Chapter 6

759 24 0
                                    

Addison's


Today is Friday, and here I am at the gymnasium practicing. Malapit na rin kasi ang Intrams kaya't babad kami sa practice.



"Okay, good job guys. Sa Monday nalang uli." nakangiting sabi sa amin ng President ng Dance Club.



Agad naman akong uminom ng tubig at nagpahinga sa upuan.



"Addison, di ka pa aalis? Mauuna na kami ha." sabi nila Sylia, ngumiti naman ako sakaniya.



Mabuti dahil dalawang beses lang namin inulit yung sayaw kaya't hindi ako sobrang pinawisan. Nagstay muna ako sa gymnasium dahil tinatamad pa akong lumabas.


Kinuha ko lang ang cellphone ko at doon napagpasyahan mag facebook at instagram. Napatigil ako sa pagphophone nang makita si Bryan na may dalang bola.



"Bryaaan!!" sigaw ko rito, agad naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.


"Miss cake!" nakangiting sabi nito nang makalapit sa akin kaya agad ko itong binatukan.


"Aray ko naman Addison!!"


"Miss cake miss cake ka pa riyan! San mo natutunan yan?!" sabi ko rito.


"Kanila Klint!! Nakiuso lang ako noh." natatawang sabi nito kaya't napailing nalang ako.

Bryan is my classmate while I'm on my 10th grade kaya't may pagkaclose kami ng konti. Hindi naman siya mahirap iclose since he is friendly unlike his friend Dylan.


"Ano nga palang ginagawa mo rito Addison?" tanong nito habang dinidribble ang bola.

"Kakapractice lang namin ng sayaw para sa Intrams, nagpaiwan ako rito kasi wala lang." sabi ko, napatawa naman siya.

"Nako, malapit na pala ang Intrams." sabi nito.

"Oo, ikaw nga pala? Anong ginagawa mo rito?"

"Maglalaro sana kami ni Dayle, 1 v 1." sabi nito sabay wiggle ng kilay sa akin.

"Hoy weh?! Talaga?" nakangiting sabi ko rito.


"Oo." tumatawang sabi nito.

"Bryan, kinakain ba niya yung cake na binibigay ko?" curious na tanong ko rito, nakita ko namang napatingin ito sa akin.


"Secret." natatawang sabi nito.

"Ano ba yan!!"

"Pero loko masarap yung cake mo. Gawan mo nga ako, uuwian ko nanay ko. Mahilig yon sa cake. Feeling ko magugustuhan niya."



"Walang libre sa panahon ngayon noh!!" palokong sabi ko kahit gagawan ko naman talaga siya.

"Ang daya!!" sabi nito kaya't napatawa ako.


"Bryan."


Napatingin naman kaming dalawa nang marinig ang pagtawag ng isang lalaki kay Bryan. It's Dayle and he is looking at me, agad naman akong napaiwas ng tingin.


"Uy pre nariyan ka na pala!!" natatawang sabi ni Bryan kay Dayle sabay hagis kay Dayle ng bola na agad namang nasapo ni Dayle.


Agad namang pumunta si Dayle sa may ring para ishoot ang bola kaya't naiwan sa akin si Bryan.

"Psst." pagtawag ko rito. Agad namang lumapit sa akin si Bryan.

"Diba gusto mong bigyan kitang cake?" nakangising sabi ko kay Bryan. Agad namang tumango si Bryan na para bang alam na ang sasabihin ko.

Rudely YoursWhere stories live. Discover now