Chapter 11

646 18 1
                                    

Addison's


"Gagi ayoko!!" naiiyak na sabi 'ko kanila Solaira pero tinawanan lang nila ako.



"For experience!" sabi ni Solaira.




"Eeh!! Irerecommend kita Solaira kay maam! Nagmumusical theater ka eh."




"Ayoko nga no, 'di ako mahilig sa contest!!"

natatawang sabi ni Solaira. Napanguso naman ako. No!!



---

Nandito ako ngayon sa coffee shop at nagmumuni muni. Naalala ko nanaman yung sinabi ni Maam,




"Sorry miss Bartolomeu, nailista na kita."




Huhu paano yan!! 'Di ko nga alam kung anong kanta yung kakantahin ko eh!




"Dapat yung madadama at relate ka sa kanta para maganda ang kakalabasan." pagpapayo ni Ate Raillie.




"Eh anong kanta naman kaya." napanguso ako.




"Meron ka pang ilang araw magisip at magpractice Addie don't worry."




Natapos ang ilang araw na isip ako nang isip kung ano ang kakantahin 'ko! Sumabay pa yung hiya at pagka baba ng self confidence. Paano kapag pumiyok ako? Baka batuhin nila ako ng balat ng saging o kaya patatas!!



Habang naglalakad ay narinig ko ang ilang bulungan ng mga nadadaanan kaya't napapatingin ako. 'Di naman sa pagiging chismosa pero ganon na nga.




"I heard Natalia is back!"


"Really? Yung ex ni Dayle?"


"Comeback na ba this?"


"Oh my gosh ang ganda niya, nakita ko kanina! Kakatransfer lang."




Parang napintig ang tenga ko sa narinig!! Natalia is back? Ex ni Dayle? Ba't 'di ko alam yon? Who's Natalia by the way. Habang naglalakad ay nanlaki ang mata ko nang may makabungguan at nang mapatingin ay tila bang nastarstruck ako sa nakita.




She has a wavy hair, fine skin, almond eyes and pink lips. Gosh, ang ganda!!






"Omg I'm sorry!" pagpapaumanhin nito sa'kin sabay pulot nito ng mga gamit niya sa sahig



"Hala I'm the one that needs to say sorry. Sorry." nahihiyang ngiti ko rito sabay tulong sakaniya, nakita kong saglit nanlaki ang mata niya at napatitig sa'kim bago umayos ng tayo.




"Dapat lang." sabi nito at tila nagbago ang maamo niyang mukha, tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa bago umalis. Okay? What was that?



"Hoy babae!!" matinis na tawag sa'kin ni Karina, agad ko naman itong nilingon.



"Kanina pa ako nasa isang gilid at pinapanood kayo!" sabi nito,



"Ano ka stalker? Ba't di ka lumapit?" pangasar na sabi 'ko.



"Baliw!! Abe ang nagiisang Natalia Guerro kaya ang kausap mo! Sinong 'di mahihiya?"




Agad na nanlaki anh mata 'ko sa narinig. That girl is Natalia? "Y-yun ba yung ex ni Dayle?" kinakabahang sabi 'ko.




Tumango naman ito at napabuntong hininga, "Yes, the one and only. Ang maganda mong karibal!"




Natapos ang klase na nabother ako. Napatingin ako sa salamin at napabuntong hininga, "Ang pangit ko." malungkot na sabi 'ko.




"Ay wow hiyang hiya naman kami hano." natatawang pagpapagaan ng loob ni Solaira, lalo tuloy akong nadown! Ganda kaya nila!




"Ano meron? Ba't down ba down ka?" tanong ni Maris habang nagaayos ng gamit.




"Nako mga sis! Nameet niya lang naman at nakabanggaan ang one and only Natalia Guerro!" sabi ni Karina.




"Omg! Nasa Pinas siya?!" gulat na tanong ni Solaira, tinanguan ko naman ito.




"Ex yon ni Dayle diba?" tanong pa ni Maris, napasimangot nalang tuloy ako.




Nagpaalam ako sakanilang magccr at may kukunin sa locker. Napansin kong kaunti nalang ang tao, uwian na rin naman kasi, kami nga lang magkakaibigan ang natira sa room kanina eh.




Napakunot ang noo ko nang makakaita ng babae't lalaki sa may sulok, pilit kong kinilala kung sino 'yon kaso madilim! Kaya't dumiretso ako sa may locker 'ko.




"What are you doing here Natalia?"




Napalingon ako nang marinig ang boses na 'yon! It's Dayle!! Agad akong nagtago, si Dayle at Natalia ang naguusap na nakita ko kanina?




"Ano pa ba Dayle? Edi babantayan ang fiancé 'ko." he giggled.




Napahinto ako at nagulat, engaged na pala sila, 'di man ako nainform.



----




"Akin ka nalang by Morissette?" tanong ni Ate Raillie sa'kin nang sabihin kong iyon ang kakantahin 'ko




"Pwede namang That Should Be Me by Justin Bieber." I shrugged. Napatingin ako sakaniya nang marinig itong tumawa.





"Heartbroken ka ba Addie?" pabirong sabi ni Ate Raillie, ako naman ay napasimangot.



"Hindi, feel ko lang mag sad song." pagdadahilan 'ko.




Nang maubos ang kapeng iniinom ay nagpaalam na ako kay Ate Raillie, habang palabas ng pinto ng coffee shop ay napahinto ako nang makitang papasok si Dayle kasama si Natalia sa Coffee Shop.





Nakita kong napahinto si Dayle nang makita ako habang si Natalie ay tinaasan ako ng kilay, ngumiti lang ako ng mapakla bago umalis.






Tulala akong naglalakad sa may gilid ng kalsada. Naalala ko yung mukha nila nung 'di pa nila ako nakikita, nagtatawanan sila, mukha silang masaya.





"Uy Addie!!"





Napaangat ang tingin ko at napangiti nang makita si Chino na nakangiti sa'kin, "Muntik ka na masagasaan kanina Addie, tumingin ka sa dinadaanan mo." natatawang sabi nito sabay hila sa'kin paupo ng swing.






Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nasa park na pala ako. "Oh ba't ka malungkot? Kwento naman diyan." natatawang sabi ni Chino.





"Sasali ako sa singing contest next week."




"Oh ayos naman pala eh!! Experience 'yan Addie." pagpapagaan ni Chino ng pakiramdam ko.




"Akin ka nalang yung kakantahin ko." biglang pagtopic ko habang nakatulala, napatingin ako sakaniya nang matawa siya.




"Yung taong gusto ko ikakasal na pala." dagdag 'ko pa.




Nakita 'kong napatigil ito sa pagtawa at kunot na noong napatingin sa'kin. "Kaya ba 'akin ka nalang' yung kakantahin mo?"



"Natumpak mo." pabirong sabi 'ko rito.



"Wala akong masabi Addie, 'di ko alam kung paano kita mapapayuhan."




Napabuntong hininga ako, "Ayos lang." ngiti ko rito.





"Pero 'wag ka mag-alala, I'm always here for you. Kapag iiyak ka nandito lang ang balikat ko ah."





"Salamat Chino."

Rudely YoursWhere stories live. Discover now