01

1.1K 90 79
                                    

01 - Crush

Lailou Fleurica Altamirandi's

Ang sarap mabuhay sa mundo kapag may crushback ka mula kay crush. Yung tipong mapapasigaw ka na lang kasi crush ka rin pala ng crush mo. Aminin mo, lagi mo ini-imagine ang magiging future niyo ni crush. Ako rin naman. Sa katunayan nga ay malayo na ang naaabot ko. Kasal na kami ni crush sa imagination ko.

Oh diba!

But in reality, invisible ako sa mundo niya. Hindi ako kabilang sa mga taong kakilala niya. Hindi ko rin alam kung bakit naging crush ko siya. Nagising na lamang ako isang araw na may gusto na ako sa kaniya.
Grade 7 palang ako, lumalandi na ako. Yung crush ko naman ay Grade 8.

Hays.

Kailan niya kaya ako mapapansin? Malapit na mag-end ang school year tapos ay ni-sulyap ay wala pa akong natatanggap mula sa kaniya.

"Hoy, Lou! Nag de-daydream ka na naman. Tinatawag ka ni Ma'am," Bigla ay bumalik ako sa realidad. Tinapik pala ako ni Bella. Nataranta tuloy lahat ng cells ko nang marinig ko ang sinabi ni Bella.

Paktay ako nito. Baka wala akong maisagot. Kasalanan ito ni Synclair eh.

"Ms. Altamirandi, kung wala kang panahon na makinig sa mga itinuturo ko. Pwede ka naman nang umalis para hindi mo maabala ang pagtuturo ko," masungit na saad ni Ms. Garcia.

Ang sungit talaga nito ni Ms. Garcia. Kaya matandang dalaga eh.

Kumamot muna ako sa ulo ko bago ako nagsalita, "Ah eh, maam. Sorry po. Hindi na po mauulit."

Nag peace sign pa ako pero pinandilatan niya lang ako ng mata.

"Sige, maupo ka na," walang emosyong sinabi ni Ms. Garcia.

Tss. Sungit mo ma'am kaya ka matandang dalaga ih.
At dahil mabait naman akong estudyante, naupo akong muli sa kinauupuan ko. Napakagulo naman kasi nitong si ma'am, pinatayo ako para lang paupuin.

Nag doodle na lang ako ng pangalan ni Synclair sa likuran ng notebook ko. Ang boring naman kasi, hate na hate ko pa naman ang subject na Math. Kaya tuloy lagi akong kulelat.

***

"Lou, hali ka nga rito. Nasa labas ng pinto nila si Sync," pasigaw na sinabi ni Sela. Tapos na ang klase namin. Breaktime kaya ang ibang estudyante ay malayang nasa labas ng silid.

Shocks! Ang siraulo naman ni Sela ampuchi. Sinigaw pa talaga.

"Sela, huwag kang maingay. Pag ikaw narinig niyan, patay ka sakin," pabulong kong sinabi sa kaniya ng makalapit na ako sa tabi niya. Pa simple ko rin siyang kinurot kaya napa-igtad siya.

Langya! Papahamak pa ako.

"Lou, alam mo, kung ako sayo, umamin na ako kay Sync. Maganda ka naman at bagay naman kayo. Bobo nga lang sa Math," singit naman ni Eunyce na talagang pinagduldulan pa ang pagiging bobo ko sa Math.

"Hayst! Tigilan niyo nga ako. Ang sabi sa nasagap ko, may girlfriend na si Sync at talbog ako sa beauty nung babae," asar na imporma ko.

"Weh? Eh kung may girlfriend siya. Hindi ba dapat ay nakikita natin na kasama niya. Malay mo naman nag-aassume lang yung nagbalita sayo," pangangatwiran naman ni Sela.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon