23

507 54 7
                                    

23 - Oliver's Confession

Oliver San Diego's

Hindi natapos ang panunukso sa amin ni Lou ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin.

Wala man si Synclair ngayon ay hindi pa rin sapat na dahilan iyon para makipag kumpetensiya ako sa kaniya. Technically, boyfriend pa rin siya ni Lou. Wala silang proper break up.

Dumaan at natapos ang mga exams namin. Ganoon pa rin naman ang turing sa akin ni Lou. Wala naman nagbago.

"Oli, saan ka sa darating na sembreak?" excited na tanong ni Lou. Nasa library kami ngayon. Tinatapos ang project na kailangan ipasa para bukas.

"Hindi ko pa alam. Balak nila mommy na pumunta sa Greece. Eh ikaw?" balik tanong ko rin.

Ibinaling niya sa akin ang paningin, "Sabi nila mommy, gusto nila akong ipadala sa Siargao. Doon daw ako mag-se-sembreak. Iyon nga lang hindi sila kasama kasi kailangan sila sa kumpanya." Malungkot man siya pero mababatid pa rin ang kaunting kasiyahan sa kaniya.

Her parents were always busy. Iyon ang sabi niya pero kapag may importante namang okasyon na dumarating sa buhay niya ay lagi namang nandiyan ang parents niya.

"Then, you should enjoy your stay there this coming sembreak, Lou. Kahit na hindi mo kasama ang parents mo. Sila naman kasi ang nag-prepare ng vacation mo eh." Gusto kong gumaan ang loob niya kahit papaano kaya iyon ang sinabi ko.

"Ikaw din, mag-enjoy ka sa sembreak. See you sa pasukan ulit."

Tumango ako't nginitian ko siya. Natapos ang ginagawa namin. Napagkasunduan namin na ako na ang magdadala ng project. Bago lumisan ay kumaway pa muna sa akin si Lou.

"Bye, Oli," paalam niya.

I'll miss her calling me Oli. Siya lang ang tanging taong tumatawag sa akin ng Oli sa school.

Shocks, Oliver, come back to your senses. May boyfriend si Lou at hindi ikaw iyon. You should stay where you at and never close the line. Pagkastigo ko sa sarili ko.

I'll never cross the line. I know, Lou still loves Synclair. I can saw it through her eyes. Hindi niya lang binabanggit dahil siguro hindi pa kayang i-open-up ni Lou sa akin.

Sembreak came, nagtungo nga kami sa Greece. Sa Santorini ang naging destinasyon namin. I-n-enjoy ko ang bawat araw na nandoon ako. Binilhan ko rin si Lou ng regalo. Isang mug na may nakalagay na I love Santorini. I want to gave her a necklace but I think it's too much.

Excited ako sa pagbalik namin sa Pilipinas. Makikita ko na muli si Lou.

"Did you enjoy our staycation in Greece, anak?" tanong ni mommy sa akin. Nasa mansion na kami.

"Yes, ma. I'd love to go back there."

"Hmm.. I'm glad you enjoy, son," nakangiting sinabi ni mommy.

I'm not the only child, my parents have. I have an ate, si Ate Rina at ang bunso na si Jessica.

Ate Rina is a civil engineering student. Ga-graduate na siya next year. Si Jessica naman ay grade 6 pa lang. Graduation niya this coming end of school year. Kaya excited sila mommy. May honor kasi si Jessica.

Kami rin naman ni Ate. We always have an honor. Consistent dean lister si ate at never siyang nawala sa honor roll since grade school. Same as me and of course our baby sister, Jessica.

"Kuya, you should atleast bring your girl next time on our vacation. Ate Rina always bring Kuya Albert eh," suhestiyon ng kapatid ko.

"Oo nga naman, son. Wala ka pa bang napupusuan?" si daddy.

"She already have a boyfriend, dad," pagsasabi ko ng totoo.

"Then, maybe you should find someone else. Not that girl who owned by someone. Hindi ko kayo pinalaki para lamang sumira ng relasyon, anak," seryosong sinabi ni mommy.

Tumango ako bago nagpaalam na papanhik na sa kwarto ko. Pinayagan naman ako.

Sa pagbalik ko sa eskwela. Excited kong ibinigay kay Lou ang regalo kong cup.

Lailou Fleurica Altamirandi's

"Lou, para pala sa iyo," inilahad sa akin ni Oli ang isang maliit na box. Hindi ko naman lubos akalaing may regalo siya pagbalik niya

"Pwede na ba buksan?" natatawang sinabi ko.

"Yup. Hope you like it," kabadong sinabi niya.

Sa pagbukas ko ng box. Tumambad sa akin ang isang cup na may nakalagay na I love Santorini. Shocks! Ang ganda.

"Thank you, Oli." Naalala ko tuloy yung bracelet na ibibigay ko.

I bought it from a souvenir shop. Pati rin naman ang mga kaibigan ko ay binilhan ko ng bracelet at keychain na may nakaukit na mga pangalan nila sa likod ng keychain.

"Here's my gift for you. Akala mo ba ikaw lang. Hahaha. Thank you, Oli. I won't survive if I didn't got myself a friend like you. I'm so happy I've got a chance to met an amazing person like you," madamdamin kong sinabi.

Mababakas ang saya sa mukha ni Oli. Lumabas pa nga ang biloy nito na mas lalong ikinatuwa ko. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakalabas ang biloy niya.

"Thank you rin, Lou. For making me your friend. You didn't know how much it means to me," sabi niya habang inaayos ang keychain sa bag niya. Inilagay niya ito sa zipper.

Natutuwa akong malaman na masaya siyang naging magkaibigan kami. Masaya rin ako. Masayang masaya na naging kaibigan ko ang isang katulad niya.

"Lou, can I asked a question?" seryosong sinabi niya. Nakaupo na kami pareho. Nakatingin siya sa board habang ako'y nilingon ang nakatagilid na mukha niya.

"Ang seryoso naman ata ng itatanong mo pero sige. Ano ba ang itatanong mo?"

"Are you still inlove with him?" Him. I know who he is talking about.

Yes! I still love Synclair. I just don't want to talk about him because I'm trying to forget him.

"Uh, Oli. Why are asking that question?" naguguluhang tanong ko. He look straight into my eyes.

"I like you, Lou. Since grade 7. The first time I saw you, I actually fall for you but when I saw your post on Instagram with Synclair, my dreams being with you shattered." Gulat na gulat ako sa pag-amin niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Nakatingin lamang ako ng diretso sa mga mata. Hindi pinuputol ang pagtitinginan naming dalawa.

Oliver is a kind person. A great friend and I don't want to lose a friend.

"O-Oli. I - I'm sorry," hinging paumanhin ko.

Ayokong maging unfair. I don't want to lose him for he is a great friend at ayoko rin namang umasa siya sa wala. I still love Synclair. I'm still waiting for him to come back kahit na suntok sa buwan na baka may bago na siya sa pagbabalik niya.

"It's okay, I understand. I'm still gonna stay as your friend, Lou. I won't leave you. I promise," itinaas pa niya ang kaniyang kanang kamay.

I'm so happy. I thought I'm going to lose a great friend.

I hug him very tight, “Thank you, Oli!”

P. S. The end is near. Hope you enjoy reading. I love you all. Hugs and kisses from me. Mwuah.

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now