14

512 50 15
                                    

14 - Meet the Parents Part Two

Synclair Rousell Oribiada's

Sinundo ko si Lou sa bahay nila. Syempre kasama si manong. Hindi pa naman ako pwede mag drive eh. Gusto rin kasi nila mommy na makilala si Lou.

"Oh, Sync. Ingatan mo yang si Fleur. Ang sabi ni Sancho ay ihatid mo nang buo ang kanilang anak dito. Walang galos o anuman," habilin ni manang. Nasa trabaho na raw kasi ang mga magulang ni Lou kaya si manang ang naghabilin sa akin.

"Opo, manang. Makakaasa po kayo."

"O siya. Mag ingat kayong dalawa."

Hinatid kami ni manang hanggang sa Sedan. Pinagbuksan ko ng pintuan si Lou. Pumasok na rin ako katabi niya sa likod ng Sedan at tinahak na namin ang direksyon patungo sa amin.

"Mhako, mabait ba mommy at daddy mo?" maya-maya ay tanong niya.

"Don't worry, Mhako. Hindi naman nangangain sila mommy at daddy. Excited nga silang makilala ka eh," sagot ko naman.

Humilig siya sa balikat ko. Hinawakan ko naman ang medyo nanlalamig niyang kamay.

"How I wish marunong din ako magluto, just like you, Mhako. Para sana ma-impress sa akin ang parents mo," malungkot na sinambit niya.

"Mhako, hindi mo naman kailangan mag-pa-impressed kila mommy. Ang importante kila mommy ay kung saan ako masaya. At ikaw ang kasiyahan. You're the reason of my happiness, Mhako."

I want her to feel at ease. Ayokong mag-isip siya ng mga bagay na hindi totoo na magpapawala sa confidence niya. I want her to feel my love for her. I want her to feel that everything will be fine.

"Sync, thank you. You always make me feel being loved. I love you," she wholeheartedly say.

Andito na naman yung pakiramdam na may mga kung ano sa loob ng tiyan. Kinikilig na naman ako sa mga ganoong salita lang ni Lou ay natutunaw na ang puso ko. I love her. That's a fact.

Sisiguraduhin kong siya ang una't huling pag ibig ko.

Sobrang cliché man ng lahat, wala akong pakialam. Ang pakialam ko lang naman ay ang nararamdaman ni Lou. Ang pag-ibig niya para sa akin.

Hindi nagtagal ang oras ay nakaratimg na rin kami sa mansyon ng magulang ko. Ayaw kong angkinin ang mansyon na pag mamay-ari ng magulang ko dahil hindi ko naman iyon pinaghirapang makamit.

Magiging akin lang ang isang bagay kapag ako mismo ang nagpakahirap na makuha iyon.

"Mhako, ready ka na? Nandito na tayo sa amin. Huwag kang kabahan, okay. Hindi nangangain sila mommy," natatawang biro ko pa na mabuti nalang ay tinawanan naman ni Lou.

I really love her laugh.

"Rousell, mabuti naman at dumating na kayo," ang boses ni manang ang bumungad sa amin na nakaabang na pala sa amin.

"Mano po, nay. Siyanga po pala, nay. Si Lou, girlfriend ko po," magalang na sinabi ko. Close na close talaga kami ni manang. Siya kasi ay matagal nang naninilbihan.

Nagmano rin si Lou sa kaniya at nginitian si manang.

"Hali na kayo. Nag-aantay sa may pool ang daddy at mommy mo, Rousell," pag-aaya ni manang na agad naman din naming sinunod.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa pagpunta sa mansion nila Sync. Feeling ko kasi ay sisistensyahan ako. Charot. Pero seryoso, I feel a little bit nervous as we go near to the pool area of their mansion.

"Mommy, daddy, I would like you to meet my girlfriend, Lou," pagpapakilala niya sa akin sa dalawang matanda na siguro ay nasa mid-forties na pareho.

Napaka sophisticated nang ayos ng kaniyang mommy na binagayan naman ng daddy niya.

"Welcome to the family, Lou. I'm happy that finally, nakilala na rin kita," masayang masayang sinabi ng mommy ni Sync at bigla na lamang akong niyakap ng pagkahigpit higpit.

Hindi man ako makahinga ng ayos ay sinuklian ko ang yakap ng mommy ni Sync.

"Hon, huwag mong higpitan ang yakap sa future daughter-in-law natin. Look at her, hindi na siya makahinga ng ayos," saway naman ng daddy ni Sync.

Mabuti nalang pala ay nakita niya ang itsura ko. I really can't breathe. Ang higpit kasi ng yakap ng mommy niya eh.

"Omyghad, I'm so sorry. Nasabik lang talaga akong makilala ka, iha. You know kasi matagal ko nang pangarap na magkaroon ng anak na babae kaso yun nga lang ay si Rousell lang ang tanging ibinigay sa amin ng Panginoon," medyo naging malungkot ang aura ng kaniyang mommy.

Bigla tuloy akong nalungkot para sa kaniya.

"Okay lang po, ma'am. No problem," maligayang sinabi ko. Nag thumbs up pa ako.

"Ma'am ? Don't call me ma'am. I'm not your teacher. Call me Tita or Mommy. But I prefer mommy."

Natutuwa ako sa pagtanggap sa masayang pagtanggap sa akin ng mga magulang ni Sync. Nakahanap ako ng pangalawang magulang na gagabay sa aming dalawa ni Sync.

"Noted po, tita."

"Let's eat, baka nagugutom ka na, iha. Ayokong magutom ka," sinabi ni tita na siyang nagpabungisngis sa amin ni Sync.

"Mommy, lagi pong gutom si Lou," pang-aasar sa akin ni Sync.

Kaya kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran kaso mukhang hindi naman masakit ang kurot ko dahil tawa lang siya ng tawa. Kakainis.

"Mhako, totoo naman diba? You're always hungry," dagdag pa ng mokong.

Kulang pa siguro ang kurot ko. Kinurot ko ulit siya pero hindi talaga effective.

"Sows, kahit naman gutom ako palagi, mahal mo naman ih," pangangantyaw ko rin. Iyon ang nagpatigil sa kaniya. Biglang namula ang magkabilang pisngi niya. Kaya it's my time para mang-asar naman sa kaniya.

"Yieee, kinikilig. Mhako, don't worry kahit na asarin mo ako. Lagi ko lang iisipin na kaya mo ako inaasar kasi mahal mo ako. Diba, diba?" pangungulit ko pa. Kaya mas lalong namula ang pisngi ng Mhako ko.

Ang mommy at daddy naman ni Sync ay nakatingin lang sa amin. Pinapanood ang asaran naming dalawa.

"Tama na muna iyan, kumain na muna kayong dalawa. Baka lumamig na itong niluto ni nanay," saway ng mommy ni Sync.

Nilingon ko kaagad ang mga pagkain. Shet, lahat ng nakahain ay mga paborito kong pagkain. Hindi ako makapaniwala.

"Thank you po for this. Everything that is served is my favourites."

"Kay Rousell ka magpasalamat, anak. Siya kasi ang nagsabi sa amin ng mga paborito mo," ani ng daddy niya.

"Thank you, Mhako. Da best ka talaga."

Hindi ko naman agad nilantakan ang mga nakahain. Naging Maria Clara muna ako like mahinhin na kumakain. Syempre ayoko naman papangitin ang image ko noh.

Hihi.

P. S. Update update update.

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now