Chapter 2

981 30 1
                                    


Addison's pov

Naglalakad ako ngayon palabas ng school gate namin magisa. Napatingin ako sa paligid, nako inabot na pala ako ng dilim.

"Psst psst."

Nang marinig ang suwit ay binaliwala ko lang ito pero nang marinig na palapit nang palapit ang sumusuwit ay binilisan ko na ang paglalakad ko, naramdaman kong rin namang binilisan din nung matandang lalaki yung paglalakad.

"Miss, di naman kita sasaktan eh. Patikim lang." sabi nung lalaking nakaitim sa likod ko.

Hindi ko na napigilan at tumakbo na ako nang tumakbo dahil sa takot hanggang sa maabutan ako ng lalaki at marahas akong hinila.

"Tatakas ka pa ha."

"B-bitawan niyo p-po ako."

Hahawakan pa sana ako lalo nung lalaki nang biglang may humila at sumuntok sakaniya.

"Oh my gosh." gulat na sabi ko.

It's Dayle.

Pagkatapos suntukin ay idinapa niya ang lalaki at hinawakan ang kamay nito patalikod, nakita ko pang kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa.

"Hello." panimula nito sabay sulyap sa akin. Agad naman akong napalunok. His eyes are deep.

"Near school." sabi nito sa kausap niya sa phone habang nakatingin pa rin sa akin.

Itinago na niya ang kaniyang cellphone at hinawakan pa ng mahigpit yung lalaki.

"Next time huwag kang magpapagabi. Iyan pa ang makakapahamak sa'yo." seryosong sabi nito sa akin bago dumating ang sasakyan ng pulis. Damn, the way he speaks tagalog is hot.

Creo que estoy enamorado!! (I think i'm inlove!!)

---





"Tapang mo talaga Addie." natatawang sabi ni Maris.

"Well, the way to a man's heart is through stomach." ngiting sabi ko kay Maris sabay kindat.

Dumaan na ang mga araw, at wala akong pinalampas na araw na hindi nagaabot ng cake kanila Dayle. Hindi na rin naman sila nagugulat kapag binibigyan ko sila, mukhang nasanay na rin sila.

"Ang tanong, kinakain ba ni Dayle ang bigay mo?" taas kilay na sabi sa akin ni Solaira.

"Malay mo diba palihim siyang tumitikhim." confident na sabi ko.

"Malakas na talaga ang tama netong kaibigan naten." natatawang sabi ni Karina.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Well, hindi ko kinakahiya!!" natatawang sabi ko.

Magsasalita pa sana sila nang mapansin na may lumapit sa amin na lalaki. Napa-angat naman ang tingin ko sa lalaki, I saw him blushed.

"U-uhm h-hi po. A-addison para s-sayo po toh." sabi nung isang lalaki sabay abot sa akin ng paborito kong cheese bread.

Nakangiting kinuha ko naman ito sakaniya. "Salamat ha, paborito ko 'to." masayang sabi ko rito. Nakita ko itong namula lalo at hinawakan ang batok.

"I-i'm Chino." pagpapakilala nung isang lalaki at inilahad ang kamay sa akin. Nakipagkamayan naman ako sakaniya. "Nice meeting you Chino." nakangiting sabi ko.

Pagkaalis ni Chino ay agad akong inasar nila Solaira.

"Matinik talaga sa boys itong si Addie." natatawang sabi ni Maris.

Rudely YoursWhere stories live. Discover now