Chapter 34:

477 14 0
                                    


Addison's

daylesalveo: hey, i miss u.

addisonbarto: kumain na si cookie?

daylesalveo: !!!

addisonbarto: what's with the exclamation point? hahahahhaa

daylesalveo: i'm getting jealous baby!

addisonbarto: ah geh, pagigihan mo.

daylesalveo: i'm serious.

addisonbarto: itulog mo 'yan, btw nakatulog ba ng maayos si cookie?

Napangiti ako nang makitang 'di na nagreply si Dayle. Is he really jealous? Nagseselos sa aso? Gosh.

Kinabukasan ay nagpunta ako sa coffee shop, sinabihan ko kasi si Dayle na huwag n akong isabay papuntang coffee shop dahil mas malapit ang condo niya rito, ayoko namang mapalayo pa siya and my dad wants to drive me to the coffee shop.

Nang makapunta sa coffee shop ay naabutan 'ko si Dayle na nakasimangot habang nagpupunas ng lamesa, napatawa tuloy ako.

"Why is my baby annoyed?" malambing na yakap 'ko sakaniya mula sa likod.

I heard him hissed so I chuckled. "Oh? Napano ka ba kasi?"

"There's a girl earlier, she told someone that i'm her boyfriend."

Agad na napataas ang kilay 'ko sa sinabi niya, "What?!"

"Oo, totoo yan Addison."

Napatingin ako kay Kuya Percy na tumatango sa sinabi ni Dayle, seems like they are together when that scenario happened.

"Tapos? Anong nangyari?" I asked.

"I said that I have a girlfriend." he shrugged.

"Oh? Ba't ka naiinis? Maganda ba yon?"

"Oo insan! Maganda." napatingin ako kay Kuya Percy, "Aray babe!!" agad na angal nito nang pingutin siya ni Ate Raillie na kakarating lang.

"I'm annoyed because someone heard what she had said."

"Oh talaga?"

"And i'm nervous that I might make you mad again."

Napatingin ako sakanya at napangiti, "Aruy." pangaasar 'ko sabay kurot ng tagiliran niya, he chuckled.

Nang matapos ang part time job ay nagpunta kami sa mall para bumili ng school supplies, bukas na kasi ang pasukan. Late shopping ang nangyari sa'min pero no big deal na rin 'yon.

Naging abala ako sa pagpili ng ballpen habang siya ay diretsong kuha ng g-tech. Pagkatapos ay naaliw ako sa mga art materials habang siya ay pasensyadong naghihintay sa'kin.

Pagkabayad ng pinamili ay dumaan muna kami sa may fastfood chain bago umuwi.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at gumayak. Pagkagayak ay agad akong lumabas dahil nag-aantay na si Dayle sa'kin. When he saw me, he smiled at me and guided me to the passenger seat of his car.

"Goodluck to your first day." he smiled.

"Goodluck sa introduce yourselves." I laughed.

---

"Are you nervous?"

"Medyo."

He is currently walking me to my room. Magkatabi lang naman kasi kami ng classroom kaya't ihinatid niya na rin ako.

"So? Pasok na ako, goodluck." I smiled at him sweetly.

"Don't smile like that, I might kiss you here."

Agad 'ko itong nahampas sa braso dahil sa sinabi niya, "Alis na nga! Chupi!"

He just laughed then waved his hand.

Pagkapasok sa classroom ay napangiti ako nang makita si Zein, one of the members in Blakers, siya ang pinakatahimik sakanila.

"Zein!!" masayang bati 'ko, he just looked at me and slightly nodded.

"Patabi ako!! Ikaw lang kakilala ko rito." natatawang sabi 'ko, tumango lang naman uli ito.

"So, 'di uso sayo ang magsalita?" pagbibiro 'ko pero tiningnan lang ako nito. Napatawa nalang ako.

Ibubuka 'ko na sana ang bibig 'ko para may sabihin nang,

"Addison?"

Napalingon kami ni Zein sa may likuran nang marinig ang boses ng lalaki. Agad na nanlaki ang mga mata 'ko nang makilala kung sino ito,

"Michael!!!!" masayang tawag 'ko rito sabay yakap sakaniya, he's my gay childhood friend.

Ako lang at ang kapatid niya ang nakakaalam na bakla siya, against kasi ang father niya rito kaya't nagpapanggap siyang lalaki. Nangako ako sakaniya na wala akong ibang pagsasabihan tungkol doon at paninindigan 'ko yon, it's his secret though. Well, he's handsome kaya't sayang. He's my childhood crush too.

"Nagtransfer ka rito?!" masayang tanong 'ko.

"Yes, I transfered here for you. I missed you." nakangiting sabi nito.

"Awi! Tara tumabi ka sa'min." I smiled. Bali napapagitnaan ako ni Zein at Michael sa
pwesto namin.

"Michael, this is Zein. He's my boyfriend's friend. Zein this is Michael, my childhood friend."

Nakita 'ko naman kung paanong nagningning ang mata ni Michael nang makita si Zein kaya't lihim 'ko itong tinawanan. Nilapit nito ang mukha sa tainga 'ko ay may binulong,

"Gaga, may boyfriend ka na? Pakilala mo sa'kin, let's see kung fafa rin ba." he whispered, agad naman akong napatawa.

"Later."

Nagsimula kaming magkwentuhan at nakalimutan 'ko tuloy si Zein, kakausapin ko pa sana siya nang biglang dumating ang teacher namin.

Nang magbreak time ay inaya 'ko si Michael na sumabay sa'min nila Zein magrecess, bali magkakasama na kaming pumunta sa cafiteria. Napangiti naman ako nang makitang kumpleto na sila at nagkkwentuhan, when Dayle saw me, he smiled. Napahinto lang ito nang makita si Michael, his brows furrowed.

"Uhm guys? Pwede bang makisabay sa'tin si Michael? He's a transferee here and he is my childhood friend."

"Uy ayos lang."

"Oo naman."

"Sure!"

Napangiti ako nang marinig ang pagsang-ayon nila. Naupo lang ako sa harapan ni Dayle at tumabi kay Michael.

"Wait? You're familiar! Siya ba yung Michael na kinukwento mo noon Addie?" masayang sabi ni Karina. Agad naman akong tumango.

"Ay oo! Siya 'yon. Yung childhood crush mo!" gatong pa ni Solaira.

Agad namang napatahimik kaming lahat, pekeng umubo naman si Solaira nang marealize ang sinabi niya.

"I-it's a prankk!" dagdag pa nito at halatang nagpapalusot lang. Napailing nalang ako.

I glanced at Dayle, he's quietly eating his food, not looking at me.

Rudely YoursWhere stories live. Discover now