09

574 54 20
                                    

09 - Thoughtful

Synclair Rousell Oribiada's

Sa bawat araw na kasama ko si Lou. I feel like I'm in heaven. I'm so happy. I always gave her flowers or bake cookies or chocolates or anything that will make her happy. Kaso nga lang minsan dahil sa pag-rereview ko ay nakakalimutan ko siyang itext o kaya tawagan.

Dalawang buwan na kaming nag-liligawan. Sa dalawang buwan na iyon ay mas lalo kong nakilala ang babaeng pinaka-gusto ko. Hate na hate niya ang Math. Gusto na nga niyang ipatanggal ang Math. Hindi naman iyon pwede kaya ang ginawa ko ay tinuturuan ko siya sa mga lessons na nahihirapan siya. Sa tingin ko naman ngayon ay pa-unti-unti ay nagugustuhan na niya ang Math.

"Mhako, andyan ka na pala. Sorry nautusan kasi ako ng teacher namin," she apologetically say. She even combed her hair.

"Ok lang, Mhako. I miss you." Her whole face reddened.

At ayun na naman siya. Nahihiyang lumapit sa akin. She's always like that kapag may nasasabi akong nakakakilig.

"Mhako naman ih. Pinapakilig mo na naman ako. Tara na nga sa cafeteria. Naghihintay na ang barkada," hinila na niya ako pababa. Nasa second floor kasi siya tapos ako naman ay first floor.

Mabagal lang kaming naglalakad habang magkahawak kamay. I'm enjoying every moment I'm with her. Sometimes I'm afraid that she'll got bored so as long as possible I always make her special. I can't let her go that easily. Hindi pa nga niya ako sinasagot eh kaya sisiguraduhin kong sa akin ang bagsak ni Lou. Hindi ako papayag na hindi ako ang kaniyang makakatuluyan.

"How's your day, Mhako?" she asked. She's always like that. Asking my day kahit hindi pa naman tapos ang araw ko.

"Tired already. Feel like nadedrain ang utak ko."

She faced me, "Ikaw kasi, ang tali-talino mo. How to be you po?"

Natawa ako bigla. Ang cute cute kasi ng babaeng nasa harap ko. She's intelligent too but she's not practicing it. Lagi niyang sinasabi na hindi siya matalino pero ang totoo ay matalino siya. She's just scared that someone might know her intelligence. She's shy. Iyon ang napansin ko rin sa kaniya. Kulang din siya sa confidence.

"Mhako, matalino ka rin naman, eh. Hindi mo lang ipinapamalas," seryoso kong sinabi.

She smile at me. We stayed like that for a few minutes, I think. Everytime I saw her this close, there is always a butterfly in my stomach.

"Tara na nga. Nagpapakilig ka na naman eh."

Muli na naman niya akong hinila and this time binilisan na namin ang pag-tungo sa mga kaibigan namin. Naabutan namin na nagkakasiyahan na silang lahat doon.

"Ang tagal niyo naman, aba. Saan ba kayo nagpuntang dalawa?" pag uusisa ni Gavin. May kasama na itong babaeng chinita. Nakaakbay pa siya dito.

"Girlfriend mo, Vin?" ako naman ang nagtanong. Pang-asar lang sa kaniya. Dami niya alam eh. Hahaha.

"Tama bang sagutin ng isa pang tanong ang tanong ko, Sync?" asar na sambit nito na tinawanan lang namin. Asar talo kasi.

Lailou Fleurica Altamirandi's

Hindi ko alam kung matatawa ba ako kila Gavin at Sync na nag-aaway dahil hindi sinagot ng huli ang tanong ng una.

"Fling mo lang ba yan, Gavin?" singit ko na siyang nag-patahimik sa tawanan. Masama ang tingin ng lahat sa akin maliban kay Sync. Parehas kasi naming hindi alam kung ano nga ba ni Gavin yung babaeng katabi niya.

"Hindi ko siya fling, Lou. Girlfriend ko siya. She's Sabrina," ayun naman pala ih. Sasagutin din naman pala. Andami pa satsat. Hays.

"Grabe, naunahan mo pa ako, Sab sa pagsagot," pagbibiro ko kaso serious mode ang mga loko loko na hindi manlang pinatulan ang sinabi ko.

Nag peace sign ako kay Sabrina, "Sorry na, Sab. Hindi ko naman alam na girlfriend ka pala ni Gavin. Sorry."

Pagkalaki laki pa ng ngiti ko para naman ma-convince ko siyang hindi ko intensyon na sabihing fling lang siya ni Gavin.

"Okay lang, Lailou, right? Girlfriend ni Synclair?"

"Ay hindi pa. Hindi ko pa siya sinasagot. Hehehe," nahihiya kong sinabi. Nakakahiya naman. Masyado ba akong pakipot? O sadyang gusto ko lang talaga na nililigawan palang ako ni Sync.

Ayaw ko kasing magpadalos dalos. Bata pa kami at marami pang possibility na pwedeng mangyari. Ang gusto ko lang naman ay enjoy-in muna ang kung ano man ang meron kami ni Sync ngayon. Ayokong pressurin ang sarili ko pati na rin si Sync.

"Ahh, balita kasi sa buong campus na mag boyfriend at girlfriend na kayong dalawa."

"Mhako, gutom na ko," mahinang bulong ko sa katabi ko at nag-pout pa ako. Gutom naman na talaga ako. Nagwawala na naman ang mga bulate sa tyan ko.

"Sige, bibili lang ako ng pagkain natin. Upo ka muna dito" pinag-hugot niya ako ng mauupuan ko.

"Ang cute niyo talagang dalawa, Lou," natatawang sinabi ni Sela.

"Oo nga, bakit kasi hindi mo na sagutin si Sync?" tanong naman ni Leiyan. Naka-akbay sa kaniya si Steven. Nag-susubuan naman si Calixto at Lisa na akala mo ay walang tao sa paligid namin.

"Eh kasi trip ko. Tsaka bakit ba niyo ako minamadali? Si Sync nga hindi ako minamadali eh."

Totoo naman kasi. Hindi ako minamadali ni Sync na sagutin ko siya. As long as nagagawa raw niyang mapasaya ako ay hindi siya mag-dedemand ng kahit na ano. Kaya gustong gusto ko siya eh. He knows how to wait. Pero syempre hindi naman ako ganoon ka pusong bato para hindi siya sagutin. I like Sync. No, I'm falling for him. Suddenly, he become my world. He become my anchor. My supporter, my partner in crime. My all around.

"Mhako, kumain ka ng madami, okay. Ayokong pumayat ka. Gusto ko yung nag-kakalaman ka para naman wala na akong magiging kaagaw sayo," pagpapakilig na naman niya sa akin. He's always like that. He always makes me kilig to the bones. Kaya lagi akong namumula dahil sa kaniya.

"Mhako naman, hindi ako tataba. Ganito na talaga ang katawan ko. Kahit anong kain ko noh," natatawa kong sinabi.

Here he goes again. Inaayos na naman ang pagkain ko. Kung pwede nga lang na siya na rin ang magsubo sa akin ay gagawin niya. Well, minsan ginawa niya pero sinabi kong hindi na kailangan kasi may kamay naman ako. How I really wish na hindi na matapos ang pagkakataong ito. Sana.

P. S. Oh ayan hahaha. Naisip ko na naman mag update. Totoo talaga ang kasabihan na kapag madaling araw ay gagana ang utak mo. Sana nagustuhan niyo.

Hey, Crush! Be Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon