13

519 51 23
                                    

13 - Meet the Parents Part One

Lailou Fleurica Altamirandi's

Nasa bahay kami ngayon. Gusto ni mommy at daddy na makilala si Sync. Tatlong buwan na rin kaming magkasintahan. Ngayon lang kasi nag ka time sila daddy kaya ngayon lang natuloy ang meet the parents.

Bukas naman ay meeting with Sync's parents. Kinakabahan na nga ako.

"Mom, dad, nakakainis kayo kamo," kunwa'y nagtatampo kong sabi.

"Totoo, Sync. Mahilig kumain iyang si Fleur. Hindi nga lang tumataba. Ewan ko ba kung bakit. Eh hindi naman yan nag wo-work-out. Gusto lang niyan matulog nang matulog kapag walang pasok," pagbubunyag ni mommy sa sikreto ko. Kakaasar naman si mommy.

"Mhako, hindi mo na kailangan mahiya. Alam ko naman na mahilig ka sa pagkain. Lagi ka kayang gutom pag magkasama tayo," natatawang sinabi naman ni Sync.

Isa pa siya. Hays. Hindi na ko natutuwa aba. Pinagtutulungan nila ako.

"Hmp, hindi na kita bati," tinalikuran ko sila. Hinarap ko ang TV na kasalukuyang nasa Netflix. Movie marathon kasi kami. Bonding kasi iyon nila mommy. Ang manood ng Netflix.

"Sows, anak. Rousell, can accept your flaws," segunda naman ni daddy. Nagtataka nga ako kung bakit Rousell ang tawag nila kay Sync eh.

"Basta, kayong dalawa,makinig kayong mabuti ha. Enjoy the moment with each other. Mga bata pa kayo kaya huwag kayong magmadali sa relasyon niyo. Take it slow, okay until you both mature enough na ihandle ng maayos ang relasyon niyo," payo ni mommy.

"Tama, kaya huwag muna kayong mag kikiss sa lips. Bawal pa iyon. Cheeks at forehead o kaya ay hands. Iyon lang ang pwede. Naiintindihan niyo bang dalawa? Nandito lang kami para gabayan kayong dalawa sa relasyon niyo. At Rousell, huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko, kung hindi ay malilintikan ka sa akin," payo rin ni daddy pero sa bandang huli ay nabantaan pa ang boyfriend ko.

Pero I know, daddy only wants what's the best for me. He's my dad, after all.

"Huwag po kayong mag-aalala, tita, tito. Hindi po ako mangangako sa inyo. Gagawin ko pa ang lahat para lang maging masaya si Lou kasama ako. Mag-aaral din po ako ng mabuti para may magandang future na mag-aantay po para sa aminy dalawa," banat naman ng boyfriend ko. Hinawakan niya pa ang kamay ko.

Kinikilig na naman tuloy ako. Kakainis. Lagi niya nalang ako pinapakilig. Ang una't huling beses ata na napakilig ko siya ay noong araw na sinagot ko siya. The rest ay siya nalang lagi ang nagpapakilig sa akin.

Sync is not the perfect boyfriend. He has flaws too. Insecurities that sometimes cause us to fight. Wala naman kasi talagang perpekto na relasyon.

Palagi kasi akong may sapak na lagi ko nalang siyang inaaway kahit na wala naman siyang ginagawang masama. Wala, ang cute niya lang kapag nilalambing ako. He's so understanding pag dating sa akin.

"Mhako, nagugutom ako," nag pout pa ako. Gusto kong subukan kung masarap ba ang luto niya.

Sync knows how to cook. Iyon ang sabi niya sa akin. Kasi raw bata palang siya ay tinuraan na siyang magluto ng mommy niya. Iyon daw kasi ang naging bonding nilang mag-ina.

Kaya ngayon ay aalamin ko kung totoong marunong talaga siyang magluto.

Synclair Rousell Oribiada's

Hindi ko maitago ang tawa ko. Paano ba naman kasi ay kakakain lang namin ng meryenda ay nagugutom na naman si Lou. Nag-paalam kami sa mom at dad niya na mag-tutungo kami sa kitchen. Pumayag naman sila. Kaya ngayon ay nandito kami sa kitchen.

"Mhako, gusto ko ng spaghetti," ang cute talaga niya kapag nag-pa-pout. Hindi ko tuloy maitago ang ngiti ko.

Sa tuwing kasama ko si Lou, tila ba ang perpekto ng mundo ko. Siya ang tanging tao na nais kong makita araw-araw.

Ano ba yan. Nagiging cheesy na naman ako. Kawawa naman ang mga walang jowa at hindi kina crushback ng mga crush nila.

"Okay, Mhako. Spaghetti, here we come. Just relax and watch me."

Hindi naman ako nahirapan na lutuin ang gusto ni Lou dahil kumpleto naman sa lahat ang kitchen nila pati na rin ang lulutuin kong spaghetti.

"Tsaran, spaghetti a la Synclair," natatawang sinabi ko. Tumawa rin tuloy si Lou.

Pati ang pag-tawa niya ay nakaka-engganyong pakinggan. It was like a music that makes my ear better.

"Yay, spaghetti. Mah fave. Mamats, Mhako. Mwuah," at ayun nga po. Nag baby talk siya at nag flying kiss pa sa akin.

She's like that kapag nagugustuhan niya ang ginagawa ko o kaya ay kapag may pagkain akong ibinibigay sa kaniya.

"Doon na tayo sa sala, Mhako. Nag-aantay ang mommy at daddy mo. Patikimin din natin ng luto ko para mas paboran nila ako. Hihi."

Kinuha ko yung nilalagyan ng spaghetti habang si Lou ay yung plato niya na punong puno ng laman na spaghetti ang siyang hawak lang nito.

"Wow, anak. Hindi kaya maimpatso ka niyan," natatawang pang-aasar ng mommy ni Lou.

"Tita, tito, gusto niyo po? Ako po ang nagluto niyan," proud ko pang sinabi.

"Siya, sige nga, hon. Tikman natin ang nilutong spaghetti ng future son-in-law natin," pagbibiro pa ng mommy ni Lou.

Namula tuloy ako bigla. Paano ba naman kasi. Future son-in-law daw. Shet.

"Hmm.. Pwede ka na mag asawa, Rousell," biro naman ng daddy ni Lou na sinamaan lang ng tingin ng kumakaing si Lou.

"Biro lang baka kainin ako ng buhay ng anak ko. Hindi pa ata siya handang ibigay ka sa iba. Hahaha," pagbawi ng biro ng daddy niya kaya ako ay medyo natawa kasi naman binawi niya tapos biniro niya ulit ang anak.

Tumabi ako ng upo kay Lou, "Huwag mong pansinin ang sinabi ng daddy mo, Mhako. He is just joking."

Inayos ko ang nag-kalat na buhok sa mukha ni Lou at pinakatitigan siyang mabuti. Napakaswerte ko.

Nakuha ko ang isang bagay na hindi ko naman inaasahang dadating sa buhay ko. She's my answered prayer.

Hindi man siya perpekto pero sa paningin ko ay napaka perpekto niyang nilalang. She's like a goddess na naligaw lang dito sa lupa. Para siyang bulaklak na napakaganda.

Mahal kita, Lou.

P. S. Update update. Gusto ko lang ih hihihi.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon