24

513 54 7
                                    

24 - He's Back

Synclair Rousell Oribiada's

Tatlong taon.

Tatlong taon kong kinailangan mawala sa landas ni Lou dahil sa lolo ko. May malubhang sakit si lolo. He has a stage four cancer. Nag drop-out ako noon bago pa matapos ang school year.

Dapat ay sasabihin ko sa kaniya ang bagay na ito pero naduwag ako. Ayaw ko kasi nang long distance relationship. Ayokong mag-antay siya.

Naalala ko pa noong huling usap naming dalawa. Nagkasagutan kami at iyon ang ginawa kong dahilan para tuluyang sumama kila mommy patungong Florida kung saan nagpapagamot si lolo. But eventually, after all the sufferings of my lolo, he died. Hindi niya kinaya.

Sumuko siya. Sobrang sakit para sa akin ang bagay na iyon.

I want to tell it to Lou pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit sobrang nasasaktan ako ay pinili ko nalang na itago iyon.

Ngayong araw na ito ang pagbabalik ko sa Pilipinas. Mananatili pa sila mommy ng ilang buwan dito sa Florida bago bumalik ng Pilipinas.

Mommy was devastated upon seeing lolo's dead body on the coffin. She needs treatment para hindi siya magkaroon ng depression.

"Anak, sigurado ka na ba? You can stay here instead and finish your study. Kolehiyo ka na sa susunod na taon," nag-aalangang sinabi ni daddy.

But my decision is final. Sa Pilipinas ko balak tapusin ang kolehiyo ko. Makakahabol pa naman ako dahil magsisimula pa lang naman ang klase.

Lumapit ako ng kaunti kay daddy, "Dad, I'm sure of my decision. Just take care of mom and yourself. I can take care of mine. If hindi kayo kaagad makakauwi. Ako nalang ang bibisita dito sa Florida kapag may oras ako."

I'm not so sure of my decision, I'm scared of what will happen to me in my own country. I feel lost. I felt like I'm now a stranger.

Sa paglapag ng eroplano. All my worries came up again. Hindi sigurado kung itutuloy ko pa ba ang desisyon ko.

"Manang, I'm home," sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng mansion. Bukas ang pinto kaya dumiretso nalang ako papasok sa loob.

Hindi ako nagpasundo. Nag Grab taxi lang ako. Tanging isang maleta lang ang dala dala ko.

"Rous, nak. Ikaw na ba iyan? Mas lalo kang tumangkad ah," pamumuri ni manang. Niyakap ko siya. Sa pagyakap ko sa kaniya, I feel peace and home. Atleast manang made me feel at home.

"Namiss kita, Nay. Tatlong taon din tayong hindi nagkita. Kamusta ka na po?"

"Nak, condolences. Ibinalita sa akin ng daddy mo ang nangyari sa lolo mo," malungkot na saad ni manang.

Isang malungkot na ngiti lamang ang ibinigay ko bago nagpaalam na magpapahinga muna ako.

"Gisingin mo nalang po ako kapag naka-ready na ang dinner, Nay," habilin ko pa bago umakyat sa silid ko noon.

Sa pagpasok ko, bumalik lahat ng alaala ko sa nakaraan. Ang mga masasayang ngiti ni Lou. Ang sweetness namin noon. Ang mga pag-aalaga niya. Ang pagkauyam niya sa Math.

I miss Lou so much. Kamusta na kaya siya? Is she fine? Does she have a new boyfriend, now? Did she already forgot about me?

Ilan lamang iyan sa mga katanungan ko na gusto kong masagot ng babaeng pinakamamahal ko.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Ang bilis lumipas ng panahon. Grade 11 na ako ngayon. Masaya ako dahil nanatiling magkaibigan pa rin kami ni Oliver. Nakakatuwang isipin na mag kaklase pa rin kami ngayon.

Despite the fact na may gusto siya sa akin ay nanatili ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Lou, bakit mag-isa ka? Hindi mo kasama si Oliver?" si Lisa. Patungo siya sa direksyon ko.

Tutungo ako sa library. Naroon na kasi si Oliver. Nauna siya sa akin dahil binalikan ko ang Macbook ko sa silid namin. Napagkasunduan namin na doon mag research para sa research paper namin. Hindi pa naman iyon kailangan pero gusto na namin simulan para maayos namin ang gagawing research.

"Ah! nasa library na eh. Doon nga ako tutungo, eh. Sila Calixto?" tanong ko rin.

Stay strong pa rin naman ang bawat loveteam ng barkadahan. Hindi ko nga alam kung paano nila napanatili iyon eh.

"Iyon nga sana eh. Yayayain kita sanang sumama sa akin. May ano, may naghahanap sayo," nag-aalangan pa niyang sinabi at kakamot-kamot sa kaniyang ulo. Mukha siyang kabado.

"Sorry, Lisa. Hindi ako makakasama sa iyo. Inaantay ako ni Oliver eh. Sisimulan na kasi namin ang Chapter 1 ng Research namin eh. Next time nalang siguro?"

"Ayy ganoon. Sige. Bukas baka pwede ka. Gusto ka na kasi niyang makita eh," determinado talaga si Lisa na mapapayag ako. I have this feeling na may itinatago siya sa akin pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

"Doon pa rin ba sa dating mesa? Sunod nalang ako. Sama ko si Oli," sambit ko. Nakita kong nabuhayan ng loob si Lisa.

"Sige," nakangiting sinabi niya at umalis na siya.

Tumungo na ako sa library. Naabutan ko si Oli na nag-i-i-scroll sa phone niya.

"Oli, bukas nalang natin simulan ang research. Samahan mo muna ako sa cafeteria. May naghahanap daw kasi sa akin sabi ni Lisa eh."

"Uh, ganoon ba? O sige." Tinulungan ko na siyang ayusin ang mga gamit niya.

Habang patungo kami sa cafeteria ay nag-jo-joke si Oli. Hindi naman nakakatawa pero natatawa pa rin ako.

Sinapok ko ang balikat niya, "Woi, tama na nga. Di naman nakakatawa joke mo eh."

"Sus, bakit ka tumatawa?" natatawang sinabi niya.

"Eh kasi naman, natatawa ako sa tawa mo," natatawa ring sinabi ko.

Nasilayan ko kaagad sila pagkapasok namin sa loob ng cafeteria. Kinawayan ko sila pero biglang nangunot ang noo ko. Isang pamilyar na likod ang namataan ko.

His back is somehow familiar to me but his hair. Medyo mahaba ito kaya hindi ako sigurado kung kilala ko nga ba ang nakatalikod na lalaking iyon.

"Buti naman dumating na kayong dalawa. Ang saya niyo ah. Dinig namin mula rito ang tawanan niyo," sambit ni Eunyce.

Ilang hakbang nalang ay malapit na naming marating ang kinaroroonan nila. Sa paghinto ko, mas lalong naging malinaw sa akin ang lahat.

Sa kaniyang paglingon, lahat ng alaala ng kahapon ay bumalik sa akin.

"Synclair," walang emosyong sinabi ko sa pangalan niya.

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lang ay nasa likod ko si Oli at inalalayan niya ako.

"Hi, Mhako. Miss me?" malungkot na sinabi nito na siyang lalong nagpakulo sa dugo ko.

How dare him?!?

P. S. Another update. Wala akong magawa eh. Kaya itong nalang pinagkaabalahan ko hihi

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now