Chapter 9

746 19 0
                                    


Addison's





"Aruy kinikilig siya oh." natatawang sabi sa'kin ni Ate Raillie. Kinwento ko kasi sakaniya ang nangyari nung intrams. 'Di pa rin ako makaget over!! Ang saya lang. Gabi-gabi ko nga rin yon napapaganipan. Awit!!





"Siyempre ate!! Nako, hulog talaga ng langit ang nagpa blind date booth sa'min." natatawang sabi 'ko. Natawa siya bago magpaalam dahil may customer na dumating.





Napangiti ako at naging excited para sa bakasyon. Tinanong 'ko kasi si Ate Raillie kung pupwede ba akong mag sideline rito kapag bakasyon, agad naman itong pumayag. Napaka bait talaga ni Ate Raiilie.






Kinabukasan ay naghanda ako ng gamit. May team building kasi ang lahat ng nasa Stem Strand. Stem A at Stem B ang magkasama kaya't makakasama namin sila Dayle!! By the way, Stem A sila kami Stem B.




Nang igroup kami ay nadisappoint ako dahil hindi 'ko kagroup si Dayle. Nang mapatingin sa gawi niya ay napairap nang makita kung gaano kadikit ang katawan ng babae sakaniya.




"Okay, for the first game! Board walk racing." masayang sabi ng nagaassist ng Team Building.



Natapos ang mga laro nang natira ang team ko at ang team nila Dayle. Mas lalo akong naging competitive nang makitang nilalandi nung babae si Dayle.




At ayon nang matapos ang laro ay natalo kami ng grupo nila Dayle. Ang sabi ng nagaassist ay dapat makikipagkamayan kami sa kalaban, dahil sa inis ay iniwas ko ang kamay ko kay Dayle nang makikipagkamayan na ito sa'kin.




Nakita 'ko ang pagtataka sa mukha nito pero 'di ko ito pinansin, sa halip ay lumapit kanila Karina at naki-kain. Grabe! Nakakapagod. Sino ba kasing nagpauso ng team building na 'to?





By the way, nandito kami sa magubat na lugar. Magcacamping din kami ngayon, ang iba ay excited habang ako ay nabobored na. Meron pang isang laro na per pair. Hahanapin ang mga flags sa may kagubatan. Ayoko nga sumali! Baka may ahas diyan o kaya oso tapos hahabulin ako! No!!!




"Okay pick your partners."




Nagsimula nang maghanapan ng partners ang mga tao, sinabi ko rin kanila Maris na 'di ako sasama at wala akong balak kaya't 'di na rin nila ako pinilit. Umupo ako sa may isang tabi at pinaglaruan ang lupa sa may paanan 'ko.



"Can you be my partner?"




When I heard a familiar voice, I immediately looked up. Agad nanlaki ang mata 'ko nang makita si Dayle.



"Are you talking to me?" gulat na tanong 'ko.



"Isn't it obvious?" supladong tanong niya kaya't napatawa ako, "Sure!"





Habang naglalakad ay nakita kong napatingin sila Solaira sa'min. Si Maris ay napapailing habang si Solaira ay nagboboo sign at nakangisi. "Ang daya!" pabirong sabi pa ni Karina kaya't natawa ako.




Nakita 'kong si Karina at Solaira ang magkapair. Si Maris naman ay si Bryan kaya't nagulat ako. Si Bryan naman ay nginisian lang ako, baliw talaga 'to!




Pagkapunta sa mapunong lugar ay napakapit ako kay Dayle. "D-dayle alam kong alam mong crush kita ha pero loko di ako kumakapit ng ganto sa'yo dahil don ah." sabi ko rito sabay tingin sa ibaba at tintingnan nang maigi kubg may ahas.





Para akong timang na paiwas iwas sa mga sanga ng punong nasa sahig dahil akala'y ahas ito. "Pucha takot lang talaga ako ah! Di ako nanantsing!" sabi ko sabay iwas pa sa sanga. Nakita ko itong mapabuntong hininga pero 'di ko ito pinansin, sa halip ay tinuon ang pansin sa lupa.




"Dayle, wala bang oso rito?" natatakot na sabi 'ko habang nakakapit pa rin.



"Ewan, baka." simpleng sabi nito kaya lalo akong napakapit. "Totoo ba?!" takot na sabi 'ko. "Bakit baka? 'Di ka sure?" kinakabahang sabi 'ko.




Maglalakad na sana kami uli nang makita sa malayo si Bryan at Maris, they are laughing with each other, palihim akong nagtago sa likod ng puno at pinapanood sila. Napatingin ako sa likod at nag shh sign kay Dayle na nakahlukipkip na at tinitingnan lang ako.





Pasimple pa sana akong lalapit nang biglang hawakan ni Dayle ang pulsuhan 'ko,





"We're here to find the flag, not to meddle with other's business."




"Oops!! Sorry nacurious lang!" natatawang sabi 'ko.




"Tsk, I guess being chismosa is the only way for you to be not scared." naiiling na sabi nito at naglakad na.



"Hoy! 'Di ako chismosa ah." natatawang habol ko rito.




"Okay, sabi mo eh."





Tumuloy kami sa paglalakad at si Dayle lamg ang sinusundan 'ko, wala naman akong kaalam-alam. Napasimangot ako nang makaramdam ng pagod. "Uy awat muna, pagod na 'ko." sabi 'ko sabay baba ng katawan 'ko sa sahig, alam nyo yung upo na hindi nakadikit sa sahig yung pwet?




I heard him sighed, sumandal ito sa puno at nakatingin lang sa'kin, nakaramdaman tuloy ako ng hiya.






"Huwag ka nga tumingin sa'kin." nahihiyang sabi 'ko, nakita 'kong napakunot ang noo nito sa'kin.



"Why is that?" supladong tanong nito.



"Kinikilig ako eh." walang hiyang sabi 'ko, I heard him chuckled then shook his head.





"Gwapo mo naman pag tumatawa, you should smile more often." natatawang sabi 'ko, agad namang naging seryoso uli ang mukha niya kaya't napatawa ako.






"Pag tumatawa lang?" supladong tanong nito kaya't napangiti ako.






"Syempre hindi! Kahit saang anggulo kaya 'no, kaya nga crush kita eh." I winked. Nakita ko itong napairap, ang manly ng irap niya gosh! Dagdag pogi points woot woot.





"Tara na, baka maabutan pa tayo ng gabi." he said,




"Tulungan mo 'ko!!" sabi ko rito sabay abot ng kamay sakaniya, "Di ako aalis dito kapag 'di mo 'ko tinulungan." nakangusong sabi 'ko sabay taas ng kamay 'ko para hilahin niya.





I heard him sighed, lumapit ito sa'kin at napasighap ako nang kunin nito ang kamay 'ko at hilahin patayo. Napangiti ako nang maramdaman ang pagbilis ng tibok 'ko, lakas talaga ng tama 'ko sa lalaking 'to.





Nang makatayo ay hindi ko inalis ang pagkahawak niya sa'kin,





"Pagbigyan mo lang ako, ngayon lang. After this 'di na talaga." nakangiting sabi 'ko, tumitig lang ito sa'kin bago umiwas ng tingin.





Napangiti ako nang hindi niya nga tinanggal ang paghawak sa kamay 'ko. Haha! Naisahan kita, akala mo titigil na ako after this? Si Addison yata 'to. Ako lang 'to si Addison, si Addison na mahal na mahal ka.


















Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon