Chapter 21:

619 16 0
                                    


Addison's pov



"Puyat ka ghorl?" pangaasar sa'kin ni kuya nang makita ako.



"Oo atleast maganda pa rin." natatawang sabi 'ko pa. Inirapan naman ako nito kaya't napatawa ako.



Nagsuot na ako ng apron at pumunta sa may cashieran. Doon kasi ako nakatoka. Napatingin naman ako sa glass door ng coffee shop nang makita si Dayle na kakapasok lang, he is wearing a white shirt, a black chino shorts and white shoes. Nakapamulsa ang isang kamay niya sa bulsa ng short niya and he is wearing a black watch.



Ba't ba kahit ang simple ng porma niya ay grabe ang dating niya?



Sumulyap ito sa'kin bago dumiretso sa may looban ng coffee shop at naglagay ng brown na apron ng mga baristas. "Sanay ka maghalo halo ng mga kape rito?" tanong 'ko.




"Good morning." sabi nito sa'kin at binalewala ang tinatanong 'ko.




"Good morning." masayang sabi ko pa. "Sanay ka nga maghalo? Alam mo ung mga ilalagay?" tanong ko pa.



"Yeah." simpleng sabi nito.




Nawala ang atensyon ko sakaniya nang biglang nagdagsaan ang customers. Dumating na rin sila Ate Raillie at nagtulong tulong kami sa coffee shop. Maraming babae ang tumitingin kay Dayle kaya't pigil na pigil ang irap 'ko. Nakakapagod ang araw na ito, ganto pala magtrabaho.



"Good job guys, dami nating kinita." masayang sabi ni ate.




"Oo nga, iba talaga kapag nandito si Dayle at Addie, mas lalong dumarami ang customers!! Balance na balance. Dumadami ang babae at lalaki." natatawang sabi ni kuya, napailing nalang ako at natawa.



"Ate, kuya, mauna na po ako." magalang na pagpapaalam ko sakanila.




"Andyan na si tito?" tanong ni kuya.



"Nako kuya wala, 'di ako nagpasundo sakaniya ngayon. Magcocommute lang ako." madiin na pagkasabi ko at tila nagpaparinig kay Dayle na nagphophone ngayon.




"Oh sige. Ingat pauwi ah." sabi pa ni ate.




Dahan dahan akong lumabas ng coffee shop para makita ni Dayle pero loko 'di man sumunod. Pagkalabas ay nagcompose ako ng message kay Dayle.




addisonbarto: 'di ka pa uuwi?



"Uuwi na."


Gulat naman akong napatingin sa likuran 'ko nang marinig ang boses ni Dayle, "U-uy andyan ka pala." nahihiyang sabi 'ko sabay tago ng phone.




"I brought my car, do you need a ride?" he asked, dumaan sa'kin ang hiya pero eto na ang chance ko kaya wala na dapat paligoy ligoy pa.



"Kung okay lang sayo, why not?" I smiled.



--




"Yaman mo naman." natatawang sabi 'ko kay Dayle pagkasakay niya sa may driver's seat.



"Nagsalita ang hindi." mapangasar na sabi nito kaya't natawa ako. Pagkatapos ko tumawa ay natahimik kaya't nagisip ako ng matatopic.



"So? Babae ang ate mo?" pabiro kong sabi, I suddenly stopped when I heard him chuckled.



"Seriously?" he smiled.



"A-ako ba 'di mo tatanungin kung babae ang ate ko?" iwas na tingin na sabi 'ko.



"Is your sister a girl?" natatawang sabi nito.



"Wala akong kapatid." natatawang sabi 'ko rin, I saw him shook his head then smiled.



"You should post more pictures with your face in instagram." biglang pagtopic 'ko.




"Is that so?" he asked while looking at the road, I unconciously looked at his hands in steering wheel. I can see his veins in it.



"Yeah, ayusin mo rin yung profile mo sa ig at fb no. Ba't itim lang? Ano ka namatayan? Huwag mo namang sabihing heartbroken ka dahil never kong sasaktan ang puso mo." natatawang sabi 'ko.




I saw him smiled, "Okay."




Pagkarating sa bahay ay nagpasalamat ako kay Dayle, tinanguan lang naman ako nito. Aalisin ko na sana ang seatbelt nang hindi ko ito matanggal,




"Uy patulong nga Dayle." I said while holding the seatbelt.




Napasinghap naman ako nang bigla nitong nilapit ang mukha sa'kin, he swiftly removed the seatbelt. Napalunok naman ako,



"Thank you."



Pagkapasok sa bahay ay agad akong kinamusta nila Mom, naabutan ko rin na nagbebake si Mom kaya agad akong tumulong. Red velvet ang binebake niya and it's my favorite!! Nagbihis lang ako saglit at gumawa na ng creamcheese frosting. Napadami ang gawa namin kaya't naisipan ko na dalhan sila ate bukas.




Nagbukas agad ako ng messenger para imessage si Dayle. Sa messenger na ako nagmessage para sure na makikita niya agad.




Me: do you eat red velvet?

Seen.

Dayle Salveo: yeah.



Napangiti naman ako nant makita ang reply niya. Ayos!! Baka rin naman nagsawa na siya sa chocolate flavor, lagi kasing ganong flavor ang binibigay ko eh.




Me: may dadaanan ka ba bukas bago ka umuwi?



Dayle Salveo: ala, why?



Me: pwede pasabay uli hehe? Pero kung ayaw mo eh ayos lang!! I can commute.



Dayle Salveo: it's fine.



Me: oki, kaya love kita eh!!

Me: joke.



Napatawa ako nang isunod ko ang 'joke' sa chat 'ko. Baka kasi magbago ang isip ni Dayle. Mahirap na!! Minsan lang magkachance eh.



me: huy joke lang kako, uso reply.




Nagulat ako nang hindi reply ang isend niya sa'kin kung hindi pictures!! Limang picture niyaa.


Dayle Salveo: you said i should change my profile, choose.



Napatingin ako sa mga sinend niya pictures. Ang napili ko ay ang nakaupo siya sa upuan at nasa harap ang table na may mga pagkain, halatang ang nasa harap niya ang kumuha ng litrato. Kita rin sa likod niya ang mga ulap at ang eiffel tower.




Ang isa pang pinili ko ay ang nasa London niyang picture, he is wearing a brown long coat and a black turtle neck on the inside. Nasa likod niya ang mga structure sa London while he is just staring at the camera, 'di man siya nagabalang ngumiti pero ang gwapo pa rin!!





Sinave ko ang ibang pictures at sinend sakaniya ang dalawang napili ko,





Me: gwapo ka sa lahat, pero i like this two ang cute lang na kita yung eiffel tower!!! At yung isa naman, grabe!! Ang ganda ng pagkapicture.




Dayle Salveo: okay, thanks.

Me: kainggit, i hope i can go in London too!!




Wala pang ilang minuto ay napangiti ako nang makitang iniba na niya ang profile picture niya, nagpunta rin ako sa may instagram at nakita kong pinalitan niya rin ito. Napangiti naman ako, grabe ang saya sa feeling na pinapili ka ng crush mo ng ipoprofile niya!!

Rudely YoursWhere stories live. Discover now