18

505 47 18
                                    

18 - Hiwalayan Agad?

Lailou Fleurica Altamirandi's

Naglinis muna ako ng katawan ko bago ko inasikaso ang mga pictures na nasa camera ko. Inilipat ko lahat sa laptop ko. Ginawa kong homescreen ng laptop ko ang nag-iisang picture namin ni Sync na matino.

I even send it to him 'cause he told me he'll make it as his homescreen on his phone then a funny picture of us to make it his lockscreen.

So cliché it may seem but it makes me kilig to the bones.

After I make sure na nagawa ko na lahat ng dapat kong gawin ay inopen ko naman ang Instagram ko. I post our picture. With a caption, "With my man."

After that, nag ready na akong matulog.

Naging topic nang buong barkada ang masayang date namin ni Sync sa EK sa muling pagpasok noong Lunes. Hindi raw kasi kami nagsabi ni Sync na may balak kaming magtungo sa EK. Tinawanan ko lang ang pagtatampo nilang lahat.

"Pwede pa naman tayo magpunta doon next time, guys," pangungumbinsi ko sa kanila.

"Oo nga noh. Save date na," masayang sinabi ni Leiyan.

"Sa Valentines," suhestiyon ni Sela na sinang-ayunan ng boyfriend niyang si Lee.

"Duh, malayo pa ang Vday. Next year pa iyon eh. Sa birthday nalang ni JeyKay. Sa susunod na linggo na iyon eh. Right, love?" suhestiyon naman ni Eunyce.

"Mag botohan nalang tayo. Taas ang kamay kung gusto niyo sa Vday or sa bday ni JeyKay" sinabi ko naman na agad sinang-ayunan ng lahat.

Majority ay sa bday ni JeyKay. Kaya iyon ang napiling date para magpunta sa EK.

"Excited na ako," si Sabrina na ngayon lang nagsalita sa paglipas ng ilang beses na pagsasama sama ng buong barkada.

Masyado siyang tahimik. Hindi masyadong nagsasalita lalo kapag hindi kakausapin.

"Sa wakas, Sab, nagsalita ka na rin," natatawang sinabi ko.

Nakitawa rin ang iba. Na-gets siguro ang sinabi ko. Tanging si Sabrina at Gavin lang ang hindi nakitawa.

Kaya agad akong humingi ng tawad, "Opss, sorry. My bad. I don't mean to offend you, bebe. Nagulat lang talaga ako na narinig ko ang boses mo ulit. Minsan ka lang kasi magsalita ih."

Ngumiti siya sa akin na may kasamang mga ngipin na kay puputi at nagwika, "It's okay, Lou. Nahihiya lang talaga ako na maki join sa tuwing magkikita ang lahat. I'm a shy person kasi. Hehe."

"Ano ka ba. Girlfriend ka ni Gavin at kaibigan siya ni Sync kaya wala ka dapat ikahiya. Barkada tayong lahat. Welcome ka sa pamilyang ito," I assured her. I gave her my most genuine smile.

"Thanks!"

"Sab, hindi mo kailangan mahiya. Like what Lou say, we're family na here. Masaya nga ang barkadahan na ito eh. May praning, may abno, may siraulo, may gago charot," pagbibiro pa ni Lisa.

Siya ang pinakaunang babaeng nakilala nila Sync. Sa kadahilanang siya ang girlfriend ni Calixto. Matagal na kasi sila, ayon kay Sync. Siya ang pinaka unang prinsesa ng barkadahan.

"Woi, Lisa. Walang gago dito sa barkadahan natin. Hahaha," sabi naman ni Leiyan. Naka-akbay sa kaniya si Steven. Hinahaplos haplos ni Steven ang buhok ni Leiyan.

"Magkakaroon lang kapag may nagloko sa mga lalaki. Hahaha," sabi ko naman.

Tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa marinig namin ang hudyat para bumalik na sa klase.

Tulad ng dati ay inihatid ulit ako ni Sync sa silid ko.

Synclair Rousell Oribiada's

"Anak, nasabi mo na kay Lou ang plano mo?" tanong ni mommy sa akin, Biyernes na iyon nang hapon. At kami ay naghahapunan na.

"Hindi pa, mommy. Sasabihin ko naman po," pag-re-re-assure ko kay mommy.

"Anak, siguraduhin mo lang. Ayokong masaktan mo ang damdamin ng batang iyon. Kailangan mong ipaintindi at ipaliwanag sa kaniya ng mabuti ang plano mo. Naiintindihan mo ba, Sync?" tumango lang ako bago magpatuloy kumain.

Hindi pa ako handa na sabihin kay Lou ang plano baka kasi hindi siya pumayag. Sa ilang buwan palang naming magkasama ay naging dependent na siya sa presensiya ko.

Hindi ko kaya kapag magmakaawa siya sa akin na huwag na ituloy ang plano. Pero hindi pwede na hindi ko ituloy iyon dahil kailangan.

"Mommy, daddy, una na po ako sa inyong dalawa," paalam ko pagkatapos kong maubos ang nasa plato ko.

Tinanguan lang ako ni daddy. Si mommy naman ay muling pinaaalala sakin ang plano.

Pagkapasok ko sa kwarto ko. Hinagilap ko agad ang cellphone ko. Tinawagan ko si Lou. Gusto kong marinig ang boses niya.

Alam kong busy siya dahil mag rereview daw siya para sa long assessment nila para bukas pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya tawagan.

"Mhako, napatawag ka? Sorry ngayon ko lang nasagot. Naligo kasi ako eh," sabi ni Lou after niyang sagutin ang tawag ko.

Huminga ako ng malalim, "I just want to hear your voice, Mhako."

"Are you okay?"

Natigilan ako bigla sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I want to say I'm not but I need to say I'm okay. Ayokong mag-alala siya.

"Okay lang ako, Mhako. Namimiss lang kita," pagsisinungaling ko pero totoo naman na namimiss ko siya.

Tumawa siya ng mahina sa kabilang linya, "Mhako, ilang oras pa lang tayong nagkakahiwalay. Miss mo na ako agad pero ako rin miss na kita agad." I know she pouted. Hindi ko man nakikita pero alam kong nag pout siya.

It's her nature kapag nalulungkot siya. Mag-pa-pout na mas lalong nagpapacute sa baby ko.

"Mhako, always remember that I love you, okay," pag iiba ko ng topic.

"Mhako, why do I feel that you're going to break up with me?" nabigla ako sa sinabi niya. Iyon talaga ang naisip niya.

"Mhako, no! Hindi ako makikipag-break sayo. Masyado kitang mahal para makipag-break. Gusto ko lang sabihin iyon sa iyo," pag-a-assure ko.

Humugot ng malalim na buntong hininga si Lou, "Akala ko naman. Natakot ako, Please naman, Mhako. Please next time, Mhako huwag yung boses na makikipag-break ka kapag sasabihin mong mahal na mahal mo ko, huh. Mahal na mahal din kita. I know we're too young but I'm wishing we'll end up together, Mhako."

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na iyon din ang hinihiling niya.

I'm wishing for that too, Lou.

"Uh, Mhako. Kailangan ko na magpaalam. Mag rereview pa ako eh."

"Sige, Mhako. I love you."

"I love you, too."

After she said that she ended the call. Muli akong humugot ng malalim na buntong hininga.

Hindi ko kaya.

P. S. Update again. Shocks. Hindi ko alam kung saan patungo ang story ko hahahaha. Basta kung ano lang maisip ko, iyon ang isinusulat ko. Enjoy!

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now