07

635 60 23
                                    

07 - Talk

Lailou Fleurica Altamirandi's

Naging malapit kaming magkaibigan ni Synclair matapos ang pangyayaring iyon na sama sama kaming kumain sa cafeteria. Natapos ang school year. Pinagbakasyon ako nila mommy sa Albay. Ayaw ko man pero mapilit sila mommy. Gusto nilang sulitin ko ang bakasyon.

Bumalik ako limang araw bago magsimulang muli ang school year. Grade 8 na ako kaya excited ako.

"Excited na akong bumalik sa school," si Sela. Nandito sila ngayon sa mansyon para mag bonding bago ang unang araw ng klase. Namiss ko rin sila.

"Ako rin. Excited na kong magka-developan si Lou at Sync," ani ni Eunyce. At ayan na naman sila. Nagsimula na naman sa pang-aasar sa akin.

"Gusto ko na makita si Steven. Puro videocall lang kami noong bakasyon. Nagtungo kasi sila sa Iceland eh," malungkot naman na sambit ni Leiyan. Ito talagang bestfriend ko, masyadong lulong sa pagmamahal kay Steven hahahaha.

"Woi, Lou. Anong nginingiti ngiti mo riyan? Nag-iimagine ka na naman ba ng future niyo ni Synclair?" pambasag trip talaga itong si Sela.

"Fyi, hindi ako nag-iimagine. Nangingiti ako dahil kay Leiyan. Masyadong lulong sa pagmamahal eh."

Masama akong tinignan ni Leiyan. Si Sela naman ay binato ako ng unan habang si Eunyce ay tumawa ng pagkalakas lakas na akala mo ay wala nang bukas.

"Sinasabi ko sayo, Lou. Mas malala ka pa dyan kay Leiyan. Kapag naging kayo na ni Sync, paniguradong hindi mo lang siya mundo. Daigdig mo siya hahaha," pambubuska naman ni Eunyce. Bwiset talaga itong si Eunyce.

Ewan ko ba sa mga kaibigan ko. Bahala na nga sila. Hindi naman ako ganun eh. Bata pa ako at marami pang pwedeng mangyari. Malay mo hindi pala kami magkakaroon ng lovestory ni Sync.

"Tama na nga. Tumigil na kayo kakaasar sa akin," sita ko sa kanila.

"Manood nalang tayo ng movie," dagdag ko. Inilagay ko sa Netflix at naghanap ng magandang movie na hindi pa kailanman namin napapanood.

"Babi, napatawag ka? Nandito ako kila Lou eh" rinig kong sinabi ni Leiyan. Napalingon tuloy ako sa kaniya pero binalik ko lang ulit sa paghahanap ng movie. Nakita ko ang isang romantic-comedy kaya iyon nalang ang pinindot ko.

"Kasama mo pala sila Sync? Woi, Lou si Sync oh. Halika ka rito," sigaw ni Sela at hinila ako pababa ng aking kama. Nakaupo kasi silang tatlo sa lapag.

Aray ko naman, Sela makahila ka.

"Hi Lou," bati sa akin ni Sync.

"Hi," tipid kong sinabi at nahihiyang ngumiti. Ngayon ko na lang kasi siya ulit nakita. Nawalan kami nang komunikasyon ng magsimula ang bakasyon. Kinuha kasi nila mommy ang cellphone ko para raw ma-enjoy ko talaga ang bakasyon ko.

"Kamusta ka naman. Huli tayong nagkita noong end ng school year,eh. Hindi ka kasi nagsabi na magbabakasyon ka pala sa Albay," pangangamusta niya.

"Okay lang. Kinuha kasi ni mommy yung phone ko para raw ma-enjoy ko ang bakasyon ko. Sila mommy din ata ang nagbalita kila Leiyan dahil hindi naman din ako nakapag paalam sa kanila"

Hindi ko alam kung bakit feeling ko ang awkward. Argh!

Synclair Rousell Oribiada's

Hindi na ako makapag-antay na magsimula ang klase. Miss ko na si Lou. Gusto ko na siyang makitang muli. Buong bakasyon ay wala akong naging balita sa kaniya. Mabuti na lang ay nag-aya si Steven kanina na magtungo sa bahay nila.

There, I've got the chance to talk to Lou. Alam kong nagtungo siya sa Albay dahil nakausap ko si Leiyan. Hindi naman ako nag bakasyon sa ibang lugar. Wala kasi akong gana.

"Anak, are you ready for this school year? Grade 9 ka na. Parang kailan lang ay bata ka pa. Ngayon ay nagbibinata ka na," malungkot na sambit ni mommy.

Nilapitan ko si mommy. Hinaplos haplos ko ang likod niya. Ayaw niya kasing tumanda ako ng mabilis dahil feeling niya ay mawawala ako sa kaniya.

"Mommy, bata pa ako. 15 palang po ako. Tsaka matagal pa bago ako mag-asawa, mommy" pang-aalo ko sa kaniya.

"Oo nga naman, hon. Hindi pa mag-aasawa si Rous. Nag-aaral pa siya," sabi ni daddy. Nilapitan na rin niya si mommy at niyakap.

Umalis ako sa kanilang tabi at muling umupo. Tinignan kong mabuti ang mommy at daddy ko. They are so inlove with each other. They both shared the same love that they have for each other. At my age, I'm wishing to have that same love. How I wish I'll experience it with Lou.

"Mom, dad, how did you maintain the flames of your love for each other?" I suddenly asked. Hindi ko alam kung bakit iyon ang na-itanong ko. Basta ko na lang naisip na-itanong iyon sa kanila.

"Anak, our marriage isn't what you think it is. Hindi ganoon ka-perpekto ang relasyon namin ng mommy mo. We fight sometimes but at the end of the day, I know that your mom is the greatest treasure I'll ever have for my life. Kung mawawala siya sa akin, paano na ako? I love your mom so much that sometimes it hurts. You know why? Because if you don't get hurt it isn't love. Love and pain are like best of buds. If they aren't balance then you don't really love that person. You are only attracted to that person. Loving your mom is the best feeling that I ever feel in my entire existence in this world. To maintain our love for each other, we forgive, trust and listen to one another," mahabang paliwanag ni daddy.

"Kung sakali mang magmahal ka, anak. Treat her not only as a girlfriend but also your wife. Ganoon kasi sa akin ang daddy mo. Hindi niya ako trinatong basta girlfriend niya lang. Trinato niya akong parang asawa na niya noong mga panahon na mag nobyo at nobya pa lamang kami," sambit namin ni mommy.

Ngayon naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit hanggang ngayon mahal pa rin nila mommy at daddy ang isat isa.

"Aalalahanin ko po lahat ng sinabi niyong advice sa akin, mommy, daddy. If I ever I've got a chance to feel that love you're talking about."

"Son, did someone caught your attention? Kaya ba nagtatanong ka na sa amin ng tungkol sa love?" si daddy.

"Yes, dad. Si Lou. Lou got my attention and she even confess to me. She told me that she admires me," nahihiya kong pag-amin.

"Who's that girl?" pagtatanong naman ni mommy.

"Lailou Fleurica Altamirandi, mommy."

"Oh, okay. Tell me if you fallen in love for each other and let her meet us very soon, son. Okay?"

"Yes, mommy."

Mahimbing akong nakatulog nang araw na iyon at pagkalipas pa ng ilang araw, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw nang aming pagbabalik sa eskwela. Excited na akong muling masilayan si Lou.

P. S. Nag update ulit ako. Hahaha. Pasensya na at ako ay naadik sa kakanood ng drama.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon