02

787 85 59
                                    

02 - Wall

Synclair Rousell Oribiada's

I have this one girl na siyang nakakuha ng aking atensyon, unang araw pa lang iyon ng eskwela. She's pretty. Sabi ng mga kaibigan ko ay crush daw ako kaso ay wala daw balak umamin sa akin.

Nakakahiya naman kasi talaga kung babae ang mag fi-first move. I admit, inaantay ko talaga 'yong araw na aamin siya sa akin. Ngunit magtatapos na ang school year ay wala pa rin siyang ginagawang kahit anong hakbang.

"Sync, ano na? Mag-aantay ka nalang ba riyan? Galaw galaw. Sige ka maunahan ka pa ng ibang tao riyan," panunudyo ni Gavin, isa sa mga tropa ko.

"Hindi 'yan. Sa gwapo kong ito, hindi niya ako ipagpapalit noh," pagmamayabang ko pa pero sa katunayan ay medyo kinabahan ako sa sinabi ni Gavin.

Crush niya lang naman ako kaya pwedeng mahulog siya sa iba.

"Sige, Sync. Libre naman ang mangarap." At tumawa si Gavin ng sobrang lakas kaya pati ang grupo ni Lailou or should I say Lou ay napatingin sa gawi namin.

Nasa cafeteria kasi kami ngayon. Breaktime kaya rito ko naisipang tumambay pero ang totoo ay dahil kay Lou kaya ako nandito.

Oo na, inaamin ko na. Nagiging stalker niya ako minsan kapag hindi ko na kayang hindi siya makita. It feels like, my day isn't complete without seeing her around.

"Hay naku, Sync. Kung ako sa iyo. Nilalapitan ko na siya kaysa naman sa pasulyap-sulyap ka lang d'yan," sabat naman ni Calixto.

"Oo nga, Sync!" pagsang-ayon ni Lisa. Ang nag-iisang babae sa grupo namin. Girlfriend siya ni Calixto.

"Don't interfere with my decision, guys. Kaya kong magdesisyong mag-isa. Una na 'ko. Ang kukulit niyo. Tss!" inis kong iwinika bago ko iniwanan ang tatlo.

Nakakainis naman! Nandoon pa si Lou eh. Hindi pa nga sapat ang pagsilay ko sa kaniya. Epal naman kasi ang mga bugok na iyon. Parang hindi mga kaibigan.

Bumalik nalang ako sa classroom. Tutal naman ay masusulyapan ko ulit siya. Hihintayin ko nalang ang pagbalik niya sa classroom nila.

"Sync, hinahanap ka ni Ma'am Santiago. Sumali ka raw ng quiz bee," bungad sa'kin ni Steven, isa sa mga kaklase ko.

Huwaw naman! Epal din minsan ang mga teacher aba! Aabangan ko nga ang babe ko tapos biglang may eepal na naman.

Hayst. Walang hiyang buhay to, oh.

"Ah sige, kailan ba?" Walang ka-intere-teresanteng tanong ko.

"Sa susunod na linggo raw. Kakausapin ka raw niya bukas."

Yes!

Akala ko ay pinapapunta na ako ngayon sa department eh. Buti nalang.

"Sige, salamat, Steven." Tinapik lang ako ni Steven bago niya ako iniwan.

Nakipag kwentuhan ako sa mga kaklase kong nasa labas ng silid namin pero ang totoo ay hinihintay ko talaga ang pagbalik ni Lou sa kanilang silid na medyo makikita ko kasi ay medyo katapat ng silid namin ang kanila.

Hey, Crush! Be Mine Место, где живут истории. Откройте их для себя