Chapter 24:

565 14 0
                                    


Addison's pov

Pagkauwi ay in-ig story ko ang video ni Dayle na nakasimangot habang nasa carousel, pati na rin ang mga videos niya sa phone ko sa ibang rides. Kaya siguro na full storage ang phone ko kakavideo sakaniya.

Sinend naman agad sakin ni Dayle ang mga pictures ko sa phone niya kaya't napangiti ako.

Me: ano maganda sa mga yan? Popost ko eh.

Dayle Salveo: all.


Napangiti ako bigla sa sinabi ni Dayle!! Ang lakas magpakilig huhu,

Dayle Salveo: i'm a good photographer that's why all of them are good.

Agad naman akong napasimangot nang makita ang pahabol niyang reply. Ayos na sana eh!! Nang makapili ako ng pictures ay agad ko itong pinost sa instagram.

Habang posting ang pictures 'ko ay nagulat ako nang makitang nagpost din ng pictures si Dayle, ayos din ang mga taste nitong si Dayle ah. Multiples ang ginawa niya kaya swipe lang ako nang swipe at nang makarating sa huli ay nanlaki ang mata ko. It's a selfie of us. Sa picture ay makikitang tinutusok ko ang pisngi ni Dayle habang siya ay nakasimangot, ako naman ay ngiting ngiti.


Napatingin ako dahil nagkaroon agad ng comments kahit kakapost palang.


bryanalvrz: ay ayos ah!! may pa date si cap.

klintmndz: pucha si miss cake yan ah? effective ang cake mo miss cake @ addisonbarto

bryanalvrz: #tagaytaydate

klintmndz: #inggitsomuch

bryanalvrz: #ikawlang



Natawa ako sa mga comments nila at nilike lang ang pinost ni Dayle.


Kinabukasan ay tila nangaasar na ngiti ang bumungad sakin.

"Uyy nakamove on ka na sa crush mo? Ayieee si Dayle lang pala ang way para makalimot ka." natatawang sabi ni kuya.


"Ayos na si Dayle babe!! Kesa naman sa crush ni Addie na sinaktan siya no?"


"Trueee!!" pabaklang sabi pa ni kuya, napairap naman ako at naupo sa may upuan, maaga pa kasi kaya't sarado pa ang shop.


"Kamusta ang date niyo ni Dayle?" natatawang sabi ni Ate Raillie habang tinataas baba ang kilay niya.


"F-friendly gala lang 'yon." nahihiyang sabi 'ko kay ate.


"Wooohhh wehhh? Ikaw ah si Dayle na ang crush mo no? 'Di ka na nagkkwento tungkol sa crush mo eh." natatawang sabi pa ni ate.


"Ate may kailangan kang malaman." nahihiyang sabi ko pa.


"Ano yon? Kayo na ni Dayle? Nililigawan ka ba ni---"


"Si Dayle yung kinukwento kong crush ko noon."


Pagkasabi non ay nakita ko ang gulat sa mukha ni Ate Raillie, si Kuya naman ay napatigil din sa pagmamop. Lalo tuloy akong nahiya dahil sa katahimikan, sumakto pa ang pagbukas ng pinto ng coffee shop,


"Morning."


Napalingon ako kay Dayle at nahihiyang umiwas ng tingin, ang gandang timing. Halata sa mukha ni Dayle ang pagtataka kung bakit ang tahimik sa coffee shop, madalas kasi ay napakaingay namin. Paano ba naman pagkami ni Ate Raillie ang pinagsama ang ingay na, isama ko pa si Kuya. Si Dayle nalang yata ang matino.


"W-wait lang, labas lang ako." nauutal na sabi 'ko kanila ate Raillie na gulat na gulat pa rin ag hindi makapagsalita. Aalis na sana ako nang hilahin ni Dayle ang pulsuhan 'ko.


"Are you okay?" nagaalalang tanong nito, umiwas lang ako ng tingin at dumiretso palabas.


Pagkalabas ay umupo ako sa may isang tabi at tumulala. 'Di ko alam kung mahihiya ba ako o ano? Baka kung anong isipin sa'kin ni Ate Raillie? Baka sabihin niya ang lantod ko naman sa kapatid niya? Pero 'di ganon si Ate Raillie kaya't kailangan kong magrelax.

"Hey."


Napaangat ang tingin ko nang makita si Dayle na nakatayo sa harapan 'ko. "U-uy." iwas na tingin na sabi 'ko. Napaigtad naman ako nang maramdaman ang kamay niya sa noo 'ko.


"Hindi ka naman mainit?" nagtatakang tanong nito sabay tabi sakin.



Tahimik lang kami at tinitingnan ang mga sasakyan at mga taong dumadaan, napabuntong hininga ako dahil 'di ako sanay nang tahimik. I noticed that he looked at me when he heard my sighs.


"I know you're not fine. I will wait Addison, until you are comfortable to tell me your problems."


"H-hindi ko sasabihin s-sayo." iwas tingin na sabi 'ko.


Napansin ko namang natahimik siya at iniwas sakin ang tingin kaya't naguilty ako. "Hindi ko sasabihin sayo, dahil tungkol sayo kung bat ako ganto."

----


Tahimik ang lahat nang magbukas ang coffee shop, walang nagkikibuan sa isa't isa. Napasulyap ako kay Ate Raillie at Kuya Percy na busy. Ganoon din naman si Dayle.


Nang matapos ang oras 'ko ay nagulat ako nang hawakan ni Ate Raillie ang braso 'ko. "Usap tayo." sabi pa nito sabay hila sakin palabas.



Pagkalabas ay kinakabahan ako at nahihiya kay ate. I saw her looked in our surroundings before looking at me. Nagulat ako nang bigla siyang tumili at bigla akong niyakap.



"Oh my gosh!!! Sister in laww!!!!" patiling sabi pa ni ate, gulat na gulat naman akong napatingin sakaniya.

"H-hindi ka galit?" gulat na tanong ko.


"Hindi 'no!! Nagulat lang ako kanina!!! Gusto ko sanang ilabas ang kilig ko kaso dumating si brother Dayle." natatawang sabi ni Ate Raillie,



Tila nabunutan ako ng tinik sa nalaman. "Oh sige na papakawalan na kita, inaantay ka na ni brother." natatawang sabi ni ate sa'kin sabay tingin sa may kotse ni Dayle sa may malayo.



Nandon si Dayle at nakasandal sa itim niyang kotse, he is staring at us at tilang may malalim na iniisip.


Rudely YoursWhere stories live. Discover now