10

552 57 23
                                    

10 - Slightly Ampalaya

Synclair Rousell Oribiada's

Ilang araw kong hindi makakasama sa pagkain si Lou. May gaganapin kasing quiz bee at ako ang napiling ipambato ng aming eskwelahan. Ngayon palang ay nalulungkot na ako.

"Mhako, huwag ka nang malungkot. Magkikita pa naman tayo sa school eh," kasalukuyan ko siyang kausap sa messenger video call.

Mas lalo kong pinalungkot ang aking mukha na siya namang ikinatuwa ng babaeng inaasam ng puso ko. Tanging bungisngis niya lamang ang maririnig. Hindi ko alam, basta sa tuwing naririnig ko ang kaniyang munting tawa ay nagagalak ang puso ko. She mean the world to me. It sounds so cliché but it's true. I don't know what will happen to me if we won't be together in the end.

"Mhako, stop laughing at me. It makes me sad even more," kunwa'y pagtatampo ko pero sa kaloob looban ko ay nangingiti ako at ang puso ko.

"Okay, okay. I stop na but be sure na hindi ka na sad, okay Mhako," paglalambing niya.

Mhako is our endearment for each other. It means mahal ko. Even if we're not official yet, I want our relationship to be like an official boyfriend and girlfriend.

"Mhako, promise me, kahit hindi ko na magagawa yung mga ginagawa ko sayo. Hindi ka maghahanap ng iba ha. Promise, ngayon lang naman ito. Pagkatapos ng quiz bee, babalik ulit tayo sa dati." Alam kong weird pero gusto ko lang naman ng assurance from her.

Feeling ko kasi kapag hindi ko na nagagawa iyon ay mamimiss niya tapos ay hahanapin niya sa iba.

"Mhako, wag kang oa. I won't find someone else just to fulfill your shortcomings. Sige na. Mag review ka na diyan. Dito lang ako. I'll always gonna support you, my Mhako," nag flying kiss pa siya sa akin kaya naman napangiti ako.

I kiss my screen. After that I saw her smile. Her smile that make my heart flutters so much. Hays, I can't wait for the time that we will be officially boyfriend-girlfriend.

"Bye, Mhako. Review well."

"Bye, Mhako. Mwuah," I said and click the end call.

After that call, nag review na ulit ako. Umalis ako ng kwarto ko matapos ma-drain ang utak ko. Nakita ko si manang sa kitchen. Nilapitan ko siya.

"Nay, gutom ako," sambit ko. Si manang lagi ang nilalapitan ko kapag nagugutom ako o kaya ay kapag gusto ko lang kumain.

"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa din nagbabago. Kapag dating talaga sa pagkain ay sakin ka lagi pumupunta. O siya, ipagluluto kita," natatawang sabi ni manang. Nakitawa na rin ako.

Umupo ako sa high stool chair at nangalumbaba sa kitchen bar counter. Nalulungkot talaga ako.

"Bakit ka malungkot, Rous?" bigla ay tanong ni manang. Nasa harap ko na siya. Pero hawak hawak niya ang spatula.

"Eh kasi, nay. Namimiss ko na agad si Lou."

"Ano? Eh hindi ba't nagkikita naman kayo sa eskwela?"

"Opo pero kasi, nay. Ilang araw ko siyang hindi masasamahan dahil po sa quiz bee," mas lalo kong pinalungkot ang aking mukha.

"Ikaw talaga. Huwag ka nang malungkot. Hindi naman mawawala ang Lou mo. At isa pa, ipakilala mo na sa mommy at daddy mo si Lou, okay. Pati na rin sa akin, siyempre," natatawang sabi ni manang. Inilapag na niya ang pagkaing ipinaluto ko bago ako iniwan sa kitchen.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Naninibago ako. Wala kasi si Sync. Nirereview siya ng Math adviser para sa gagawing quiz bee. Siya kasi ang napili para ipambato. Paano ba naman eh ang galing galing ng future boyfriend ko. Lalo na sa Math. Eh ako, laging kulelat. Hays.

Feeling ko tuloy hindi kami bagay. Siya kasi ang talino niya. Ako naman, slight lang hahaha. Atleast may utak.

"Woi, Lou. Wag kang ngumiti dyan, aba. Ang creepy, besh ha," kainis talaga ang babaeng ito. Kung hindi ko lang bestfriend itong si Leiyan ay sinapak ko na.

Kaso huwag nalang baka kasi si Steven ang gumanti sa akin. Mukha pa naman siyang pumapatol sa babae pero infairness ang tagal na nila ng bestfriend ko. Isang malaking sana all.

Sana all nagtatagal. Hahahaha.

"Che," maikli kong sinabi. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko kaysa naman makipagbaliwan na naman ako sa bestfriend kong may saltik din tulad ko.

May saltik ako, may saltik din yung tatlong babaita. Mana mana lang iyan. Sama sama sila sakin eh. Nahawaan ko tuloy sila sa saltik ko. Bwahahahaha.

"Nga pala, kailan kayong lahat mag bebreak?" wala lang. Gusto ko lang itanong. Eh kasi bata pa kaming lahat. Tapos malay ko ba na hindi naman pala destined silang lahat sa isa't isa diba.

"Sira ba ulo mo, Lou. Porket wala lang si Sync ngayon ay nagiging bitter ka na agad. Nag away kayo noh?" si Sela.

Ngumiti lang ako ng nakakaloko. Tapos hindi ko sinagot si Sela. Gulong gulo naman silang lahat sa expression ng mukha ko. Natatawa ako pero pinigilan ko.

"Hello, Sync. Saan ka? Tapos ka na ba sa pag rereview mo? Ito kasing hilaw mong jowa nagiging bitter eh. Pumunta ka na rito," si Calixto na tinawagan pala si Sync kaya ang ginawa ko ay tumayo ako. Kunwari ay mag-wawalk out pero ang totoo ay pupunta lang ako sa bathroom.

"Ciao, guys. Mag break na kayong lahat. Alang forever. Bwahahahaha," nakakalokong tawa ko kaya lahat ng tao sa cafeteria ay tumingin sa akin.

Hindi pa ako nakakatalikod sa barkada ay may biglang humigit sa akin at niyakap ako. Hingal na hingal siya. Natuwa naman ako. Siyempre, kilala ko kung sino ang bigla nalang yumakap sa akin. Si Synclair.

"Mhako, you're here. Akala ko ba may review ka?" nagtataka kong kunwari na tanong.

"Huh? Hindi ka galit?" medyo humihingal pa siya kaya kinuha ko ang bottle ko para ipainom sa kaniya ang tubig ko. Uminom naman siya kaya nag-stop ang paghingal niya.

He composed his self first.

"You okay na, Mhako?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Bitter ka raw sabi ni Calixto sa tawag kanina."

Tinignan ko ng masama ang buong barkada. Niloloko ko lang naman silang lahat. Nagpunta pa tuloy dito si Sync.

"Yung review mo, Mhako. Hindi ba may review ka," pag-iiba ko ng usapan. Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko.

"Hindi ka naman gagawa ng kabaliwan, Mhako diba? Hindi mo naman ako papatigilin sa panliligaw ko diba?" hindi ko alam kung bakit iyon ang naisip niya.

But I realize na masyadong mababa ang assurance na naibibigay ko kay Sync. Hindi ko masyadong napaparamdam sa kaniya na parehas kami ng nararamdaman. Hindi ko siya kayang mawala sa akin. Masyado kasi akong na focus sa pagpapakilig niya sa akin na hindi ko manlang napapakilig ang future boyfriend ko.

"Mhako naman. Ni jojoke ko lang naman sila. Wala ka kasi eh tapos sila puro sila kasweetan kaya ayun na inggit tuloy ako pero okay lang. Naiintindihan ko naman dahil nga kailangan mo mag review. Hihi," sabi ko. Ngumiti pa ako sa kaniya ng pagkalapad lapad.

Ang cute cute talaga ng Mhako ko.

P. S. So ayun, naisipan ko na naman na mag update. Gumana na naman yung utak at imagination ko eh. Sana nagustuhan niyo. Hihi

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now