Chapter 41:

437 12 0
                                    


Addison's

Days and months went fast. Hindi 'ko pa rin nakikilala ang mom at dad ni Dayle dahil nag isang araw lang sila noon sa Manila at sa Cebu na agad sila dumiretso kinabukasan.

By the way, today is our field trip in Vigan, 2 days and 1 night kami do'n kaya't tuwang tuwa ako.

"Hoy!!"

Gulat akong napatingin kay Solaira nang makita siyang papasok ng bus namin.

"Hoy ka riyan? Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong 'ko.

"Edi tumakas!! Ayaw mo no'n 'di ka loner dito?" natatawang sabi nito sabay tabi sa'kin.

Napatawa naman ako sakaniya, mabuti nalang at nandito siya. 'Di kasi makakasama si Michael dahil may pupuntahan sila ng fam niya. Napatigil naman kami nang makita ang mga papasok sa bus.

"Ay putek, ako pala ang magiging loner dito." sabi ni Solaira nang makita si Dayle na papasok ng bus.

Every section kasi ay may isang kukunin para makapunta dito sa bus namin, sobra kasi ng apat na seat dito. Napatingin ako kay Dayle na kasama si Nathan. So, nagvolunteer silang lumipat ng bus? Ba't 'di sinabi sa'kin ni Dayle?

Nang makita ako nito ay napangiti ito, nawala naman agad ang ngiti niya nang makitang katabi 'ko si Solaira.

"Hey dude, you're blocking the way." rinig 'kong sabi ni Nathan sakaniya.

Nginisian naman ni Dayle si Nathan bago umupo sa katabing upuan namin sa bus, tumabi naman sa kaniya si Nathan.

"Hoy Dayle! Alam ko yung tinginan mong ganiyan." natatawang sabi ni Solaira sakaniya sabay tayo at hawi kay Dayle.

Agad namang tumayo si Dayle at tumabi sa'kin. Bali, kami na ang magkatabi at sila ni Nathan ang magkatabi. Hu, kunwari pa 'tong si Solaira, baka type niya lang si Nathan.

"Hey, focus you're attention to me." Dayle chuckled.

"What are you doing here mister?" taas kilay na sabi 'ko rito.

"Baka namiss na 'ko ng misis 'ko e." sabi nito sa mariin na tagalog, agad naman akong nanggigil at pinisil ang pisngi nito.

"Ang gwapo mo!!" masayang sabi 'ko sabay hawak sa braso nito at pinisil ito ng madiin dahil sa sobrang panggigigil.

"Gracias, amor." (Thank you, love.)

Napasinghap naman ako sabay baklas sa braso nito, "Geez, you're hot when you speak in spanish." natatawang sabi 'ko.

"I will speak spanish more then." he smirked.

Hinampas 'ko lang ito at agad na finocus ang sarili sa tour guide. Nagrosaryo muna kami bago ito nang-entertain sa amin.

"Baby, i'm sleepy." malambing na sabi 'ko rito.

"Then sleep, my shoulder is all yours." he smirked then guided my head into his shoulder.

"Ay pda! Pda!!" pangaasar ni Solaira.

Tataas 'ko sana ang ulo 'ko at titingnan si Solaira nang hawakan ni Dayle ang gilid ng ulo 'ko at ihiniga uli sa balikat niya.

Natapos ang oras na napabangon ako dahil sa gutom. Matagal talaga ang biyahe papuntang Ilocos kaya't grabe ang tulog na gagawin 'ko. Napatingin naman ako kay Dayle na nag-mml. Woah, nagmml siya? Ba't ngayon 'ko lang nalaman?

"Hey, naglalaro ka?" I asked.

He shockly looked at me and then immediately turned off his phone,

"Ay sayang, afk ka niyan." nanghihinayang na sabi 'ko.

"That's alright. It's just a game though." he said then gently looked at me.

"Ah, nagmml ka pala?" I said then opened my bag to find some chips.

"Yeah."

"Ba't ngayon ko lang nakita?"

"I'm not playing when you're around. I don't want distractions when i'm with you."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya, infairness kinilig ako do'n ah! Napangiti ako lalo nang makuha ang pringles 'ko. Agad 'kong kinuha ito at inalok si Dayle, agad naman itong tumanggi. Aalokin 'ko rin sana sila Solaira nang makitang tulog si Solaira at nakasandal kay Nathan. Si Nathan naman ay naka airpods lang at nakatingin sa bintana.

When I saw Solaira's mouth is open, I immediately get my phone. Agad 'kong pinicturean ang mukha ni Solaira at tumawa nang tumawa.

"My girlfriend's bully." Dayle smirked.

"Bakit? Gusto mo ikaw bullyhin 'ko?" natatawang sabi 'ko, he just laughed.

Napanguso lang ako sabay punta sa mga downloaded movie 'ko at agad na sinuot ang airpods. Napatingin ako kay Dayle nang kunin ang isa dito at inilagay sa tenga niya. Ipinwesto 'ko naman ang phone sa may gitna namin para makapanood din siya.

Nagulat naman ako nang agawin niya ito at siya ang humawak, "Mangangawit 'ka." he said.




I smiled, what a gentleman.



Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon