Chapter 53:

532 12 0
                                    

Addison's pov


"Anak, balita 'ko'y nagkakamabutihan na uli kayo ni Dayle." masayang sabi ni mom.

Ako naman ay napatingin kay mom nang marinig ang sinabi niya, nandito kami ngayon sa sasakyan dahil kakasundo lang namin kanila mom sa airport.

"Kanino naman po nanggaling ang balitang 'yan?" tanong 'ko sabay tingin kay Sylvia na nagdadrive,

"Hindi na mahalaga anak, nako imbitahin mo si Dayle sa bahay natin bukas. Namimiss 'ko na ang batang iyon." sabi pa ni dad.

Ako naman ay napapikit, ang huling kita namin ni Dayle ay yung sa condo niya! Nakakahiya pa ang nangyari dahil marunong na pala siya mag spanish!

"Busy 'yon pa." pagpapalusot 'ko.

"No, he is not. I heard that next next week pa his next flight." pagsabat naman ni Sylvia.

"Yun naman pala e, choose anak. Imbitahin mo si Dayle sa bahay bukas, kung hindi ako ang iimbita sakaniya."

----

Nandito ako ngayon sa may coffee shop ni Ate Raillie, napatingin ako sa paligid at namangha. May second floor na kasi ito at mas lalong lumawak. Kasama 'ko ngayon sila Solaira, si Sylvia naman ay wala dahil inaasikaso pa ang vlog niya.

"Oh? Anong masama ro'n sa sasabihin mo kay Dayle na pumunta sa bahay niyo?" tanong ni Solaira bago uminom ng kape.

"Eh kasi, nakakahiya na nakakaba. Geez, I don't know."

"Bakit ka kinakabahan?" nakangiting sabi ni Maris.

"Huwag mong sabihing may feelings ka pa sa ex mo ah!!" natatawang sabi ni Solaira bago nakipag apir kay Maris.

Napaiwas naman ako ng tingin at uminom ng kape, sila Maris naman ay puro asar lang ginawa sa'kin kaya nang matahimik sila ay napatingin ako.

"Ay shemay! Sakto Addie nandito yung crush mo." pabulong na sabi ni Solaira,

Napatingin naman ako kung saan sila nakatingin ni Maris, bigla akong kinabahan nang makita 'ko itong nakahoodie na itim na pumasok sa may coffee shop. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso 'ko nang tawagin ito ni Solaira,

"Dayle!!" masayang tawag ni Solaira.

Ako naman ay napaiwas ng tingin at inabala ang sarili sa paginom ng kape. Napasinghap ako nang maramdaman 'kong tumabi ito sa'kin.

"Hey." bati nito.

"Uy Dayle, kamusta." bati naman ni Maris.

Nagkwentuhan ang tatlo habang ako ay tahimik lang na umiinom ng kape. Damn, ang bilis ng tibok ng puso 'ko ngayon. Tumingin naman sa'kin si Maris at tinawanan ako nang makita akong tahimik, sinamaan 'ko ito ng tingin kaya't nagpeace sign lang ito.

"Hey, Addison."

Napatingin at tipid na ngumiti ako kay Dayle nang tawagin ako nito, he is staring at me while smiling.

"Are you alright?" he gently asked.

I shyly smiled then looked away. Napatingin naman ako kanila Solaira na nakangisi na ngayon.

"Addison, diba may sasabihi---"

"Ha? Ano?" mariin na sabi 'ko habang nakangiti ng peke kay Solaira, natawa naman ito at pabirong tinikom ang bibig.

"What is that?" Dayle curiously asked at me.

"Wala, cr lang ako." I excused myself then went outside of the coffee shop.

Pagkalabas ay umupo lang ako sa may labas ng coffee shop, bakit ba gano'n ang nararamdaman 'ko kanina? This is wrong, ba't bumibilis nanaman ang tibok ng puso 'ko? Do I still like him? Oh my gosh.

"Cr na pala ngayon ang labas."

Gulat akong napalingon nang makita si Dayle na prenteng nakatayo sa may likuran 'ko.

"A-ah nagpapahangin lang." iwas na tingin na sabi 'ko.

"Are you alright?" he asked then seated beside me.

Napangiti naman ako ng mapakla. Hindi 'ko maiwasan na hindi mamiss ang meron kami noon. Before, he is always asking me if i'm alright. Lagi niyang alam kung may kakaiba sa'kin at kung nalulungkot ako. He is very observant when it comes to me.

"Mom and dad invited you to our house tomorrow."

"Really?" masayang sabi nito.

Pasimple naman akong napangiti dahil sa reaksyon niya, he seems happy because of it. I felt something in my heart, I felt the familiar feeling. Pagkatapos ay natahimik kaming parehas at pinapanood ang mga taong dumadaan.

"So, how's your life in Spain?" he suddenly asked.

"It's fine. At first, medyo nanibago." I smiled then looked at him. "I was shocked at first when people suddenly kisses me when they're gonna introduce themselves to me." I laughed.

"What?" he raised a brow.

"People in Spain are all friendly. Normal lang do'n ang halik sa cheeks." I smiled, but his reaction looks like he's not having fun of what he had heard.

Natawa naman ako dahil sa istura niya, "Ikaw? Kamusta? Masayang magpalipad ng eroplano?" I smiled.

"Yeah." he said.

"Ang haba ng sagot." natatawang bulong 'ko.

Napatingin naman ako sakaniya nang makita 'ko itong napatitig sa'kin, pabiro ko itong inirapan.

"I missed you." he seriously said.

Napatitig ako sakaniya dahil sa sinabi nito, my heart is beating fast. Lalong tumibok ang puso 'ko nang ilagay ni Dayle ang tumatakip sa mukha 'ko na hibla ng buhok sa may likuran ng tenga 'ko. He stared at me after that,

"Ikaw Addison? Did you missed me? Even a single bit?" he asked while staring at me intently.

Napaiwas naman ako ng tingin at tumawa ng pabiro para mawala ang awkwardness, "O-oo naman 'no! May pinagsamahan din tayo e."

"I hope we can be as close as before, let's be friends." he smiled.


I smiled at me then looked away.

Gusto ko ba 'to? Gusto 'ko ba na hanggang kaibigan lang ang inaalok niya?

Rudely YoursWhere stories live. Discover now