12

519 52 16
                                    

12 - Big Surprise! A YES!

Synclair Rousell Oribiada's

Nanalo ako sa quiz bee na ginanap sa ibang eskwelahan. Masaya ako dahil nanood si Lou sa araw ng kompetisyon ko. Kinabahan man ako ay naitawid ko naman iyon dahil naroon ang inspirasyon ko. Si Lou.

Nagbunga ang mga araw na hindi kami nagkikita ni Lou. Muling bumalik sa dati ang lahat matapos ang kompetisyon. Nakakasabay ko na muli si Lou at ang buong barkada sa pagkain. Ngunit ngayong araw ay parang may kakaiba.

Pinuntahan ko si Lou sa silid nila pero wala na raw si Lou doon. Mabilis na umalis. I try to call her but her phone is off. Hindi ko siya ma-contact. I also try to call the others but they aren't answering my calls. Naiinis na ako.

Babalik nalang sana ako sa klase ko nang biglang may humatak sa aking dalawang babae.

"Hey, saan niyo ako dadalhin?" naguguluhan kong tanong.

"Calm down, napag-utusan lang. Cara, suotan mo na yan ng blindfold dali," sabi ng babaeng skinny na may katangkaran sa babaeng medyo matangkad din pero mas matangkad ako sa kanila.

Iba blindfold na sana nila ako ng magpumilit akong magpumiglas sa hawak nila, "Bitawan niyo nga ako. Hindi ako sasama sa inyo. Ano ba?"

Hindi nila pinansin ang pagpupumiglas ko. Tinuloy pa rin nila ang ginagawa at nagtagumpay naman sila. Na blindfold nila ako. Biglang dumilim tuloy ang paningin ko.

"Saan niyo ba ako dadalhin? Pag ako nakita ni Lou sa ganitong kalagayan, malalagot kayo sa akin," pagbabanta ko pa pero mukhang wala naman atang epekto sa dalawa ang banta ko.

Patuloy nila akong inalalayan sa direksyon na hindi ko naman alam kung saan tutungo. Hindi naman kasi nagsasalita ang dalawang babaeng ito. Kakainis talaga.

Lagot talaga sa akin ang dalawang babaeng ito kapag nagalit si Lou sa akin. Humanda sila sa akin.

"Hanggang dito nalang. Pag bilang ko ng tatlo. Alisin mo ang blindfold mo ha," ani ng babae. Hindi ko siya pinakinggan.

Hindi pa siya nagbibilang ay agad ko nang tinanggal yung blindfold.

Medyo naging blurred ang paningin ko kaya pinikit pikit ko muna ang mata ko at unti-unti ay nakikita ko na kung ano ang nakahanda.

Isang malaking surpresa.

Mula sa malayo ay nasisilayan ko ang babaeng bumuo sa akin. Ang babaeng naging dahilan nang kasiyahan ko. Ang babaeng gusto kong gawing mundo at ibigay sa kaniya ang mundo. Ang babaeng nakangiti sa akin ngayon. May hawak hawak na malaking teddy bear sa kaliwang kamay at tatlong balloon sa kanang kamay niya.

"Lou," iyon lamang ang tanging nasambit ko.

Hindi ko kasi alam kung ano ang tamang salita para sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mayroon. Kung bakit may pakulong ganito si Lou.

Kinakabahan tuloy ako at tila na estatwa sa kinatatayuan ko.

"Hi Mhako, surprise. Hihi. Sorry kung hindi ko sinasagot tawag mo. I was preparing for this surprise, eh," nakangiti niyang sambit. Tila ba nagliwanag ang lahat dahil sa kaniyang ngiti.

Nag slow motion ang paligid sa paglapit ni Lou sa akin.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Hindi ko maitago ang kilig ko. Habang papalapit ako kay Sync ay tila ba nag iislow motion ang lahat. Ngayong araw ko napag desisyunang sagutin na siya.

I want our relationship to be official. May pangamba pa ako pero isasantabi ko iyon para sa ikakasaya ni Sync. I want him to always be happy. I want him to smile always. I want him to always feel special.

"Hi, Mhako. It's been months since you started courting me. Kaya gusto kong sabihin na sinasagot na kita," nakangiti kong sinabi.

Inilahad ko sa kaniya ang teddy bear at tatlong balloon. Trip ko lang, bakit ba. Walang basagan ng trip.

"You're officially mine, Mr. Oribiada," dagdag ko at nakakalokong ngumiti sa kaniya. Ngiting ngiti ako dahil alam ko at ramdam ko na masaya siya.

"T-talaga? S-sinasagot mo na ako?" hahaha. Ang cute. Nabulol pa talaga siya sa pagsasalita.

Tumango ako. Kaya naman ay hinapit niya ako papalapit sa kaniya. Batid ko ang tingin ng lahat ng estudyante sa amin. Paano ba naman kasi ay nasa gitna kami ng quadrangle. Malapit sa may football field.

"Shet, Lou. You don't know how much kilig I feel right now," isinubsob pa niya ang kaniyang mukha sa aking balikat. Tinawanan ko naman siya.

"I love you and don't ask me why. Cause for me there's no reason why I love you. I just love you the way you are. Nakuha mo ang puso ko dahil sa effort at pagpapakilig mo sa akin," proud ko pang sinabi.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga audiences namin. Pati ata teachers ay nakisali sa pakulo ko. Nahiya tuloy ako.

"Akalain mo yun, Mhako. Crush lang kita dati ih. Ngayon ay boyfriend na kita," kinikilig na bulong ko.

Walang pagsisidlan ang tuwa at kilig ko sa mga oras na iyon. I feel like I am floating in the air.

"I love you, Lou. I won't promise anything. I'll just gonna do what I know is right for our relationship. "

Nanatili kami ng ilan pang minuto sa ganoong posisyon na magkayakap.

"Tara na sa cafeteria, Mhako. Nagugutom na ako ih," aya ko.

Totoo naman kasi na nagugutom na ako. Nag aalburoto na naman kasi ang mga bulate sa tyan ko. Kaya kailangan ko na silang pakainin.

Hindi ko na pinansin ang buong barkada na nanonood din sa amin. Kinuntsaba ko rin kasi sila. Narating namin ang cafeteria.

"Dyan ka muna, Mhako. Ibibili lang kita ng makakain."

"Ayieeee, masyadong nakakakilig ang mga nangyari kanina. Hindi ko inakala na magagawa mo ang surpresa na iyon, Lou," si Sela. Na sinundan ni Eunyce sa pang-aasar din sa akin.

"Thank you, guys. Actually, gusto ko lang talaga na pakiligin ang man ko. He's my man and I intend to make him happy," pagpapasalamat ko.

"Ang swerte niyo sa isa't isa, Lou. Nakikita ko ang pagmamahal niyo sa isa't isa," seryosong wika ni Calixto. Infairness ha. Naging seryoso ang mokong.

"Yeah, pero mas maswerte ako," sambit ko.

Nagpatuloy ang kuwentuhan ng buong barkada. Dumating si Sync na puno ng pagkain ang tray na dala niya. He really likes spoiling me through foods. Nag-si-pagbili na rin ang mga lalaki para sa mga girlfriends nila.

Ito ang araw na pinakamasaya ako. At gusto kong magtuloy tuloy ang kasiyahan na nararamdaman ko.

P. S. Nag update ulit ako. Gusto ko lang mag update hihi. Nagustuhan niyo sana. Kinilig ba kayo? Ako kasi kinikilig habang nag tatype ih.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon