11

525 53 26
                                    

11 - Sweetest Overload with Slight Doubt

Lailou Fleurica Altamirandi's

Masayang nagkakatuwaan ang buong barkada ng may dalawang lalaki na lumapit. Parehong gwapo ang dalawa at hula ko ay kasing edad sila nila Sync. Hindi na bumalik sa review niya si Sync dahil daw pinaki-usapan niya yung Math adviser na nag-te-train sa kaniya.

"Mahal/Sweetie!" Sabay pang wika ng dalawa at lumapit sila kay Sela at Eunyce. Ngiting ngiti naman ang dalawang bruha ng yakapin sila ng dalawang kararating lang na lalaki.

"Guys, si Lee. Boyfriend ko. Grade 9 rin siya tulad nila Sync. Sinagot ko siya noong bago magpasukan. Hahaha," pagpapakilala ni Sela sa lalaking naka- akbay sa kaniya.

Kinikilig pa siya habang sinasabi iyon.

"Ito naman si JeyKay as in J-E-Y-K-A-Y. Boyfriend ko. Sinagot ko siya bago mag end ang school year, last year. Matagal na siyang nanliligaw pero hindi ko lang pinapaalam. Hehehe. Syempre cute kasi ako." Ay wow, ang galing magtago ni Eunyce. Hahaha. Akalain mo iyon.

"I'm so happy for the both of you. Ako nga pala si Lou, kaibigan ko itong dalawang bruhildang ito. Ito naman si Sync, future boyfriend ko. Hihi," pagpapakilala ko sa sarili ko at kay Sync.

Nakipagkamay sila sa akin pati kay Sync. At ayun nga nagkamayan na rin silang lahat. Buti na lang ay mahaba ang lamesa namin. Magkakasya kaming lahat.

"Mhako, eat more. Ayokong magutom ka," at ito na naman po siya. Nagpapasweet. Kumuha ako ng isang kutsara sa pagkain ni Sync.

Ini-umang ko iyon sa kanya, "Say ahh, babe."

Noong una ay medyo na bigla pa siya sa sinabi ko pero bumukas din naman ang bibig niya. Ilang ulit ko iyong ginawa hanggang maubos ang nakalagay sa plato.

"Masarap, Mhako?" tanong ko.

Inilabas ko ang panyo ko. Pinunasan ko ang gilid ng parehong labi niya. Kinikilig ako. Shet.

"Oo, Mhako. Pinakain mo ako eh. Bakit ang sweet mo ngayon, Mhako? May favor ka noh?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi nagagawa ang mga bagay na ito sa kaniya simula nang manligaw siya sa akin. Palagi na ako ang pinapakilig niya. Gusto ko naman na bumawi sa kaniya.

Kinuha ko ang kamay niya. Inilapat ko iyon sa puso ko.

"Mhako, do you feel the heartbeat of my heart? It is because of you. You mean the world to me so much but sometimes I need to asked myself if it's worth it. Worth it na pag antayin ka sa magiging sagot ko. Na hindi ba ako unfair sayo. Na hindi ba kita nasasaktan. Na nagdadalawang isip ka ba? Na ganito ba talaga kapag unti unti ay nahuhulog ka, na mas lalong narerealize mo na hindi ka na magiging buo kapag nawala siya." I don't care if nakikinig ang buong barkada sa damdamin ko para kay Sync.

Ang importante sa akin ay maipabatid ko sa kaniya ang totoong damdamin ko. Na maiparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal na mayroon ako para sa kaniya. Alam ko, masyado pa kaming bata para sa bagay na ito pero kung minsan ay wala namang pinipili ang pagmamahal, hindi ba?

Hindi mo namamalayan na unti-unti ay nahuhulog ka na pala sa taong dapat ay nagiging inspirasyon mo lamang. Para sa akin ay hindi dapat minamadali ang lahat. Kailangan namin maging realistic. Hindi lahat ng high-school sweetheart ay nagkakatuluyan. Hindi lahat ng mag boyfriend at girlfriend sa high-school ay nagkakatuluyan sa bandang huli. That's why I want to enjoy every moment I have with him.

He's the person I wanted in my life but I need to be true, that sometimes, love will be your downfall.

Synclair Rousell Oribiada's

I feel the fast heartbeat of Lou. I feel her love for me. Pero ramdam ko rin na nag-aalinlangan din siya sa maaaring mangyari, sa oras na sagutin niya ako. Alam ko naman, masyado pa kaming bata para sa mga bagay bagay na iyan.

"Lou, you mean the world to me too. I know it sounds so cliché but I can't live without you in my life. You became my world. Bigla na lamang na sayo na umiikot ang mundo ko. Isa lang naman ang tanging hiling ko. Ang maging masaya ka sa piling ko sa oras na sagutin mo ako," makabagbag damdaminy iwinika ko at hinigit ko siya para yakapin.

Alam ko naman na bawal ang masyadong public display of affection dito sa school but I can't help it. I always wanted to hug her. I always wanted to feel her presence. Hindi nagiging buo ang araw ko kapag hindi ko siya nayayakap.

"Mahal na yata kita, Sync," mahinang bulong niya. Natawa naman ako. Hindi ko kasi inaasahan na sasambitin niya iyon.

"Handa akong mag-hintay, Lou. Hindi mo kailangan na madaliin ang iyong sarili. Hindi mo kailangan na magmadali dahil lahat kaya ko basta ikaw ang magiging kapalit sa lahat ng pagdadaanan ko. Ikaw ang prize na gusto kong makamit, Mhako."

Kinikilig ako. Kinikilig ako. Kinikilig talaga ako.

"Woi, tama na yan. May pasok pa tayong lahat. Tara na at magsipasok na tayo sa mga klase natin," epal talaga itong si Calixto kahit na kailan.

Nag momoment pa kami ni Lou eh. Basag trip talaga. Isa isa na kaming nag-paalam sa isa't isa. Sinamahan ko si Lou patungo sa kaniyang silid. Ihahatid ko muna siya bago ako babalik sa Math adviser ko para sa pag-te-train niya sa akin.

Hindi naman mahirap para sa akin ang Math ngunit kailangan ko talagang mag-review ng masinsinan kasi kailangan na manalo ako sa quiz bee. Gusto kong muling makakuha ng panibagong karangalan ang aming eskwelahan.

"Mhako, mag-aral ka nang mabuti, okay. Mahalin mo na rin ang Math. Hihi. Babalik muna ako sa pag-rereview ha," sambit ko nang marating na namin ang silid niya.

"Ikaw din. Goodluck sa pag-rereview," nag flying kiss pa siya sa akin bago nag-mamadaling pumasok sa loob ng kaniyang silid. Natawa na lang ako sa ginawa niya.

Paalis na sana ako nang muling bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Lou. Agad siyang lumapit sa akin. Hinagkan niya ng mabilisan ang pisngi ko bago muling pumasok sa silid niya.

Naestatwa ako ng ilang minuto bago ko nabawi ang huwisyo ko.

Shet!

Lou kissed my cheek.

P. S. Update ulit. Hihi.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon