08

591 55 21
                                    

08 - Ligaw

Lailou Fleurica Altamirandi's

Tahimik akong naglalakad sa hallway. Excited man ako pero at the same time kinakabahan. Iniisip ko kasi kung makakasalubong ko ba si Sync o hindi. Hindi rin ako sigurado kung papansinin ko ba siya. Basta ang alam ko, nahihiya ako. May hiya pa pala ako. Hahaha. Hinanap ko ang aking silid. Nasa ikalawang palapag ang silid ko.

Masasabi kong boring ang unang araw ng klase. Paano ba naman kasi, puro introduce yourself. Aba, hindi ba sila nagsasawa sa kaka-introduce yourself nila. Umay na umay na kaya ako sa pangalan ko. Hindi na rin kami mag kaklase nila Leiyan. Si Sela ay nasa first floor. Third floor naman si Sela at Eunyce pero hindi rin sila mag-kaklase.

Nag-text ako kay Leiyan. Break time na kasi at gusto ko nang kumain. Nag-aalburoto na naman kasi ang tiyan ko. Mukhang nag-aaway away na naman ang mga bulate na nasa tiyan ko.

"Antagal mo, Leiyan ha," pambungad ko sa kaniya. Nagpasundo kasi ako.

"Wow ha. Ikaw na nga lang itong nagpasundo. Ikaw pa itong galit, teh gurl."

Natawa na lang ako. Kasama niya si Steven na halatang inlove na inlove sa bestfriend ko. I'm looking forward for their happy ever after.

"Tara na nga. Nagugutom na ako," pag-aaya ko. Kaso naalala ko sila Sela.

"Nagtext ba si Sela at Eunyce sayo, Leiyan?" tanong ko.

"Nasa cafeteria na ang dalawa kasama ang grupo nila Sync. Tayo na nga lang ang inaantay eh."

Fugde! Seryoso?

Unang araw pa lang ay makikita ko na si Sync pero parang hindi ako ready. I think I need to retouch pero paano naman ako makakatakas kay Leiyan?

"Woi,teh gurl. Nu na? Let's go na," walang sabi sabing hinila na ako ni Leiyan.

Hayst bahala na nga. Maganda pa rin naman ako. Ata. I'm not sure. Hindi naman kasi ako nag-lalagay ng mga pampaganda sa mukha ko. Feeling ko kasi iyon ang makakasira sa mukha ko kaya ang ending palaging tubig ang kasama ko. Hahaha. Iyon ang aking skin care. Charot.

"Ika! I miss you, teh gurl," sigaw ni Sela. At may balak pa atang mag-eskandalo ang bruhang babaitang ito.

Ngiting ngiti ako sa paglapit ko sa kaniya, "Bruha ka, bakit Ika ang tawag mo sakin?"

Iyon kasi ang nakapukaw sa aking pandinig. Ang pagtawag ni Sela sa akin ng Ika.

"Wala lang, trip ko lang. Bakit ba? Alang basagan ng trip noh," tumatawang sagot ni Sela. Babatukan ko sana ang bruhilda kaso umepal naman si Eunyce na mahigpit akong niyakap.

Parang tanga itong mga kaibigan ko. Kakakita palang namin noong nakaraang araw pero heto sila, na akala mo ay hindi ako nakita ng ilang taon.

"Ayos lang ba kayong dalawa? Ha?" pagtatanong ko. Hindi naman makatingin ng diretso ang dalawa sa akin. Parang may kung ano silang kasalanan na hindi pa nila nasasabi sa akin.

"Lou, ano kasi hahaha. May...... b-boyfriend na ako," si Sela ang sumagot.

Aba, infairness, hindi na jowaless si Sela. Isang malaking SANA ALL.

"Me too, Lou. Hehehe," nag peace sign pa si Eunyce.

Edi sila na may jowa, jusme. Crush crush lang gusto ko. Bakit ba? Alang pakialamanan ng trip. Hahaha.

"Hala, Lou. Ikaw nalang ang single sa inyong magkakaibigan. Sagutin mo na rin si Sync," pagbibiro ni Calixto. Namula ako dahil sa sobrang nahiya ako.

Fugde! Bakit naman ganun?

Synclair Rousell Oribiada's

Sa pagbibiro ni Calixto kay Lou. Namula ang pisngi ng huli. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Feeling ko kapag nagsalita ako ay maaaring mali ang masabi ko.

"Oo nga naman, teh gurl," segunda pa ng kaibigan niyang si Sela. Mas lalong namula ang kaniyang mukha na mas lalong nag depina sa kagandahan ng babaeng aking sinisinta.

"Stop na, I'm not happy na," may himig ng pagtatampo sa tono ni Lou na mas lalong ikina cute niya.

Lumapit ako sa kaniya.

"Don't worry, Lou. From this day, forward. I'll officially start to court you, my Mhako," sweet kong sinabi at hinigit ko siya para sa isang yakap.

"Gusto kita, Lou. Gustong gusto," bulong ko at alam kong sa mga oras na ito ay mas lalong namula siya.

"Ayieee, Wala na. Mas talbog ang loveteam nila Lou kaysa sa atin," natatawang asar ni Leiyan.

Kumalas ako sa yakap ko kay Lou at masinsinan siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. Hinalikan ko ang kaniyang noo bago dumistansya sa kaniya.

I like her..... No.... I'm falling for her... Harder..... And there's no turning back.

"Kumain na nga tayo, guys. Tama na muna ang pang-aasar niyo sa amin ni Lou. Hali ka rito sa tabi ko Lou."

Tumabi naman siya sa akin. Magana kaming lahat na kumain. Tanging ang malalakas na tawanan namin ang siyang pumuno ng ingay sa cafeteria. Inaasikaso ko naman ang pagkain ni Lou. Hinimay himay ko ang chicken niya para hindi na siya mahirapang kumain.

I'm officially courting her kaya lahat ay ibibigay ko at gagawin ko para sa kaniya. Masyadong mang cliché ang lahat ay wala pa rin akong pakealam. Basta ang importante ay napagsisilbihan ko ang babaeng mahal ko.

"Sync, baka naman matunaw iyang si Lou sa kakatitig mo," si Calixto.

Hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako kay Lou.

"Ang ganda kasi niya. Mas lalo akong nahuhulog," banat ko. Muli na namang pumula ang pisngi ni Lou.

Hay! Lou. Kung alam mo lang kung gaano ka kaganda kapag pumupula ang iyong mga pisngi. Gusto kong kurutin ito. Inlove na inlove ba ako sa lagay na ito. Sana sa lalo kong pagkahulog ay saluhin ako ng babaeng nasa aking tabi ngayon.

"Sync, stop na sa pagpapakilig," sabi niya.

"How can I stop if that's what I want. To make you kilig."

Nag ayieee pa ang mga loko. Hindi ko tuloy alam kung titigil ba ako o magpapatuloy sa pagpapakilig kay Lou. Hinawakan ko ang kamay ni Lou na nasa lamesa.

"Lou, I'm serious about courting you so I hope that you'll gave me a chance to prove that I'm worth loving for," makabagbag damdamin kong iwinika. Lou smile at me. A very wide one.

"I will Sync. Bibigyan kita ng pagkakataong ipakita na maganda ang intensyon mo sa akin."

Sobrang saya ko sa araw na iyon. Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko. Punong puno ng ligaya ang puso.

Shocks!

Ganito pala ang mahulog para sa isang babae. Nakakatuliro.

P. S. Hi! Antagal kong hindi na update ito. Sensya na. Nawalan na naman kasi ako bigla ng ganang magpatuloy. Hahahaha. But I promise na mag uupdate ulit ako. As soon as possible.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon