21

512 53 8
                                    

21 - New Friend

Lailou Fleurica Altamirandi's

Sa bawat araw na lumilipas ay nag-ba-baka-sakali ako. Nag-ba-baka-sakaling magpakita na muli si Sync. Napakababaw ng pagtatalo namin pero umabot kami sa puntong ito.

Nalaman kong nag-drop-out siya. Hindi ko alam kung bakit. One of his classmate approached me before the school year ends.

"Hi Lou, Andre nga pala. I just want to inform you na huwag mo nang hanapin si Synclair kasi nag-drop-out siya sa school noong nakaraang buwan pa. We don't know the reason why but that's the truth," malungkot na saad nito.

"That's impossible," giit ko pero isang malungkot na ngiti lamang ang ibinigay sa akin ni Andre bago umalis sa harapan ko.

Nagtungo rin ako sa bahay nila. Doon ko nakumpirmang totoo ang sinasabi ni Andre.

"Naku, iha. Pasensiya ka na pero wala na ang pamilyang Oribiada dito sa mansion. Tatlong buwan na ang nakakalipas," saad ng mayordomang malapit sa puso ni Sync.

"Saan po sila nagpunta? Babalik pa po ba sila?" Pinipigilan kong huwag maiyak. Gusto kong mag breakdown sa harap mismo ng mayordoma dahil baka-sakaling lumabas si Synclair pero hindi ko ginawa.

"Hindi ko alam, iha. Wala naman kasing sinabi ang mag-asawa." Tumango na lamang ako at pinasibad na ang kotseng minamaneho ni manong.

lailoufleur: Hi, Mhako! Kamusta ka na? Miss na kita. Umuwi ka na please. Makikinig ako sa paliwanag mo. Promise. Hindi ako magagalit sa iyo. Magiging considerate ako.

lailoufleur: Mhako! I miss you. Uwi ka na please.

Ilan lamang iyan sa mga i-di-ni-dm ko sa kaniya pero hindi niya manlang sinasagot kahit isa sa mga direct messages ko. I even texted him. Message him on messenger and twitter but nothing happens. He didn't reply nor seen my messages.

I got frustrated. I even pushed my friends away. Thinking that they knew Synclair's plan of leaving me behind without a proper goodbye.

"Umalis na kayo. Hindi ko kayo kailangan. Alam kong alam niyo kung nasaan si Synclair pero ayaw niyong sabihin sa akin," pagtataboy ko sa mga kaibigan ko. Kumpleto silang lahat. Nasa labas kami ng mansion. Bakasyon na.

At ang plano sana naming pagpunta sa Enchanted Kingdom na magkakasama noon ay hindi na natuloy dahil na rin sa pagtataboy ko sa kanila.

Hilam ng luha ang mga mata ko.

"Lou, we didn't know where Synclair is. Please, maniwala ka naman sa amin. Hindi talaga namin alam," pangungumbinsi sa akin ni Lisa pero hindi ko siya pinakinggan.

Iniwan ko silang lahat sa labas. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Doon ko ipinagpatuloy ang pag-iyak ko.

Araw-gabi iyak lang ako nang iyak. This is the painful heartbreak for me. My love leave me behind without saying goodbye.

Summer ended, nagkulong lang ako sa bahay namin. Iyon ang naging bakasyon ko. Hindi ko pineke ang nararamdaman ko sa mga magulang ko.

"Fleur, anak, ayaw mo ba talagang mag bakasyon sa ibang lugar?" hindi ko pinansin ang isinuhestiyon ni mommy. Nagpatuloy ako sa pagkain.

Sa mga oras na iyon. Ang gusto ko lamang gawin ay muling umiyak.

Napagod na rin siguro sila mommy sa kakapilit o kaka-suggest ng mga dapat kong gawin kaya hinayaan na lang siguro nila ako.

Bago mag-end ang summer. Isang desisyon ang siyang namayani sa akin. Ang desisyon na unti-unti nang kalimutan si Synclair. Hindi man iyon magiging madali ngunit pipilitin ko.

"Hi guys, can I sit here?" tanong ko. Namataan ko kasi ang buong barkada sa lamesang dati na naming inuukopa.

"Shet, Lou. Huhu. Akala namin hindi mo na kami papansinin," umiiyak na sambit ni Leiyan. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.

"Sorry guys kung pati kayo ay ipinagtabuyan ko but I promise, from this day forward, kakalimutan ko na ang nangyari. I don't care if Synclair doesn't want me anymore. I will forget him and be a better person," masiglang sinabi ko. I even wink at them.

I admit, a part me still hoping for Synclair's return.

Isa isa ko silang niyakap. Ginantihan naman nila ang yakap ko.

"Namiss ka namin, Lou. Sayang at hindi ka nakasama sa outing ng buong barkada noong summer. Gustuhin man namin pero naisip naming masyadong ka pang emosyonal at baka muli mo kaming ipagtabuyan," malungkot na sinabi ni Lisa.

"It's okay. May susunod na summer pa naman ih."

Nag-kwentuhan pa kami ng mga kung ano anong karanasan nila noong summer. Ako naman ay nakinig lamang. Wala pa akong sapat na lakas na ikuwento sa kanila ang nangyari sa buong summer ko.

Puro lang naman kasi iyak ang ginawa ko buong summer.

Nasa first floor na ang silid ko. Inihatid nila akong lahat. Ako lamang ang natatanging nasa first floor dahil sila ay nasa second o kaya ay third floor.

Sa pagpasok ko sa silid, may isang lalaki ang nag-approach sa akin. Medyo matangkad siya ng kaunti sa akin, mestiso, may biloy sa kaliwang pisngi. May mahaba rin siyang pilik mata. At matangos na ilong.

"Hi, I'm Oliver San Diego," pagpapakilala niya na may kaakibat na ngiti sa kaniyang labi. Inilahad niya ang kamay.

Inabot ko ang kaniyang kamay, "Lailou Fleurica Altamirandi, Lou for short." Nginitian ko siya ng pagkalapad lapad. Sinuklian niya rin ang ngiti ko.

Binitawan ko na ang kaniyang kamay para maupo na sa pwesto ko. Gulat ang rumehistro sa aking mukha ng malaman kong katabi ko siya.

Nasa gitnang bahagi ng silid ang kinauupuan ko.

"So Lou, kumusta ka? Pasensya ka na kung feeling close ako. I'm a transferee kaya medyo wala pa akong kaibigan."

"Ano ka ba! Okay lang iyon. I'm glad to consider you as my friend here in our class."

Nagkwentuhan pa kami ng mga random things bago kami natigil dahil sa pagdating ng guro namin. Naging magaan ang mga nagdaang araw para sa akin dahil kay Oliver.

Kapag late na dumarating ang guro namin ay nagku-kwentuhan lang kaming dalawa. Gusto ko sana siyang isama sa barkadahan kaso naisip kong hindi pwede. Ayokong may kumuha sa pwesto ni Synclair. Ayokong may pumalit dahil inaamin ko. Mahal ko pa rin siya.

Iniisip ko pa rin siya. Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Lolokohin ko lamang ang sarili ko kung sasabihin kong wala na siyang puwang sa puso at buhay ko.

Malaki ang naging role ni Synclair sa buhay ko. Marami siyang bagay na ginawa para sa akin. Siya ang dahilan ng kasiyahan ko ngunit siya rin ang dahilan ng pagkawasak ko.

Oo, bata pa ako. Oo, hindi pa ako masyadong mature pero alam ko sa sariling kong mahal ko siya.

Mahal ko siya, minamahal ko pa rin siya at patuloy ko siyang mamahalin. Hindi man ngayon ang pagbabalik niya pero hihintayin ko ang araw na iyon ngunit sisiguraduhin kong mahihirapan muna siyang makabalik sa buhay ko.

P. S. Update again. Hope you like it. Pasensiya, hindi ko talaga alam ang nagiging takbo ng aking akda. Hahahahaha.

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now