Chapter 10

697 18 0
                                    


Addison's


Ngiting ngiti ako habang pabalik sa camping place. Ang lambot ng kamay ni Dayle! Nararamdaman 'ko pa rin yung kamay niya hanggang ngayon.


"Ay daig pa yung ngiti nung nanalo." pangaasar ni Solaira, tinawanan ko naman ito.



Nagboodle fight kami bago pumunta sa mga tents. Kasama 'ko sa tent si Karina habang si Solaira at kasama si Maris. Nang makitang mahimbing ang tulog ni Karina ay dahan-dahan akong lumabas ng tent. Umupo ako sa may kahoy at kinuha ang gitara 'ko. Sinadya 'ko talaga 'tong dalhin.



Lumayo ako ng pwesto sa mga tents at nagsimulang magstrum,


Uulit ulitin 'ko sa'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa'yo
Kahit kailanman 'di magbabago


Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais ko sa twina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Sa'king puso'y tunay kang nagiisa.



Napabuntong hininga ako at napatitig sa sahig, at pinagpatuloy ang pagkakanta. Si Dayle lang ang naisip 'ko habang kumakanta, kakanta pa sana ako nang magulat nang makita si Dayle na nakatayo at mukhang kanina pa ako pinapanood.


"U-uy Dayle." nahihiyang sabi 'ko.


Nang makitang nakatitig lang siya sa'kin ay napaiwas ako ng tingin. "K-kanina ka pa ba? Nako napakinggan mo pa yung panget kong boses." nahihiyang sabi 'ko sabay tayo. Napabuntong hininga ako nang 'di siya sumagot.


"M-matutulog na ako ah." nakangiting lapit 'ko sakaniya. Papasok na sana ako nang tent nang marinig ang boses niya,



"I love your voice."

----


"Hoy gising na babae!"


Labag sa loob akong gumising, ang ingay ni Karinaaa!! Inaantok pa ako eh.


"Nakakahiya! Tent nalang natin ang nakatayo. Bahala ka riyan babae." sabi nito sabay alis.


Agad naman akong napabangon at agad na tiningnan ang sarili sa phone bago nagmadaling lumabas. Nagulat naman ako nang makitang medyo madilim pa at tumatawa sila Karina. Bwisit talaga 'tong mga babaeng 'to.


"Tara tambay tayo." sabi ni Solaira sabay hila sa'min sa may mga puno, pagkatapos ay nakita namin ang lawa. Wow!


"Oh ganda diba?" natatawang sabi ni Karina,


Tumambay kami sa roon at nakita kong maaga pa pala. 4 palang letsers. Habang nagkukwentuhan ay napatigil kami nang makarinig ng boses ng mga lalaki. At nakita na nga namin ang iilang Blakers na papunta rin dito.


"Uy Miss Cake!!!" masayang pagtawag sa'kin ni Klint nang makita ako. Napatingin ako sakanila, apat sila ngayon.



Si Klint na nakangiting palapit sa'min ngayon, si Bryan na nakangisi at nakatingin kay Maris, si Nathan na tahimik lang na nakasunod kay Klint papunta sa pwesto namin at si Dayle na nakabusangot ang mukha.


"Ano ginagawa niyo rito? Baka mapano kayo. Babae pa naman kayo ah." nakangising sabi ni Bryan, inirapan 'ko naman siya. Halatang nagpapagood kay Maris.

"Patambay tambay lang." sabi ni Maris, tumango naman si Bryan at tumabi kay Maris.


"Miss cake! Pwede rin ba kaming tumambay dito?" natatawang sabi ni Klint.


"Oo naman, tingnan mo nga prenteng nakaupo na yung kaibigan mo." sabi 'ko sabay nguso kay Bryan. Natawa naman si Klint, simple naman akong napatingin kanila Nathan at Dayle na tahimik lang.

"Oh by the way! Pakilala 'ko kayo sa friends ko." nakangiti kong sabi kay Klint.

"This is Solaira, eto naman si Karina. At etong katabi ni Bryan ay si Maris."


---


Napangiti ako habang nakatingin sakanilang lahat. Mukhang nagkakasundo sila ah. Si Solaira at Maris ay nakikipagtawanan, si Karina naman ay nakikipaglaro ng jak en poy kay Bryan. Parang mga bata talaga. Si Nathan naman ay nagphophone pero nakatabi siya kanila Klint.


Pumunta ako sa may malapit sa may lawa at tumingin dito. Feeling 'ko mas maganda rito kapag umaga. Napatingin ako kay Dayle nang makita itong tumabi sa'kin.


"Shall I sing?" pagtatopic 'ko habang nakangisi, nagtataka naman itong napatingin sa'kin.

"Akala ko ba you love my voice? Should I sing Dayle?" natatawang sabi 'ko, nakita 'kong umiwas si Dayle ng tingin at sumimangot. Napangiti ako,



"I like your eyes you look away when you pretend not to care." mahinang pagkanta 'ko.


Nakita 'ko itong napalunok kaya't napangiti ako, is he affected? May chance na ba ako?

"I like your dimples on the corners of the smile that you wear. I like you more the world may know but," mabagal na pagkanta 'ko.


"Don't be scared." napangiti ako. "Cause I'm falling deeper," ngumiti ako at huminto, tumingin ako sa may lawa at napangiti lalo.


"Baby be prepared." pagkanta 'ko sabay tingin sakaniya. "I like you so much Dayle." ngiti ko sabay alis at lapit kanila Maris.

-----

"Ganda ng ngiti natin ngayon ah?" nakangiting pangaasar sakin ni Maris.


"May nangyari ba noong nagcamping tayo? Ikaw ha!!" gatong pa ni Karina,


"Ang iissue niyo, mag-aral na nga lang tayo." natatawang sabi 'ko at binuklat na ang notebook. May quiz pa kasi kami sa isang subject.


Pagkatapos ng quiz ay aalis na sana ako nang tawagin ako ni Maam Alvo, "Nak, I will talk to you in my office." she smiled, kinakabahan naman akong tumango.


"Saglit lang po ah, susunod po ako." sabi ko kay maam at lumapit kanila Maris,

"Uy pasuyo nga! Paabot sa table ng Blakers. Salamat." mabilis na sabi 'ko sabay punta sa faculty.


"Anak, can you sing for me a song?" nakangiting sabi sa'kin ni Maam.

"P-po?"


"Please nak, isa lang." she smiled.


Miss Alvo is the sweetest and the kindest teacher that I ever met. Anak ang tawag niya sa'min at pantay pantay ang pag trato. 'Di tuloy ako makatanggi.

Nahiya akong umubo bago nagsimulang kumanta, "Akin ka nalang, akin ka nalang. Ang dinarasal sa araw araw." maikling kanta 'ko.


"I knew it, tama nga ang sinabi niya sa'kin." she smiled.

"Po?"

"You're qualified for the singing contest hija next next week."

Rudely YoursWhere stories live. Discover now