Chapter 4

728 23 0
                                    

Addison's


Sa kakaisip kung paano ko igoodluck si Dayle ay hindi ako nakatulog. Late na tuloy ako sa klase!! At nakalimutan ko pa gawin ang project ko.



Kaya sa halip na naglalunch ako ngayon ay nasa library ako para maghanap ng reference book. Umupo ako sa may dulo ng library at agad na sinimulan ang pag gawa. Terror pa naman ang teacher ko sa subject na 'toh.


Habang nagsusulat ay napansin kong may umupo sa may harapan ko pero di ko ito pinansin dahil nakafocus lang ako sa pagsusulat. Tumingin pa ako sa orasan bago magsimula uling magsulat.



Tatayo na sana ako nang mapatingin ako sa harapan. Agad akong napaupo nang makitang si Dayle iyon!! He is seriously reading something. Oh my gosh!! He is so handsome!!


Napansin siguro niyang may nakatingin sakaniya kaya't napatingin din ito sa akin. Agad ko naman itong nginitian. "Hello Dayle!! Ikaw pala 'yan!!" masayang sabi ko rito pero hindi niya ako pinansin.


Napatitig ako sakaniya. Is this the right time to say goodluck? Yes Addison, it is.


"Uhm, goodluck mamaya ha." nakangiting sabi ko rito, napatingin naman siya sa akin at tumingin uli sa librong binabasa niya.



"Galingan mo ha, sapukin mo mga kalaban boom taob!!" sabi ko rito.


Napanguso naman ako at tumingin nalang sa ginawa kong project dahil hindi niya pa rin ako pinapansin.



"Sayang di ako makakapanood mamaya." sabi ko rito kahit alam kong hindi siya interesado. "Basta galingan mo ha, kahit di ako makanood basta champion kayo nako!! Ang saya saya ko!!" masayang sabi ko.


Napabuntong hininga ako sa di niya pagpansin. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata nang makitang malapit na matapos ang lunch break kaya't tumayo ako.


"Goodluck uli Dayle, mauna na ako." sabi ko rito bago umalis.


Ano ba yan napakasnobber talaga.


-----


Nang mag 4 ay agad akong pumunta sa Club Room para makapagattendance. Nagsimula ang meeting namin at nagpaliwanag lang si Maam tungkol sa sasayawin namin.


Natapos ang meeting ng 5:30 kaya't tuwang tuwa ako!! Nagmamadali akong tumakbo papunta sa court sa sobrang saya.


Sa sobrang bilis kong tumakbo ay bigla kong natwist yung ankle ko at tumama pa sa malaking bato yung tuhod ko.


"A-aray." naiiyak na sabi ko, agad namang napataas ang tingin ko nang may makitang kamay na nakalahad sa akin.


It's Chino, he is smiling genuinly to me. Agad ko namang tinanggap ang kamay nito.


"Nako, natamaan pa ng malaking bato ang tuhod mo, sumobra tuloy ang pagkadugo." sabi nito habang nakatingin sa sugat ko.


"I-i twisted m-my ankle." naiiyak na sabi ko, agad naman akong hinawakang maigi ni Chino.



Dahan dahan akong tumingin sa paligid. Mabuti ay konti pa lang ang tao!!



Habang naglalakad ay doon na nagsimula ang paglabasan ng mga tao. Mukhang kakatapos lang ng laro.


Habang naglalakad ay nakatingin ako sa sahig. Nakakahiya. Nakaalalay sa akin si Chino habang naglalakad, he is holding my shoulders. Napakahirap maglakad, napakamalas ko naman ngayong araw.


"Miss cake?" rinig kong sabi ng isang lalaki. Agad namang nanlaki ang mata ko nang makitang si Bryan ito. He's with his team mates and they are all looking at me.



"Miss cake, anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong ni Klint sa akin.


"Uhm wala hehe."nahihiyang sabi ko, pasimple naman akong sumulyap kay Dayle, seryoso siyang nakatingin sa kamay na nakaalalay sa akin ni Chino.



"Anong nangyari sa tuhod mo miss cake?"


"Nako wala yan." pilit na ngiting sabi ko.


Mukha namang hindi sila naniwala kaya't agad ko silang pinangunahan. "Uy mauna na kami ha! May kailangan pa kaming puntahan." nagmamadaling sabi ko sabay alis.


Ayokong malaman nila ang katangahan ko. Nakakahiya.


"Kaclose mo pala ang Blakers?"


"Nako hindi ah." sabi ko kay Chino sabay ngiti.

Pagkarating sa clinic ay agad akong pinaupo ni Chino. Agad naman kaming nilapitan ng nurse.


"Salamat ha." sabi ko kay Chino, nginitian naman ako nito.



"Miss Bartolomeu? Ikaw nanaman? Suki ka sa clinic ha." sabi ng nurse, nahihiya naman akong ngumiti.




Agad akong nilagyan ni nurse ng ice pack. "Nako sprained ang ankle mo, mabuti't walang pasok bukas kaya makakapagpahinga ka. I advice na umuwi ka na Miss Bartolomeu tutal ay malapit na ang uwian." sabi ni nurse. Napatango naman ako.




Agad naman kaming napatingin sa pinto nang marahan itong bumukas.



"Addieee!!" malakas na sigaw ni Solaira sabay lapit sa amin.



Narinig kong natawa ang nurse at iniwan na kami habang nakababad ang paa ko sa yelo.




"Anong nangyari sayong babae ka!!" bungad nila kaya't kinwento ko naman sakanila ang nangyari habang may yelo ang paa ko.




"Pucha talaga, uminom ka nga ng gatas para mawala yang pagkalampa mo." sermon sa akin ni Solaira, kaya't natawa ako.



"Ang alam ko ay pagkatapos ng dalawang araw tsaka gagaling ang sprain eh."



"Pinapauwi na nga ako ng nurse eh."



"Dapat lang, teka nga maitext si tito na sunduin ka na." sabi ni Karina sabay kuha ng phone niya.




Pagkatapos mababad ng paa ko sa yelo ay agad ginawa sa akin ng nurse ang compression. Pinayuhan ako ng nurse tungkol sa kailangan kong gawin bago ako pauwiin. Agad naman akong inalalayan ng tatlo sa paglabas.





Habang palabas ng clinic ay napatingin ako sa isang gawi. Is that Dayle? What is he doing here near the clinic?


Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon