17

495 46 16
                                    

17 - Enchanted Kingdom

Synclair Rousell Oribiada's

Masayang masaya si Lou pagkatapak na pagkatapak pa lang namin sa EK. Nilabas niya ang phone niya at nanguha ng litrato.

She took so many angles using her camera.

"Mhako, pic tayo please," she pouted. Ang cute talaga ng baby ko.

Ibinigay niya kay manong ang camera niya at tinuruan kung paano gamitin bago niya ako hinila para mag picture.

Sa bawat pag take ng picture ni manong, natatawa ako o kaya naman ay si Lou kaya ang ending puro epic na picture ang nakuha.

She pouted again, "Mhako, serious na please. Gusto ko magkaroon ng maayos na picture ih."

Kinurot ko ang pisngi niya bago tumango. Ako na ang naglahad kay manong ng camera.

"Tay, last na hahaha."

Tumawa lang si manong.

"Oh, bibilang ako ng tatlo ha. Ayos na kayo. Kukutusan ko na kayo," medyo pa seryosong sinabi ni manong kaya ginawa namin ang sinabi niya.

Umakbay ako sa balikat ni Lou. Nakayakap naman sa akin ang dalawang kamay niya. Hinalikan ko ang temple niya. Iyon ang pose namin na siyang nag pa kilig kay manong habang binabalik sa amin ang camera.

"Hoy, kayo dalawa. Masyado pa kayong bata. Ang sweet niyo masyado. Jusmiyo."

Tumili si Lou kaya napalingon ako sa kaniya. "Omg, Mhako. I'm so kilig. Sobrang kilig talaga. Look oh, we are so sweet. I'm going to post this on my Instagram hihi."

Oo nga, sobrang perfect ng kuha namin at napaka perfect ng pose na iyon. I want to make it my lockscreen and wallpaper.

"Send it to me, Mhako, okay." Tumango lang siya dahil abala pa siya sa pag lipat lipat sa iba pang kuha namin.

"Mhako, tara na. Let's start roaming around para mapuntahan natin lahat ng rides," imporma ko.

Pinatay niya muna ang camera at nauna pa sa akin na maglakad. Excited talaga mag EK. Nakasunod naman sa amin si manong. He become our chaperone.

Halos lahat ata ng rides ay nasakyan namin. Hindi nagpaawat ang baby ko sa pagsakay dahil nga raw namiss niya ang EK. Bilang mabuting boyfriend ay pinagbigyan ko siya. I want her to be happy at kitang kita ko iyon habang namamasyal at sumasakay sa lahat ng rides.

"Mhako, I'm hungry na huhu," hawak hawak na niya ang tiyan.

I knew she'll be hungry. Sa dami ba naman ng sinakyan namin. Kumain naman kami ng tanghalian though.

"What do you want to eat, Mhako?" pagtatanong ko.

Umakto siyang nagiisip at maya-maya pa ay hinila na niya ako, "I want chicken joy, Mhako. Spaghetti, coke float, fries and burger."

My typical Lou. She's really my Lou. Laging gutom.

Nauuna sa amin si manong. Pinindot niya ang alarm para buksan ang Sedan. Sumakay na din siya sa driver's seat. Ako naman ay pina-unang pinapasok si Lou bago ako sumunod sa kaniya.

Hawak hawak na ni Lou ang tiyan. Looking at me like she wanted to eat me alive.

"Hungry, Mhako. Nagrarambulan na naman ang mga bulate."

Rinig ko ngang nag-aalburoto na ang tiyan niya dahil kanina ko pa naririnig na tunog ng tunog. Really, my typical Lou. My baby Lou.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Hungry and tired. Iyon ang nararamdaman ko habang papunta kami sa isang branch ng Jollibee. But at the same time, I'm so happy.

Isang masayang date ang nangyari ngayong araw. Buong araw kong nakasama si Sync na sobrang ikinatuwa ko. I can't wait to go home and fix our taken pictures together.

I want to post it.

"Mhako, tara na. Sa Jollibee na tayo kumain. Tay, sama ka po samin ah," rinig kong sinabi ni Sync na nagpabalik sa akin sa malalim na pag-iisip.

Sumunod ako sa pagbaba niya. Nauna si manong na pumasok. Sabay naman kaming pumasok sa Jollibee.

"Tay,ito yung card. Ikaw nalang po ang mag order para sa amin. Kami na po ang maghahanap ng mauupuan," sinabi ni Sync. Sinabi ni Sync lahat ng gusto ko at gusto niya bago namin iniwan si manong.

Pumanhik kami ng second floor, doon nakakita kami ng apatan na upuan. Iyon nalang ang pinili namin. Wala kaming makitang bakanteng tatluhan eh.

Nilabas ko ang camera ko. Iyon ang pinagka-abalahan ko. Inilabas naman ni Sync ang kaniyang phone. I don't know what is he doing on his phone.

Scroll lang ako ng scroll while smiling at our pictures. Paano ba naman kasi, puro epic nalang ang mga pictures. Isa lang talaga ang matino. Iyon yung nasa tapat kami ng gate ng EK.

Itinuon ko ang pansin ko kay Sync. He's doing something on his phone that I need to peek a look.

"What's that, Mhako?" nagtataka kong tanong.

Nilingon niya ako bago muling ibinalik ang pansin sa ginagawa, "Mobile Legends, Mhako. Hindi mo ba alam ito?"

Pinagtakhan ko ang sinabi niya. What is Mobile Legends? I don't know that. I'm hearing that game but I'm not interested to even pay attention to that.

"A game, right? Adik ka na dyan, Mhako?"

Umiling siya pero agad niyang binawi. Tumango siya.

"Uh, Mhako. Ito yung ginagawa ko kapag bored ako o kaya pagtrip ko," sabi niya. I was shocked 'cause I thought pag bored siya ay nag babasa siya ng mga lessons niya.

"Oh, okay. Are you having fun with that?" muli kong tanong.

Ilang minuto ang hinantay ko bago niya ako nasagot sa tanong ko, "Yes, Mhako." Pinatay na niya ang phone niya.

Dumating na rin si Manong na may dalang tray. May kasunod pa siyang dalawang crew. Madami ata ang order namin kaya may kasama si manong.

Syempre, Lou. Alangan namang mabitbit lahat ng order niyo ni Manong. Aba, isip, self.

Here I go again. Talking to myself.

"Mhako, eat na okay" utos niya. He is again preparing my foods. Hinihimay niya ang chicken gamit ang kutsara at tinidor.

Pinanood ko lang siya. This man sitting beside me is my man. Akalain mo iyon, masyado pa kaming mga bata but it looks like we're adult already.

"Oh, hayaan na, Mhako. Kumain ka na."

"Yes, Mhako."

Magana akong kumain. Nagkwentuhan kaming tatlo ng mga random things habang nilalantakan ang pagkain. Sobrang saya talaga nang araw na ito. I spend my time with the man that has a special place on my heart.


P. S. Sorry ngayon lang ako nakapag update. Medyo nabusy ako kakabasa. Hahaha. Nakalimutan ko mag update. Enjoy!

Hey, Crush! Be Mine Where stories live. Discover now