End

629 47 14
                                    

Sa pagbalik ni Synclair, tila ba bumalik ang lahat sa dati ngunit may nagbago na. Hindi na sumama sa barkadahan si Lou.

Ang palagi na lang kasama nito ay si Oliver. Naging busy ang dalawa sa research nila dahil kailangan iyon sa subject nilang Practical Research.

Senior year isn't that easy.

Nalulungkot man at nagseselos si Synclair sa tuwing nakikita niyang magkasama si Lou at Oliver ay hinayaan na lamang niya muna.

"Hindi mo pa ba kakausapin si Lou, Sync?" pagtatanong ni Gavin. Limang araw na ang nakakalipas. Hindi umimik si Synclair. Tinapos niya ang kinakain.

"Una na ako, marami pa akong gagawin." Ilang araw nalang naman ay gagawa na siya ng hakbang upang mapabalik ang babaeng pinakamamahal.

Nagdaan siya sa library kung saan nahagip ng mata niya si Lou at Oliver. Masayang nag-uusap. Mababatid mong seryoso ang usapan pero may munting ngiti pa rin sa labi ni Lou.

Namimiss man ni Synclair ang ngiting iyon ng dating kasintahan ay nilisan na lang niya ang lugar.

Nasasaktan siya. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang sakit.

"Synclair, saan ka pupunta? Hindi mo ba na receive ang text ni Rish na magkakaroon ng meeting ang grupo natin sa research sa library?"

Nangunot ang noo ni Synclair.

Kita mo nga naman ang pagkakataon. Pinagtatagpo ang landas nilang dalawa ni Lou.

Kinalikot ni Synclair ang phone niya at naroon nga ang text ni Rish.

"Ganoon ba? Nasaan ba sila?"

"Nasa loob na. Tara na," hinila na nga siya papasok sa loob. Wala na siyang nagawa.

Nahuli ng paningin niya ang tingin ni Lou. Mukha itong galit.

Natapos ang meeting nila noong paalis na rin sila Lou. Gusto sana ni Synclair na lapitan si Lou pero he remember her dm to Lou.

Nagtama ang mga mata nila pero inirapan lang siya ni Lou at nagpatiuna na sa paglabas.

"So settled na ang lahat. Sana yung mga pinag-usapan natin ay seryosohin niyo. Ayoko ng pabuhat ha," sambit ni Rish. Siya ang leader para sa research.

Tumango lang ang binata bago nagpaalam para umalis na. Hindi naman siya magiging pabuhat dahil kaya niyang makatulong.

Two weeks later, hinanap ni Synclair ang kinaroroonan ni Lou. Gusto na niyang makausap ang dalaga at magkaayos na sila para hindi na humaba pa ang kwento ng lovestory nila.

Kung kinakailangan niyang sabihin ang nangyari sa lolo niya at ang pagiging duwag ay gagawin niya, bumalik lang si Lou sa buhay niya.

As usual, magkasama na naman si Lou at Oliver. Gusto sana niyang manapak pero huwag nalang at baka iyon pa ang maging dahilan para hindi na siya kausapin ni Lou.

"Lou, can we talk?" malumanay na sinabi ni Synclair pagkalapit niya sa dalawa. Nasa lilim sila ng puno. Nakaupo sa pabilog na mesa.

"For what reason?" mataray na sinabi sa kaniya ni Lou.

"About us, Lou. I want to talk about us."

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Synclair. Tapos na tayo. Tatlong taon na ang nakakaraan."

"Lou, maybe it's time para pakinggan mo siya. It's time para malaman mo ang side niya" wika naman ni Oliver. "Iwan ko muna kayo. Tawagan mo nalang ako, Lou pagtapos na kayong mag-usap. I wish for the both of you to reconcile again."

Umupo siya sa bakanteng upuan na inupuan ni Oliver.

"I'm sorry," panimula niya.

"Sorry? Para saan? Hinanap kita, Sync. Hindi mo alam kung gaano kasakit malaman na bigla ka nalang nawala. Ni hindi mo manlang sinabi sa akin na aalis ka pala. You should have told me beforehand para naman napaghandaan ko."

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon