Chapter 15

650 16 0
                                    

Addison's

"Hinay hinay lang sa kape Addie." natatawang sabi ni Ate Raillie.


"Ate huwag kang magulo, iniimagine 'ko na alak yung iniinom 'ko." naiiling na sabi 'ko.

"Mas okay na rin siguro 'yan kesa alak painom 'ko sayo, patay ako sa pinsan mo." natatawang sabi nito.

"Hay nako ate oo nga." natatawang sabi 'ko.


Nandito ako ngayon sa coffee shop ni Ate Raillie at lumalaklak ng kape. Pangalawa 'ko na yata 'to.


"Nakapamili ka na ba ng long gown?" tanong ni Ate.


"Hindi pa nga eh."


"Gaga ka!! Sa susunod na araw na 'yon! E makeup artist ka na ba? Diba 'di ka marunong magmake up?" tanong nito.


"Kailangan pa ba non? Balak ko rin sana mag late minute shopping."



"Addison!!!" sabi nito at tila nagbabanta.


"Sige na nga, mamaya bibili ako."


"Samahan na kita. Ako na rin magmamake up sa'yo."

---

"Eto ate oh maganda."


"It's a no!! The color is too common." sabi nito sabay iling sa red na long gown na kinuha 'ko.



Naging mapili si Ate Raillie sa pagpipili ng long gown. Masinsinan niya itong tinitingnan at chinecheck kung bagay ba sa'kin. Napagod tuloy ako.



"Oh my gosh!! This is the one!! Eto ang hinahanap 'ko!!" masayang sabi ni ate.



Napatingin at napangiti ako nang makita ang hawak niya, it's a fitted rose gold dress, marami itong pampakinang at halatang kikinang ito kapag natamaan ng ilaw. May mataas itong slit kaya't medyo napanguso ako.



"Hindi ba 'yan masyadong revealing ate?" tanong 'ko.


"Hindi ah!! Sukatin mo naaa Addiee." masayang bigay nito sa'kin.



Nagpunta ako sa fitting room at sinuot ang long gown, wow bumagay nga ito sa hindi masyadong maputi at hindi masyadong maitim 'kong balat.



Pagkalabas ng fitting room ay napangiti ng malawak si Ate Raillie at halatang gusto nang tumalon sa tuwa. "Omg!! Bagay na bagay!! Kukunin namin 'to!!" masayang sabi ni Ate.



Kinabukasan ay wala kaming pasok para makapagprepare sa Senior's Ball. Boring. Napagdesisyunan ko tuloy pumunta sa coffee shop dahil sa kaboredan.



"Uy Addison." masayang sabi ni Ate Raillie nang makita ako.



"Wala kaming pasok ate, nakakabored." tinatamad na sabi 'ko.



"Nako, dapat nagbebeauty rest ka para bukas." natatawang sabi ni Ate Raillie.



Natawa ako kay Ate at napatingin sa ginagawa niya, naglilinis siya ngayon ng coffee shop. Gulat siyang napatingin sa'kin nang kunin 'ko ang isa pang basahan at tumulong.



"Nako ate, tanawin mo nalang 'to bilang kapalit ng pagmamake up mo sa'kin bukas at practice na rin 'to para sa sembreak diba." natatawang sabi 'ko. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni ate.



"Tsk, ikaw talaga, alam mo namang kapatid na ang turing 'ko sa'yong bata ka. Pero sige kung gusto mo tumulong pagbibigyan kita. Magpapabebe pa ba ako?" natatawang sabi nito.



Rudely YoursWhere stories live. Discover now