16

500 50 14
                                    

16 - We're going on a Date

Lailou Fleurica Altamirandi's

Narating namin ang mansion. Naabutan namin sila mommy sa living room. As usual ay nanonood na naman sila ng kung anong movie sa Netflix.

Nilapitan ko sila, "Mom, dad." Nagmano ako, sumunod si Sync.

"Oh, Sync narito ka pala?"

"Ipagpapaalam ko lang po sana si Lou para po pumunta ng Enchanted Kingdom bukas. Buong araw po sana, kung okay lang po?" nahihiyang sinabi ni Sync. Kumakamot pa siya sa ulo sa bawat salitang binibitawan niya.

Nagkatinginan naman ang parents ko na sabay nagtanguan.

"Oh sige, basta ay sa Enchanted lang kayo magtutungo at bago mag ala-sais ng gabi ay nasa bahay na si Fleur. Understood, Synclair?" sambit ni daddy sa ma-awtoridad na tono.

"Opo, tito. Promise po," itinaas niya pa ang kaliwang kamay niya.

"Sandali lang at ipaghahanda ko kayo ng makakain. Maupo muna kayo," sabi ni mommy bago kami iniwan na tatlo sa sala.

Itinuon muli ni daddy ang atensyon sa pinapanood pero bigla siyang nagtanong, "Kamusta ang pag aaral niyong dalawa? Baka naman puro kayo kilig at pinapabayaan niyo na ang studies niyo?"

"Dad, nag-aaral po kami nang mabuti. Sa katunayan nga po ay tinuturuan po ako ng mabuti ni Sync sa subject na Math. Alam niyo naman pong hate na hate ko po ang Math," natatawa kong sinabi kay daddy. Tinawanan lang ako ng daddy.

"Ewan ko nga ba, anak. I don't know why do you hate Math. Your mommy and I are both Math majors and we love Math," natatawa ring sinabi ni daddy.

"Siguro daddy, ampon lang ako kaya hindi ako nagmana sa galing niyo ni mommy sa Math," pagbibiro ko.

"O kaya anak ay napalit ka sa hospital noon," ganting biro naman ni daddy.

Ang katabi ko namang si Sync ay tinatawanan lang ang biruan namin ni daddy. Nagtawanan lang kami roon hanggang sa dumating si mommy na may dalang tray ng pagkain.

Inilapag niya ang tray sa center table, "What's funny?"

Tinuro ko si dad, "Mom, napalit daw ako noong baby pa ako sabi ni daddy. Hate ko raw po kasi ang Math."

"Hay naku, anak baka nga," pagbibiro rin ni mommy kaya muli kaming nagtawanan.

Kinapos ako ng hangin kaya napainom ako ng juice na dala ni mommy.

"Tama na nga. Kumain na kayong dalawa para makauwi ka na, Sync, iho at baka may mga takdang aralin pa kayong gagawin," saway na ni mommy pagkatapos kong makainom ng juice.

We ate the food that mom prepared for us. After we ate, Sync bid goodbye to my parents. Hinatid ko siya sa labas ng mansion.

"Ingat ka, Mhako ha. I'll text you later before I sleep. Gagawin ko muna ang assignments ko."

I hug him. He kissed my temple before he left.

"Mom, dad gawa po muna ako ng assignments ko," paalam ko sa kanila na muling bumalik sa panonood.

Natutuwa talaga ako sa parents ko. Ang sweet sweet nila kahit na ang tagal na ng pagsasama nilang dalawa.

"Okay, anak."

Nagtungo na ako sa kwarto ko para magawa ko na ang dapat kong gawin.

Synclair Rousell Oribiada's

Nakauwi naman ako ng maayos kagabi. Nagpaalam din ako kila mommy noong dinner kaya paggising ko masaya ako.

I text Lou that we'll start our date at exactly 8 am. 6 palang ngayon. Nag reready na ako para maging masaya ang date namin.

Nagpabili ako ng flowers na sunflower kay manong.

"Mommy, daddy, morning," masayang bati ko. Naabutan ko silang nag-aagahan. Usually ay hindi ko na naabutan ang presensiya nila mommy dahil maaga silang nagtutungo sa company.

"Good morning din, anak. Ayos na ba ang lahat sa date niyo ni Lou? If you need anything, just use your card. Hindi ka naman nawawalan ng money," si daddy.

Alam kong hindi ako nawawalan ng pera dahil masyado akong spoiled nila mommy. Syempre, I'm the one and only child of my parents. Lalaki pa.

"Thanks dad, mom."

Pagkatapos naming mag breakfast, nagpaalam na sa akin sila mommy. Ako naman ay bumalik sa kwarto ko para muling mag salamin. Alam ko namang gwapo ako pero gusto ko pa rin mag pa pogi para mas lalo akong bumagay sa baby Lou ko.

"Nay, una na po ako," paalam ko kay manang na nakasalubong ko sa hallway na nag-uutos sa iba naming kasambahay.

"Sige, nak. Enjoy kayo ah."

Nagtungo na ako sa Sedan kung saan nag-aantay na si manong sa loob.

"Tay, tara na po," excited na sinabi ko.

Narating namin ang mansyon nila Lou. Naabutan ko siyang nag-aantay sa labas ng gate nila. Hindi naman halatang excited ang girlfriend ko.

Tinignan ko ang relos ko. 7:30 palang sa orasan ko.

"Mhako, bakit nasa labas ka na? Ang init-init dito eh," nagtatakang tanong ko.

Natatawa naman siyang yumakap sa akin, "Excited na kasi ako, Mhako. I wanna go to Enchanted na ih."

Hinalikan ko siya sa noo.

"Paalam muna tayo kila tita, Mhako," sabi ko.

"Wala na sila mommy, Mhako. Pero binilinan naman nila ako na huwag daw tayong lalagpasan sa curfew ko at mag-iingat daw tayo."

"Is that so? Edi let's go na, babe. Para ma enjoy natin ang araw na ito."

"Enchanted Kingdom, here I come," itinaas pa niya ang kanang kamay na parang lilipad. Natatawa akong hinila ang kamay niya at inalalayan na makapasok sa Sedan.

"Tay, tara na po sa Enchanted. Excited na po kasi si Lou na makapunta sa Enchanted eh," natatawa kong sinabi kay manong na tinawanan lang din ni manong.

"Sige, nak. Pupunta na tayo sa Enchanted. Buckle up," ay aba nag English si manong ah.

"Mhako, rinig mo yun? Nag english si manong" bulong ni Lou sa akin.

"Oo, Mhako hahaha."

Nag stop over muna kami sa Jollibee para bumili ng makakain dahil daw nagugutom na naman si Lou. Nag-aalburuto na naman daw kasi ang mga bulate sa tiyan niya.

"Order lang ako, Mhako. Dito ka muna."

Binati ako ni manong guard kaya binati ko rin siya. Nag-order ako, hindi naman nagtagal ay dumating na ang order ko. Bumalik na ulit ako sa Sedan at ibinigay na kay Lou ang pina-order niya sa aking pagkain.

Kiniss ko ang temple niya at hinayaan ko munang kumain siya.

P. S. Update again. Shocks nakakadrain ng utak hahaha.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon