Chapter 43:

399 16 0
                                    

Addison's

"Advanced Merry Christmas!!!"

Today is our Christmas Party, lahat kami ay nandito maliban kay Solaira, may sakit daw kasi siya kaya't 'di siya makakapunta. Natatawa akong napapatingin kanila Klint dahil sila ni Peter ang host sa party.

"Newspaper dance with a twist itong mangyayari ah!!" masayang sabi ni Klint.

"Bubunot kami ng dalawang papel dito sa magic lalagyan at kung sino ang dalawang mabubunot ay sila ang magkapartner sa newspaper dance." sabi naman ni Peter.

Agad naman akong natawa dahil sa pag-iingay ng crowd.

"Oh!! Eto na." natatawang sabi ni Klint sabay bunot sa fish bowl.

"Bryan!!" sabi pa nito, "Please step forward please."

Agad namang pumunta sa harap si Bryan at inakbayan ng pabiro si Klint, "Ayusin mo 'yan pre." natatawang sabi nito.

"Oh sige pre, ka-meant to be mo na for sure ang mabubunot 'ko." natatawang sabi ni Klint sabay bunot.

Lahat kami ay nakaabang kay Klint, agad siyang napangiti nang buklatin ang papel, "Puta pre! Eto na ang kameant to be mo!!" tuwang tuwa na sabi ni Klint.

"Ayos pre, sino 'yan?" natatawang sabi ni Bryan,

"Si Zein pre!! Zein kindly go here in front." nakangiting sabi ni Klint.

Agad naman kaming nagkantyawan at nag-asaran. Si Zein naman ay itinaas ang middle finger sa amin habang poker face kaya't napatawa ako ng sobra.

"Okay next couple!!!" natatawang sabi ni Peter.

"Hmm, uy pre si Dayle." natatawang sabi ni Klint sabay taas baba ng kilay sa akin, inirapan 'ko naman ito ng pabiro.

"Please come forward Cap." pangasar na sabi ni Peter.

Napailing naman si Dayle bago tumayo, ako naman ay nagcheer pa para sakaniya. He just smiled at me.

"Paano ba Dayle, bunutin 'ko ba si Addison?" natatawang sabi ni Klint, nginisian lang siya ni Dayle.

"Oh sige bunot ka na Peter my loves." sabi naman ni Klint, kaya't natawa ako.

"Okay eto na." Peter laughed.

Nang bumunot at bumuklat si Peter ay napahinto ito saglit pero ngumiti. "Oh, friendly game lang 'to ah. Karina!" sabi ni Peter.

Tumawa naman si Karina sabay tayo at dire-diretso sa harapan.

"Bawal magselos misis ah!!" pagbibiro sa'kin ni Klint pero nginitian 'ko lang 'to.

I know that Karina knows her limitation, alam niyang may girlfriend ang tao and she's one of my bestfriends kaya't walang dapat ipagkaselos.

Natapos ang ang pairing, ako naman ay pasipsip sipsip lang sa juice 'ko. Nang magsimula ang laro ay masaya akong nagchicheer, napapahinto lang ako nang paliit na nang paliit, napanguso ako, wala dapat akong ipagkaselos.

Nang magsimula uli ang music at itinklop na nila ang dyaryo sa maliit na maliit ay nakita 'kong nakatingin sa akin si Dayle na para bang nagpapaalam. Ngumiti lang ako at nagthumbs up rito.

Nang tumigil ang kanta ay nakita 'kong hindi malaman ni Dayle ang gagawin niya dahil ang pagbubuhat nalang sa partner ang tanging kailangang gawin. Napasinghap ako nang buhatin ni Dayle si Karina nang pang kasal, napasulyap ako kay Karina na namumula at nakatitig kay Dayle. Nakita 'kong ikinawit ni Karina ang kamay nito sa leeg ni Dayle kaya't napaiwas ako ng tingin.

Esto está mal, no debería estar celosa de mi amiga.

(This is so wrong, I shouldn't be jealous over my friend.)

"Oops talo sila Dayle!!!" rinig 'kong sabi ni Klint kaya't agad akong napatingin.

Napakunot naman ang noo 'ko at napatingin sa nakasimangot na mukha ni Karina. Umiwas nalang uli ako ng tingin at humigop ng juice.

"Ayos ka lang Addison?" nagaalalang tanong ni Maris.

"Ayos lang 'no." iwas tingin na sabi 'ko.

Sakto naman ay tumabi sa amin si Dayle at nakatitig lang sa'kin. Ako naman ay hindi man siya tinapunan ng tingin. Hindi 'ko dapat maramdaman ang pagkaselos pero may mali, sa ngiti pa lang ni Karina ay parang may naiisip ako pero agad 'ko itong pinipilit na wag isipin dahil kaibigan 'ko si Karina.

Natapos ang christmas party namin na tahimik lang ako, alam 'kong napapansin ni Dayle ang pagkatahimik 'ko kaya't napabuntong hininga lang ito.

"See you after new year." he sadly smiled when we went outside of our house. Tumango lang ako at lalabas na sana nang hilahin ako nito.

"I don't want us to be like this before you leave." he said while staring at me. I just sighed then looked away.

"May problema ba tayo Addison?" sabi nito gamit ang matigas na tono.

"Nothing, masama lang ang pakiramdam 'ko." I smiled then kissed him on his cheeks.

"Really? Totoo?" his face turned soft.

"Opo. Sige na, papasok na ako." I smiled.

"See you tomorrow." he smiled.

"See you tomorrow."

Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon