03

708 79 29
                                    

03 - Game

Lailou Fleurica Altamirandi's

Heto na naman ako. Nakatulala sa phone ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I wanna chat my bebe but I'm scared baka iseen lang ako. Kaya kawawa naman ang aking heart.

Kaya ang ending, nagtatalon nalang ako sa ibabaw ng kama ko at nang mapagod ay nahiga ulit ako. Kinuha ko ulit ang phone ko, tinitignan ulit ito.

Maduduling ako nang  di oras nito.

Ano ba naman yan, Lou. Napakahina mo naman. Kung ako sayo ay aamin na ako.

Nagulat nalang ako sa biglaang pagtunog ng phone ko. Gustong makipag video call ng tatlong kaibigan ko. Pinindot ko ang green button hudyat na sinasagot ko ang video call.

“Lou! Ang sabi sakin ni Steven, isasali si Sync sa quiz bee,” pambungad ni Leiyan. Si Steven ay kaklase ni Sync na boyfriend ni Leiyan.

Oh yes! Mag boyfriend girlfriend si Leiyan at Steven.

“Really? Kailan daw? I wanna watch that quiz bee. Fugde I wanna cheer my bebe. Hihi,” parang tangang sabi ko.

“Sa susunod na linggo raw,” sagot naman niya.

Yung dalawang unggoy naman ay busy. Kumakain pareho.

“Eunyce, Sela, hindi ba kayo nabubusog sa mga pinagkakain niyo? Jusme ha.”

“Che! Nagsalita ang hindi lumalamon. Hoy, Lou, mas marami ka pang lumamon kaysa sa akin noh,” pangangatwiran naman ni Sela. Tinawanan ko lang siya. Nakisali din si Eunyce at muli na naman akong inasar kay Sync, my bebe.

“You know what, Lou! Hindi na masisimulan lovestory niyo. May nagsabi kasi sa akin na may nililigawan na raw si Sync. Taga ibang school,” natigil ang tawa ko dahil sa hindi magandang biro ni Sela kaya ang ending pinatay ko ang tawag.

Pinatay ko na rin ang phone ko at itinapon sa kung saan. Nawala ang maganda kong mood dahil sa birong iyon. Pero paano nga kaya kung totoong may nililigawan na si Sync.

What would I do? Hahayaan ko na lang ba siya o aamin na ako sa nararamdaman ko?

Nakatulugan ko ang pag-iisip ng sagot sa katanungan kong iyon. Sa kasamaang palad, nagising ako ng late kinabukasan. Nagmadali pa ako, bago ko na realize na wala palang pasok dahil sa lintek na Sabado ngayon.

Argh! Lou talaga! Mangarap ka pa kasi.

Nagbihis nalang ulit ako at sinubukang makatulog. Mabuti na lang ay nakatulog ulit ako. Nagising ako sa katok ng kung sinuman na nasa labas ng kwarto ko.

“Fleur, anak. Gising na!” Si mommy pala.

Himala at si mommy ang gumising sa 'kin ngayon.

“Opo, susunod na po!” Sigaw ko.

Bumangon na ako at hindi na inantay pa ang iba pang sasabihin ni mommy. Pumunta na kasi ako ng cr. Naligo ulit tapos nagbihis na naman.

Nagsuot lang ako ng spaggheti strap top at maong short.

“Morning, mom, dad! Papasok po kayo sa office?” Masayang bati ko sa mga magulang ko. I both kissed them on their left cheek.

Nilalagyan nang pagkain ni mommy ang plato ni daddy. Naupo ako sa katapat na upuan ni mommy habang nasa kabisera si daddy.

“Morning, too. No, Fleur hindi kami papasok today. Naisip kasi namin ng daddy mo na magkaroon tayo ng bonding na tatlo,” nakangiting saad ni mommy. Ako naman ngayon ang nilalagyan niya ng pagkain.

“Talaga, mommy? Saan naman po?”

Shocks! Excited ako. Sana naman ay sa mall nalang. Hehehe.

Gusto kong bumili ng make up kit eh kaso naalala kong bata pa pala ako baka di ako payagan ni mommy.

“Dito lang, anak. Mag swimming tayo after this sa pool, okay!” Si dad ang sumagot.

Ngek! Ang corny naman. Ang akala ko ay aalis kami. Bakit dito lang? Sayang!

“Okay, po!” Kahit medyo disappointed ako ay pinasaya ko pa rin ang boses ko.

Ang korni talaga ng mga magulang ko.

Synclair Rousell Oribiada's

Naghahanda ako para sa darating na quiz bee sa Huwebes. Okay lang naman sakin. Hindi naman ako kinakabahan kasi sanay akong laging isinasali ng mga teacher ko sa quiz bee. Lalo na kapag Math.

Mahal ko kasi ang Math at para sa akin ay ang dali dali lang ng Math.

Nakatunghay ako sa railings ng veranda ng kwarto ko. Iniisip ang babaeng laman ng panaginip at pangarap ko. Sabado ngayon kaya hindi ko masisilayan ang mukha niya.

Hayst! Kung ichat ko kaya? Kaso nahihiya naman ako baka busy siya. Ano ba yan!

Napatingin ako sa phone ko na nakalapag sa table. May tumatawag sa akin. Si Virgo, ang malapit kong pinsan na kaedad ko.

“Hello, Virgo! Napatawag ka?” Pambungad na bati ko. Natawa naman ang kabilang linya.

“Hindi ka manlang nangamusta muna, insan. Yayayain sana kita na manood ngayon ng game ko. Alam mo naman na team captain ako ng basketball team namin diba. Sige na, insan para naman may taga cheer ako,” pinalungkot nito ang boses habang sinasabi ang mga huling salita niya.

“Sige sige. Gusto ko rin manood eh. Sa school niyo ba gaganapin yung game?”

“Oo, insan. Alam mo naman dito diba? Huwag kang mag alala kasi binilinan ko si kuyang guard na papasukin ka kaagad. Ipakita mo lang ang I.D. mo ha. Intayin kita. Bye na!” Hindi na inantay ni Virgo ang sagot ko dahil binabaan na ako nang telepono ng mokong na iyon.

Agad akong nagbihis. Katatapos ko lang kanina maligo kaya hindi na ako naligo. Dinala ko lang ay ang wallet ko, phone tsaka I. D na rin para makapasok ako agad sa eskwelahan ng pinsan ko.

Hindi kami parehas ng school dahil malayo sa bahay nila Virgo ang school ko.

Tinungo ko ang kusina para magpaalam kay manang. Alam kong nasa opisina sila mommy.

“Manang, punta lang po ako sa basketball game nila Virgo. Inaya niya kasi akong manood eh,” paalam ko nang makita ko siyang nakaupo at minamanduhan ang mga kasambahay namin.

“O sige! Umuwi ka kaagad pagkatapos ng game, Rous,” paalala ni manang sakin. Tumango lang ako. Lumabas na ako para hanapin naman si manong para magpahatid sa eskwelahan nila Virgo.

Nahanap ko si manong sa may garahe. Nagkakape.

“Manong, pahatid naman po ako sa eskwelahan nila Virgo. May basketball game kasi sila ngayon eh,” sabi ko.

“O siya! Halika na at baka nagsisimula na ang game.”

Pinatunog na ni manong ang Sedan. Sumakay na ako at tinahak na namin ang daan patungo sa eskwelahan nila Virgo.


P. S. So ayun naisipan ko na naman mag update. Sensya na guys ha. Hindi ko ma update yung iba kasi nawawala yung utak ko pero pipilitin kong makapag update everyday para sa inyong lahat hehehe.

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now