04

664 78 29
                                    

04 - Reply

Synclair Rousell Oribiada's

Naupo ako sa bleachers na malapit sa lugar kung saan makikita ko ang pinsan ko. Kinawayan ko siya.

"Thanks for coming, insan," sigaw ng pinsan ko nang makita niya ako. Napatingin tuloy ang iba sa akin.

Nginitian ko lang si Virgo. Nakapalibot silang lahat sa coach nila kaya tingin ko ay magsisimula na ang game, anumang oras. Mabuti nalang ay nakahabol ako bago magsimula ang game.

May pumito, hudyat na sisimulan na ang laro. Isa si Virgo sa nakasali sa first five na maglalaro. Magaling kasi talaga ang pinsan ko. Siya ang team captain at MVP. Kaya bilib na bilib ako sa kaniya.

Kabaliktaran naman niya ako, kung susumahin ang pagkakapareho at pagkakaiba namin ng pinsan ko ay mas magaling siya sa extra curricular activities habang sa academics naman ako pero parehas lang kaming gwapo.

"Woah, pinsan ko yan," sigaw ko pa. Naka three points shoot kasi siya.

"Go, insan. Lampasuhin mo mga kalaban," sigaw ko pang muli.

Nangunguna ang team ng pinsan ko habang nangungulelat naman ang kanilang kalaban. Sigawan, hiyawan ang tanging maririnig sa buong paligid.

Nakakaproud talagang panoorin ang pinsan kong maglaro. Ganadong ganado siya. Nagflying kiss pa siya.

Sa huli ay ang team ng pinsan ko ang panalo. Umalis ako sa kinauupuan ko, sinalubong ang pawisan kong pinsan. Na nakaakbay na sa girlfriend nitong si Ellayha.

"Insan, ang galing galing mo talaga," puri ko sa kaniya. Nakipag fist bump pa ako sa kaniya at siyempre niyakap ko rjn.

"Magaling ka rin naman, insan. Sa larangan naman iyon ng academics."

"Parehas naman kayong magaling na dalawa. Magkaiba nga lang talaga kayo ng priority at gusto sa buhay," sabat naman ni Ellayha.

She's right! Magkaiba talaga kami ni Virgo pero kahit ganoon ay never kaming nakipagkumpetisya sa isa't isa. Growing up, Virgo is always been there for me. He's my best bud and my best cousin.

"By the way, insan. Sama ka ba samin? O may pupuntahan ka?" pag iiba ni Virgo.

"Hindi na, insan. Pumunta lang talaga ako rito para sa game mo at isa pa, nagrereview ako para sa quiz bee eh. Alam mo namang importante ka sakin kaya pumunta muna ako rito para icheer ka," sabi ko naman.

"Oh sige. Goodluck sa quiz bee mo. Alam kong ikaw ang mananalo. Ikaw pa, eh ang tali talino mo eh at next time dalhin mo na ang girlfriend mo ha," tinapik niya ang braso ko.

"Insan, wala akong girlfriend. Crush, meron kaso natotorpe ako eh," nahihiya kong pag amin na tinawanan lang ng pinsan ko. Sa tingin ko ay namumula na ang buong mukha ko.

"Eh kung ako sayo. Liligawan ko na yan. Sige ka, maunahan ka pa ng iba riyan," pambubuska pa niya.

Tinawanan ko lang siya at sumenyas na aalis na ako. Umalis na ako at dumiretso kung saan nagpark si manong. Naabutan kong nakasarado ang Sedan. Umalis siguro si manong at baka nainip na sa kakahantay sa akin.

Itinext ko nalang siya. Maya maya pa ay nakita ko na si manong. Binuksan niya ang Sedan at tinahak na namin ang pabalik sa mansyon.

Nadatnan ko si mommy sa garden. Umiinom ng tea. Humalik ako sa pisngi niya.

"Oh my baby, where did you go?" malambing na tanong ni mommy.

"Sa school nila Virgo, mom. Pinanood ko ang game niya," sagot ko naman. Umupo ako sa katabing upuan ni mommy.

I look at my mom. She looks happy every day. I know that the relationship of my parents isn't perfect but I love how the way they look each other. The love they have is eternal, I guess.

"Ay ganoon ba? Did Virgo won the game? I bet they did."

Tumango ako. "They did mom. You know, Virgo. It's his passion. By the way, mom,I have to go. Magrereview pa po pala ako," paalam ko. Tumayo na ako.

"Sige, my baby. Goodluck. Mommy loves you so much, sweetheart," paglalambing muli ni mom. Lumapit ako sa kaniya para bigyan siya nang mainit na yakap.

Mom is the sweetest person I've ever known.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Nakatulala lang ako sa swimming pool. Yung bonding naming tatlo nila mommy ay hindi na tuloy. Nagkaproblema raw kasi sa company kaya ang ending ay ako nalang ang nag-swimming na mag-isa.

Malas mo talaga, Lou. Hahahaha

Tumalon akong muli sa pool. Kung ano anong stunt ang ginawa ko para lamang libangin ang sarili ko. Nang mapagod ako ay umahon ako. Tinuyo ang aking katawan.

Umupo ako hammock patio swing. Idinuyan duyan ko ang sarili ko. Mababaliw talaga ako kung ako lang ang mag-i-entertain sa sarili ko.

I took out my phone. Kinuhaan ko ng picture ang sarili ko at ipinost iyon sa myday ko.

Ilang minuto pa lang ay andami na ang nag react ng heart.

Sinearch ko sa search box ang name ni Synclair. Sawa na ako sa patingin tingin lang mula sa malayo. I need to make a move. Naisip ko na, ano naman kung may girlfriend na siya. Girlfriend pa lang naman, hindi pa niya asawa. Kaya pang agawin. Char.

I typed "Hi" and hit the send button. Inilapag ko ang phone ko sa table na katabi ng hammock. Tumingala ako. Ilang minuto ang lumipas, tumunog ang phone ko.

Inaasahan ko ay ang pag-chat sa akin nang kung sino man sa mga kaibigan ko. Pero nagkamali ako, ang isang taong hindi ko inaasahang mag-re-reply sa akin ang siyang nakita ko na naka pop ang name sa aking notification.

Mabilis kong binuksan ang phone ko. Sumigaw ako ng malakas na naging dahilan kung bakit lumapit ang ilan sa kasambahay namin.

"Ma'am, ayos lang po kayo?" kinakabahan na sinabi ng isa sa kanila.

"Manang, yung crush ko nag reply. Ahhhhhhhhhh!" muli kong sigaw. Hindi ko mapigilan ang tili ko.

"Juskong bata ka, oo. Ang akala ko ay may nangyari na sa iyo. Sige na magsibalikan na kayo sa mga ginagawa niyo. Hayaan niyo na ang batang yan. Nabubuang lang yan," mando ni manang sa mga kasambahay na tumungo sa aking kinasasadlakan. Kakamot kamot sa ulong umalis ang mga kasambahay namin.

Ilang beses pa akong tumili tili bago ko ikinalma ang aking sarili.

Omyghad!

My heart is beating so fast. I might gonna die. No scratch that, pwede na akong gumawa ng last will at mamatay. I didn't expected that he will truly reply on my message.

Shems!

P. S. Naisipan ko ulit mag-update ngayong araw. Sana ay nasiyahan kayo sa pagbabasa sa walang kwentang update ko. Hihi. Iloveyou all. Mwuah.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon