiti kong bati sa dalawang dalagitang pumasok.

Tumingin lang siya sa akin atsaka umirap. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. May mga customers talaga minsan na hindi approachable. Binati na nga, hindi pa maganda ang iginaganti.

May kasama itong isa pang babae at halata namang magkapatid sila.

"Bakit dito pa kasi tayo mag-uusap, ate? It's so kulob here and the aircon is not high functioning. Why don't we go to some expensive quiet restos instead?" Maarteng reklamo ng babaeng mas maliit sa nauna.

"Shut up, Hershey. You're so loud." Sermon sa kaniya ng kapatid.

"This place is so not fab." Asik pa nung Hershey.

"Just shut the heck up and order some snacks."

Pairap na sumunod ang babae at nag-ikot pagkatapos ay dumiretso sa counter kung saan ako nakapwesto.

"324 pesos ma'am." Aniko at binigyan niya naman ako ng buong limang daan.

"Keep the change. Mukhang madumi ang lagayan niyo ng pera e." Nandidiri niyang sabi at tinalikuran na ako.

Napakaarte.

"What's your plan, ate?" Rinig kong tanong nito nang makaupo na sa isa sa mga vacant table.

Bago maupo ay inisprayan niya muna ng alcohol ang parehong upuan at mesa saka ito pinunasan ng tissue na kasama sa binili niya kanina.

Ubod ng arte.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now