15

506 52 17
                                    

15 - His Best Girl

Lailou Fleurica Altamirandi's

Everything goes fine sa relationship namin ni Sync. Patuloy pa rin naming parehong inaabot ang pangarap namin. Hindi na rin ako nangungulelat sa Math dahil tsi-nu-tutor ako ng boyfriend kong sobrang mahal na mahal ang Math.

Legal kami pareho sa both parents namin kaya sobrang saya na sinusuportahan kami ng mga magulang namin. Hindi sila nagkulang sa pagpayo sa amin na hangga't maaari ay enjoy-in lang namin ang relasyon namin ni Sync.

Masaya. Masayang maging nobya ni Sync. He's sweet. At hindi ka mapapagod na kiligin sa lahat ng ginagawa niya.

"Hey, Mhako. Busy ka ba bukas?" pukaw sa atensyon ko ni Sync. Kasalukuyan kaming nasa library ngayong araw dahil nga sa tutor session.

Walang mintis. Kada araw ay dito kami natambay para lang sa tutor ko. Minsan nga ay nahihiya na akong mag paturo eh.

"Bukas? Why?" nagtatakang tanong ko.

Wala naman akong maalalang importanteng okasyon na mangyayari bukas.

"Mag-de-date lang tayo. I want to go to Enchanted Kingdom with you."

Nanlaki ang mga mata ko, "Talaga, Mhako? I want too."

Excited ako. Hindi naman halata noh. Hindi pa kasi ako nakakapunta ulit sa Enchanted. Last na punta ko ata roon ay noong nag 7th birthday ako. At ilang taon na rin iyon.

"Great, susunduin kita bukas ha. Magpapaalam din ako sa mommy at daddy mamayang uwian. Kami na maghahatid sa iyo sa mansion niyo," kinindatan pa niya ako.

"Sige, itetext ko nalang si manong na huwag na niya akong sunduin."

Pagkasabi ko noon ay agad kong hinagilap ang phone ko at itinext si manong. Hindi pa naman uwian dahil may tatlo pang subject bago mag uwian ang grade 8 habang dalawa nalang ang subject nila Sync.

Natigilan ako sa pagtatype at nilingon ko si Sync, "Pero Mhako mauuna ang dismissal niyo. Edi mag-aantay ka pa ng isang oras sakin niyan?"

Nginitian niya ako, "Mhako, okay lang. May games naman sa phone ko so ayun nalang ang pagkaka-abalahan ko habang nag aantay sayo. Magkita nalang tayo doon sa waiting shed, okay?"

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagtatype ko ng itetext ko kay manong.

Bumalik kami sa ginagawa matapos kong ma-itext si manong. Ilang minuto pa kaming nanatili sa library bago namin narinig ang bell na hudyat na magsisimula na ulit ang klase namin.

"Mhako, mag-aral ka nang mabuti, okay. At galingan mo lagi sa quizzes niyo," iyon lagi ang sinasabi niya sa akin sa tuwing ihahatid niya ako sa silid ko.

Lagi akong inspirado mag-aral dahil sa kaniya. Nabibilib kasi ako sa galing niya eh. Alam niya kung ano talaga ang gusto niya sa buhay.

He wanted to be an engineer. Me, on the other hand, hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Hindi ko nga alam kung may patutunguhan ang buhay ko.

"Hey, earth to my Mhako. Nandito na tayo sa silid niyo," he snapped his fingers infront of my eyes.

"Thank you, Mhako. Promise. Mag-aaral ako nang mabuti. See you later, mwuah," nag flying kiss ako bago pumasok sa silid ko.

Synclair Rousell Oribiada's

Natapos ang klase ko. Nagtungo ako sa waiting shed na malapit sa building ng junior high. Umupo ako sa pabilog na upuan at doon ko balak antayin ang girlfriend ko. May isa pa siyang subject na tatapusin bago sila pauwiin.

Isang tinig na matinis ang pumukaw sa atensyon ko, "Hi, Sync. Bakit nandito ka pa?"

Pabebe siya. Iyon ang masasabi ko. She even flipped her hair as if I'll be stunned.

Ni hindi nga siya pumasa sa taste ko eh.

Klarizza, an annoying bitch na palaging humahanap ng tyempong kausapin ako kapag may pagkakataon siya. She's also a grade 9 student like me.

"None of your business, woman," walang emosyon kong sinabi para iparamdam sa kaniya na naiinis ako sa presensiya niya.

Hindi ko talaga gusto ko na malapit siya sa akin. Naiirita ako lalo na sa pagmumukha niya. She looks like a clown. Sobra-sobra kasi ang kolorete niya sa katawan unlike Lou na sobrang ganda dahil wala manlang kahit anong kolorete. Tanging kwintas at hikaw lamang ang mayroon siya.

I never saw my baby Lou use anything to apply it to her face. Her bare face is the most beautiful.

Tinawanan niya lang ang sinabi ko, "Are you waiting for your stiff and bobong girlfriend?"

Napatayo ako bigla dahil sa pang-iinsulto niya kay Lou. I want to slap her face. Wala siyang karapatan na bastusin ang babaeng tanging mundo ko.

I clenched my jaw. Bwisit na babaeng ito.

"Don't you dare insult my girl, Klarizza. You are nothing compare to her. You're such a piece of shit and I pity you," may pang gigigil kong sinabi at iniwan siya roon.

Napagpasyahan kong antayin na lang si Lou sa pinakadulong hallway na maaaring labasan ng mga estudyanteng may klase pa sa mga oras na ito.

I compose myself. Ayokong makita ni Lou ang gigil ko dahil baka magtaka siya. Bwisit ang babaeng iyon. Anong karapatan niyang insultuhin ang babaeng buhay at mundo ko.

Wala siyang kahit anong karapatan.

Natapos ang pag-aantay ko dahil nakikita ko na mula sa malayo ang papalapit na bulto ng girlfriend ko. Muling umaliwalas ang mukha ko dahil sa kaniya.

Napakaganda talaga niya.

"Mhako, I thought sa waiting shed kita pupuntahan?" nagtatakang tanong niya.

Nginitian ko lang siya at kinuha ko ang bag niya. I like spoiling her. Gustong gusto ko na hindi siya nahihirapan.

"Mhako, may nangyari bang hindi maganda kaya dito mo na lang ako inantay?"

She's really my Lou after all dahil hanggat hindi nasasagot ang katanungan niya ay hindi siya titigil sa kakatanong.

"Kalma, Mhako. Gusto ko lang na dito na mag-antay dahil ang boring pala doon sa waiting shed."

"Oh okay. Tara na, uwi na tayo para makapag paalam ka na kila mommy. Ang sabi ni manong nasa bahay daw ngayon sila mommy," halata ang excitement sa mukha at pagsasalita niya.

Ako rin, excited na makasama siya nang matagal. Gusto ko kasing buong araw siyang makasama bukas. Iikutin namin ang E.K. at sasakyan ang mga rides.

Nagtungo na kami sa kinaroroonan ng Sedan. Inalalayan ko siyang makapasok sa loob bago ako pumasok para tunguhin na namin ang mansyon nila.

P. S. Update again. Nakahanap ulit ako ng inspirasyon na mag update. Hahaha. Sana nagustuhan niyo.

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now