22

518 52 10
                                    

22 - What will be Oliver's Role?

Oliver San Diego's

Masaya.

Masayang lumipat sa eskwelahan ng babaeng matagal ko nang sinisinta. Sa tuwing nakakausap ko siya ay tila ba buo na ang araw ko pero alam ko, batid kong malungkot pa rin siya.

Lumipat lang naman ako dahil sa kaniya. Dahil kay Lou. Grade 7 ako nang makita ko ang larawan niya sa Facebook. Mayroon kasing mutual friends kami kaya nakita ko siya.

Simula noon, naging great stalker na niya ako. I even follow her on her Instagram account but when I saw her post with the man she loves, it brokes my heart.

But I accepted my defeat. Hindi ko na pinilit na magkakaroon kami ng pagkakataon ni Lou. Mukha kasing mahal na mahal niya ang lalaking kasama niya. I can see it on her eyes. The way she looks at the man. I saw spark.

"Hey, Oli. Sama ka sa'kin? Pakilala kita sa barkada ko. Yun nga lang madami sila kaya baka mahirapan kang kabisaduhin ang names nila," pag-aaya niya sa akin, isang araw ng Huwebes. Break time na.

Dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mag-start ang klase. So far, batid kong magaan na ang loob niya sa akin.

Naalala ko pa noong unang araw na inapproach ko siya. Hiyang hiya pa ako noon pero ngayon ay hindi na.

"Nandoon ba ang boyfriend mo?" wala sa sariling tanong ko. Pero mukha atang mali na itinanong ko iyon dahil gumuhit sa mukha nito ang sakit at kalungkutan.

"Sorry, huwag mo nalang sagutin. Mali akong tinanong ko pa iyon," bawi ko agad sa sinabi ko.

"No, it's okay. It's just that Synclair and I don't talk anymore. I don't have any news about him. Bigla nalang siyang nag drop-out bago mag end ang school year, last year. We didn't broke up though," mababatid sa boses nito ang lungkot at pait.

Hindi ko inaasahan na iyon ang mangyayari. Ang akala ko ay kaya hindi ko masyadong nakikita ang nobyo ni Lou ay dahil lumipat lang ito ng ibang eskwelahan. Iyon pala ay nag drop-out ang gago.

He doesn't deserve Lou, if that's the case.

Ginulo ko ng bahagya ang buhok niya, "Huwag ka nang malungkot. May dahilan naman siguro siya kung bakit siya umalis ng walang paalam. Hintayin mo nalang." Pangungumbinsi ko kahit na ang totoo ay natutuwa ako.

Maaaring magkaroon na ako ng pag-asa sa kaniya.

"Wag nalang natin pag-usapan, Oli." Inisang hakbang ko ang distansya naming dalawa at niyakap siya.

I know for her, this is just a friendly hug. No malice but for me, this is more than that. I'm falling deeply for her and this is bad for she still have a boyfriend. For goodness sake!

"Oh ano, sama ka?"

"Sige ba! Gusto ko ring makilala ang mga kaibigan mo."

Ayoko mang mapalapit sa mga kaibigan niya lalo na sa kaniya kasi alam kong kapag bumalik yung boyfriend niya ay mawawalan ako ng puwang sa buhay niya ay hindi ko pa ring mapigilan ang sarili. Nais ko pang mas makilala si Lou at ang mga kaibigan niya.

Inaya ko na siyang magtungo sa cafeteria dahil balak kong ilibre siya ng makakakain. Pumayag naman siya. Tuwang tuwa naman ako.

Nakarating kami sa cafeteria. Lumilinga linga pa si Lou. Hinahanap niya siguro ang mga kaibigan. Ayoko naman guluhin kaya ako nalang ang pumili ng kakainin niya habang abala siya sa paghahanap sa mga kaibigan.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Gusto ko sanang ipakilala si Oli sa buong barkada pero hindi ko naman sila mahagilap. Itinext ko si Leiyan pero hindi naman niya ni-reply-an ang text ko.

Muling akong sumulyap sa bakanteng mahabang lamesa na palaging inuukopa namin noon sa tuwing nagsasama-sama ang lahat.

Nasaan kaya sila?

"Uh, Oli, sorry mukhang wala ang mga kaibigan ko dito sa cafeteria. Next time nalang siguro," hinging paumanhin ko.

Nakabili na siya ng makakain namin pareho. Lumakad ako patungo sa bakanteng pang-dalawahang upuan.

"Okay lang, Lou. Ano ka ba! No need to worry. Kumain ka nalang diyan, " nakangiti namang saad ni Oli sa akin.

Natutuwa ako dahil kay Oli. Sa tuwing kasama ko siya ay nakakalimutan ko ang mga nangyari. Hindi siya nauubusan ng maikukwento sa akin. Ultimo kaliit-liitang pangyayari ay ikinikwento niya.

"Siyanga pala, Oli, pwede mo ba akong turuan sa Math. Hindi ko kasi lubos na naintindihan ang lesson ngayon," kumakamot sa ulong saad ko.

Matalino si Oli pero walang tutumbas sa talino ni Synclair. Mas matalino pa rin si Synclair.

"Oo naman, ikaw pa ba! Malakas ka sa akin noh," natatawang sinabi niya. Tinawanan ko rin ang sinabi niya kaya ang ending ay nagtawanan kaming dalawa.

Bumalik kami ng silid matapos kaming makakain sa cafeteria. Itinuro niya sa akin ang lesson na nahihirapan akong intindihin. Sa pagtuturo niya ay unti-unting ko namang naintindihan ito.

Kaya nga sa sobrang tuwa ko noong makuha ko ang problem ay napayakap ako sa kaniya.

"Ayieeee, Oli, Lou."

"Ay bagay!"

"May loveteam na sa room."

Ilan lamang iyan sa mga naging kantiyaw sa amin ng mga kaklase namin. Nahihiya akong yumuko na lamang.

Nahihiya na tuloy ako.

"Hahaha, hayaan mo nalang sila, Lou. Titigil din naman ang mga iyan sa panunukso," pagsasawalang bahala naman ni Oli sa tuksuhan ng mga kaklase namin kaya hinayaan ko sila tulad ng gusto ni Oliver.

Totoo naman kasi ang sinabi niya. Mawawala din ang tuksuhan.

Bumalik sa normal ang lahat ng dumating ang guro namin para sa oras na iyon. Naging seryoso ang lahat. Pati ang mga pasaway kong kaklase ay natahimik.

Paano ba naman ay istrikto ang guro namin para sa oras na iyon. Nais ko sanang tawanan sila kaso baka ako naman ang mapahamak sa pagtawa. Nakisali nalang din ako sa seryoso kuno nilang pakikinig.

Bumalik lamang ang ingay ng lahat sa paglabas ng guro namin na alam kong isinusumpa ng iilan sa amin. Ang pumalit ay ang baklang guro namin na ka-vibes ng lahat.

"Ay, sir. May loveteam na po sa room," sigaw ni Owen, ang pasaway na kaklase ko.

"Ay! Sinetch itech?" kuryosong tanong ni Sir Uruma.

Sabay sabay na itinuro nilang lahat kaming dalawa ni Oli.

Alam ko sa mga oras na iyon ay pinamulahan ako ng pisngi.

Nahihiya akong nag protesta, "Woi, hindi naman kami mag ka-loveteam. Nagkataon lang na friendly ako kaya nayakap ko siya."

Wala naman kaming ginagawang masama ni Oliver. Mali bang yumakap sa isang kaibigan?

P. S. This is my last update for today. Hope you like it!

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon