Chapter 5

761 21 0
                                    

Addison's



Dahan dahan 'kong inistretch ang aking paa pagkabangon sa kama. Nang makitang nagalaw ko ito nang walang naramdamang sakit ay gusto ko tumalon dahil sa wakas!!! Nagalaw ko rin!!!



Agad akong gumayak para pumasok. Napagalaman ko rin na may practice kami mamaya sa Dance Club kaya natuwa ako nang malamang ayos na ako.




Habang nasa sasakyan ay agad kong tinext ang tatlo.



To: Solaira, Karina and Maris

Good news!! Nagagalaw ko na yung paa ko!!!



Maris: buti naman

Karina: wow!!

Solaira: congrats sa paa mo.



Agad naman akong napatawa sakanila.



"Anak, nandito na tayo." sabi ni Dad, kaya't napatingin ako sa labas ng kotse.



Nasa R.U. na pala kami. Agad naman akong humalik sa cheeks ni Dad sabay paalam sakaniya.



Ngiting ngiti ako habang pababa ng kotse nang makita si Dayle na pababa rin sa Black BMW Suv nila.



"Dayleee!!" sigaw ko rito.



Tiningnan lang ako nito at pinagpatuloy ang paglalakad.



"Snobber naman neto." pabirong sabi ko pero di pa rin niya ako pinansin. Nakita ko namang tumingin ito sa phone niya habang naglalakad.



"Don't use your phone while walking!! Baka mapano ka." sabi ko rito.




Nakita ko namang pinatay niya ang phone niya at nilagay ito sa bulsa niya kaya't napangiti ako.



"How's your weekend?" nakangiting sabi ko.


"As usual." sabi nito. Napangiti naman ako, wow improving 'tong si Dayle! Sumasagot na siya sa tanong ko.



"Next time chat mo ako, para di na as usual yung weekend mo." ngiting asong sabi ko rito. Nakita ko namang napasulyap ito sa akin bago tumingin uli sa harap.




Nang makarating sa classroom ay agad akong nilapitan ng tatlo at nakipagkwentuhan which is normal naman. Agad naman kaming bumalik sa pwesto namin nang dumating ang teacher.




"Sasayaw ka? Kakagaling mo lang ng sprain?" tanong sa akin ni Maris.


"Di naman nakakamatay yon."



"Ewan ko sa'yong babae ka." naiiling na sabi ni Maris.


"Eto kita mo 'toh, nakakamatay toh." sabi ni Solaira sabay hawak sa gunting.



"Oh she's sweet but psycho, a little bit psychooo." pagkanta ni Karina kaya't natawa ako.



"Ikaw una kong sasaksakin Karinaaa, sige kumanta ka pa riyan." natatawang sabi ni Solaira.



"Napakasama mo Sol!! Sinabihan na nga kitang sweet eh."



"Okay na sana, ba't may psycho pa." natatawang sabi ni Sol.




Nang makarating sa canteen ay ginawa ko na ang normal kong ginagawa. I went to the Blaker's table at ibinigay ko ang cake. Agad naman akong umalis pagkatapos.





Pagkabili ng fries at coke ay agad akong umupo sa tabi nila Maris. Narinig ko silang nagkukwentuhan tungkol sa laro ng Blakers nung nakaraan.




Rudely YoursWhere stories live. Discover now