19

491 46 18
                                    

19 - Something is Changing

Lailou Fleurica Altamirandi's

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Naging balisa sa nakalipas na mga araw si Sync. Hindi ko alam kung bakit.

Sweet pa rin naman siya pero parang may nag-iba sa kaniya.

"Mhako, are you okay?" hindi ko na natiis na magtanong. Wala na naman kasi siya sa kaniyang sarili ngayong araw. Naiinis na ako.

Sinulyapan niya ako saglit pero muli lang niyang ibinalik ang kaniyang paningin sa ginagawa. Nagbabasa siya pero alam ko na hindi naman talaga.

May malalim siyang iniisip at gusto kong malaman kung ano ito. Para matulungan ko siya.

"Mhako, ano ba? I'm asking you!" pagalit na mahinang sigaw ko at hinablot ko ang librong binabasa niya. Nasa library kami kaya hindi ko siya lubusang masigawan.

"How many times do I have to tell you that I'm okay, Lou," may bahid na inis na rin sa boses nito na siyang ikinagulat ko.

Bakit parang siya pa ang may ganang mainis ngayon? Gusto ko lang naman malaman kung bakit ganoon ang ikinikilos niya nitong nagdaang mga araw.

Hindi ko gustong makipagtalo sa kaniya kaya iniwan ko na lang siya sa library. Dumiretso ako sa cafeteria. Nagugutom ako. Kaya imbes na sayangin ko ang laway ko kay Sync ay ikakain ko na lang.

Umupo ako sa pinakatagong sulok sa cafeteria pagkatapos kong makabili ng makakain ko. Magana kong nilantakan ang pagkain na binili ko.

Iwinaksi ko ang anumang galit o inis na nararamdaman ko dahil sa inaasta ni Sync. Imbes na iyon ang isipin ko ay iwinaglit ko na lang.

Na-iistress lang ako dahil sa lalaking iyon.

"Lou?" nagtatakang nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Leiyan. Kasama niya si Steven.

"Hi, bff," masayang sinabi ko. Hindi ko pinahalata na naiinis ako ngayong araw.

Ipinalibot niya ang mga mata sa buong cafeteria. Hinahanap siguro si Sync. "Mag isa ka lang?" may pagtatakang tanong niya. Tumango lang ako.

"Bakit? Anyare? Nag away ba kayo?" walang prenong tanong ni Leiyan.

Kay gandang babae, tsismosa. Ayy!

"Nasa library pa ata. Ewan ko. Iniwan ko eh. Nabubwisit ako."

"LQ?" si Steven ang nagtanong pero hindi ko siya pinansin.

Tinarayan ko lang. Ayokong sagutin eh. Bakit ba? Attitude ako eh.

"Woii, attitude ka teh?" sambit naman ni Leiyan.

"Oo, bakit? Gusto ko eh. Tsk! Alis na ko," paalam ko.

Tinatawag pa ako ni Leiyan pero hindi ko na siya pinansin. Bumalik na lang ako sa klase ko. Umidlip nalang ako pagkabalik ko sa silid.

"Lou, gising. Nandyan na si ma'am," inalog pa ng mahina ang balikat ko.

Iminulat ko ang mata ko. Hindi ko namalayan na napasarap ang idlip ko.

Nakinig ako sa klase kahit na lumilipad ang utak ko. Pinilit kong iwaglit ang isip ko kay Sync. Kailangan ko munang isantabi ang galit ko sa nobyo ko para makapag concentrate ako sa pag-aaral ko.

Natapos ko ang huling tatlong klase ko. Walang gana akong lumabas sa building ng Junior High. Feeling ko maiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.

Naasar na naman ako.

Sumakay nalang ako sa sundo ko. Malungkot ako buong biyahe. Pati pagdating ko sa mansion ay hindi pa din nagbabago ang mukha ko. Napansin iyon ni manang kaya hinarang niya ako sa akmang pag-akyat ko.

"Bakit malungkot ka, Fleur? May nangyari bang hindi maganda, anak?" usisa ni manang.

Ayokong magsalita pero kailangan kong galangin si manang. Para ko na siyang ina. Ayokong bastusin ang isa sa mga taong sumusubaybay at nag-aalaga sa akin.

"Wala po, Nay. Ayos lang po ako," medyo pinasigla ko pa ang boses ko para ipakitang maayos lang talaga ako pero mukhang hindi benta iyon kay manang. Nilapitan niya at sinapo ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat. O siya. Magbihis ka na. Parating na ang mommy at daddy mo anumang oras. Antayin mo nalang sila para makasabay mo sa pagkain." Tinanguan ko lang siya.

Pinagpatuloy ko ang naudlot kong pag akyat patungo sa kwarto ko. Ibinalibag ko ang bag ko sa malambot kong sofa, pagkabukas na pagkabukas ng kwarto ko.

Humugot ako ng isang buntong-hininga bago ko inihiga ang sarili ko sa kama ko.

I want to text, Sync. Pero ayaw ko. Galit pa rin ako. Pinigilan ko ang sarili kong itext o kaya ay tawagan siya.

Hindi ko namalayan na sa pag-mumuni-muni ko ay nakatulog ako. Nagising na lang ako sa katok ng kung sino sa kwarto ko. Balak ko sanang sigawan kaso boses ni mommy ang narinig ko.

"Mom, bababa na po. Sunod po ako," sigaw ko pabalik kay mommy. Hindi ko na siya narinig na magsalita kaya nag-desisyon akong magtungo sa bathroom ko.

Pinalitan ko ang school uniform ko na hindi ko pa pala napalitan kanina. Nag pajama ako.

Ginawa kong masaya ang sarili ko para hindi mahalata ni mommy o kaya ni daddy na malungkot ako.

"Hi mom, dad," masayang bati ko at pareho ko silang hinalikan sa pisngi.

"Upo ka na, Fleur para makakain na tayo," si daddy. Napatingin ako sa mga plato nila. Wala pang bawas ang mga pagkain.

Ang sweet ng parents ko. Inantay talaga ako. Umupo agad ako. Syempre, pre, pagkain yun. Pag pagkain ang usapan ay hinding hindi ko pwedeng palagpasin iyon.

Heaven ang pagkain, tol!

"How's your day, iha?" pagsisimula ng topic ni mommy.

Ilang saglit ko siyang tinitigan. Hindi ko alam kung balak ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari kanina. Hindi naman kami totally nag-away ni Sync, sadyang wi-nalk-outan ko lang siya dahil nagutom ako at ayaw kong makipagtalo.

"Okay naman po, mommy. Masaya," pagsisinungaling ko.

Sorry, mommy. Hindi ko po gustong mag sinungaling. Bulong ko sa utak ko.

"Kamusta naman kayo ni Sync? Hindi na siya ulit nakakabisita rito ah," usisa naman ni daddy.

"Okay lang din po kami, daddy. Na busy lang po sa mga schoolworks at projects kaya hindi na po siya nakabisita ulit," pagdadahilan ko. Kahit na ang totoo ay hindi naman busy ang schedule ni Sync.

"Basta,anak. Yung mga habilin namin ng daddy mo sa inyo ni Sync ay huwag na huwag niyong susuwayin, okay? Masyado pa kayong mga bata," paalala sa akin ni mommy.

"Opo, mommy."

Mas lalo kong pinasigla ang sarili ko. Katulad ng dati ay maganang kong nilalantakan ang mga nakahaing pagkain na siya namang ikinatawa ng mahina ng mga magulang ko.

Takang taka siguro ang mommy at daddy kung bakit ganun ako kumain.

Naiistress kasi ako. Stress reliever ko ang pagkain. Walang basagan ng trip.

P. S. Here's my update for today. Supposedly, kahapon sana ito kaso nakatulog ako. Enjoy!

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now