20

516 47 21
                                    

20 - Walang Paramdam

Lailou Fleurica Altamirandi's

Isang linggo.

Isang linggo na ang nakakalipas na hindi manlang nagpaparamdam sa akin si Sync. Hindi ko alam kung bakit, basta bigla na lang siyang naging MIA.

I wanted to talk to him pero mas umiral ang pride ko. Ayokong ako ang maunang kuma-usap sa kaniya. Gusto kong siya ang unang mag-approach dahil tutal naman ay siya ang nauna.

Hindi kami magiging ganito kung hindi dahil sa ikinikilos niya.

Pero napag-desisyunan kong babaan ang pride ko at kausapin na siya. Dumating ang breaktime, iyon talaga ang oras na pinakahihintay ko.

"Hi, nandyan ba si Sync?" tanong ko sa babaeng chinita. Palabas na siya ng silid nila.

"Oh, you must be Lou. Yung girlfriend ni Sync. Wait lang ha, tatawagin ko lang siya."

Inantay kong lumabas si Sync pero isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin ng chinitang nakausap ko.

"Sorry, Sync is not here na pala, bebe. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta eh," sabi niya sa malungkot na boses.

Nanlumo ako bigla. Iniiwasan ba ako ni Sync?

May nagawa ba akong mali?

Nginitian ko siya ng pilit, "Thank you. Oh, by the way, a little favor, please. Can you please tell him that I'm looking for him?" Isang tango ang iginawad niya sa akin bago bumalik sa silid na pinasukan.

Lumakad na ako pabalik sa silid ko. Nawalan ako ng ganang kumain.

I'm looking forward for this day. Being okay with him and it's our monthsary today. Nakakainis.

"Hey, Lou. Someone's looking for you," sigaw bigla ng isang kaklase ko.

Bigla akong natuwa sa narinig. Akala ko ay si Sync kaya agad akong tumakbo palabas para lamang madisappoint. It's Leiyan with the whole gang. Tanging si Calixto, Lisa at Sync lang ang wala.

"Kayo pala," walang ganang sinabi ko.

Nilapitan ako ni Leiyan at sinapo ang noo ko, "You okay, bff? You look tired."

I want to cry. But I stop myself. I need to look strong so they won't notice anything. Problema namin iyon ni Sync at kaming dalawa lang ang pwedeng umayos niyon.

"Yeah. Ano palang ginagawa niyo rito?" pag-iiba ko ng usapan.

Kailangan ko silang idistract sa kalungkutan na nararamdaman ko. Kaya pinasigla ko ang mukha ko.

"You're not fine. Nag-away ba kayo ni Sync? Tinext ko kasi siya para itanong kung magkasama kayo kasi diba monthsary niyo ngayon but he's not replying kaya pumunta kami sa room niya kaso wala raw siya roon eh. Kaya ikaw nalang ang pinuntahan namin. Nagulat kami ng sinabi ng kaklase mo na narito ka," si Eunyce na katabi si JeyKay. Nakayakap ang isang kamay niya sa bewang ng huli.

Nginitian ko lang sila, "We're fine." Iyon lang ang tanging sinabi ko bago sila iniwan sa labas.

They called my name pero hindi ko pinansin. Hindi ko na kayang magpanggap na okay lang ang lahat. I might cry in front of them and might gonna look weak.

Noong uwian, umasa akong inaantay niya ako. Sinabi ko kasi sa sarili kong baka busy lang siya kaya ganoon pero muli na naman akong nabigo.

Walang Sync na nag-aantay sa akin. Walang Sync ang nagpakita sa akin.

So I direct message him in Instagram instead. Nagbabakasakaling sagutin niya ako.

lailoufleur: Hi, Mhako! Can we talk? Even just for a minute tomorrow. Please! I miss you.

Nag-antay akong mag-reply siya. Seconds, minutes and hours passed by. Hindi na ako nakagawa ng assignment kaka-antay sa reply niya. Napuyat pa ako dahil inisip kong baka busy lang siya. Busy sa assignments or projects niya kaya hindi pa siya nagrereply pero kingina 1 am na busy pa rin ba yun?

Kaya natulog nalang ako. Bahala na bukas kung wala akong assignment. Nabubwisit pa rin ako kay Synclair.

"Nak, naka ready na ang breakfast mo. Gumising ka na riyan," na-alimpungatan ako sa boses ni manang. Nakatayo na siya sa gilid ng kama ko.

"Thank you, Nay. Sunod po ako. Liligo lang po ako," nakangiting ibinungad ko na kahit ang totoo ay nabwibwisit pa rin ako kay Synclair.

Ilang araw pa ba ang aantayin ko para lamang kausapin niya ako. It's our monthsary yesterday but it looks like it's nothing for him.

Fuck him!

Sa isipin na baka isusurprise niya ako ngayong araw ay mabilis akong kumilos. Hindi ko ininda ang puyat ko kagabi.

"Bye, Nay. Pasok na ho ako," masiglang sinabi ko dahil na-excite ako bigla.

Paano pala kung iyon ang plano niya. Ang huwag akong kausapin ng matino kasi may binabalak siya para sa monthsary namin.

"Mag-iingat ka, Fleur." Kumaway pa ako kay manang bago tinahak ang daan patungo sa maghahatid sa akin sa eskwela.

"Morning, Tay," bati ko kay manong. Nginitian naman niya ako nang napakaganda at pinaandar na ang kotse.

Maaga pa kaya binagalan ko ang paglalakad noong nasa eskuwelahan na ako. Sa isiping sasalubungin ako ng nobyo ko nang isang surpresa ay hindi ko masupil ang ngiti sa mga labi ko.

"Morning, Lou," bati sa akin ng mga nakakakilala sa akin.

"Morning din," ganting bati ko kahit na hindi ko sila kilala.

Mabait ako sa mga taong mabait sa akin pero mataray ako kung tatarayan din ako.

"Wow, good mood ang lola niyo ngayon. Bati na kayo ni Sync," puna ni Sela. Narinig siguro ang pagbati ko.

"Hindi pa pero baka ngayon ay oo na, " masayang sinabi ko.

"Sana maging maayos na kayong dalawa para hindi ka na malungkot."

"Sana nga. Namimiss ko na siya eh," sinabi ko naman.

Narating na namin ang building ng Junior High. Nakapag-paalam na sa akin si Sela at narating ko na ang silid ko pero walang Synclair na nagpakita sa akin.

Kinuha ko ang phone ko. Bakasakaling nag reply siya sa direct message ko pero wala. Hindi siya nag-reply. Walang Synclair na nag-reply sa akin.

Gusto ko sanang ibato ang phone ko out of frustration pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kalma, Lou baka mamayang breaktime ay magpakita na siya sa iyo. Pag-kausap ko sa sarili ko.

I took a deep breath.

Pinilit kong makinig sa mga guro namin na nagtuturo sa harapan at mabuti na lamang ay hindi nag-check ng mga assignments kung hindi ay lagot ako.

Pagdating ng breaktime. Muli akong nag-antay at nag-baka-sakali. Nag-baka-sakaling magpapakita na sa akin si Synclair pero nabigo lamang ako.

Walang Synclair na nagpakita.

P. S. Here's my update again. Hope you like it. Mwuah

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now