Chapter 20:

634 18 0
                                    



Addison's



Gulat na gulat hindi pa rin nakakapagsink in ang lahat sa'kin habang nakatingin kanila Ate Raillie na naguusap. Nakaupo kami ngayon sa iisang table at prente lang silang nagkkwentuhan.



So all this time, lahat ng pagrarant at kilig ko kay Ate Raillie sa crush ko ay tungkol pala sa kapatid niya huhu. Buti nalang at 'di ako nagdadrop name.



"Mabuti at close pala kayo ng kapatid 'ko Addison?" masayang sabi ni Ate Raillie.



"H-hindi masyado ate."



"Oo nga pala Dayle, pinsan ko itong si Addison. Ganda 'no?" natatawang sabi ni Kuya, I secretly looked at Dayle and I saw a smirk from him.



"Meron ba tong manliligaw sa school Dayle? Sumbong mo sa'kin ha." natatawang sabi pa ni kuya, napairap naman ako.



"Sure." he simply said.



Napabuntong hininga lang ako habang kumakain ng cookies at nagbabakasakali na sana ay wala nang sabihin si kuya na kalokohan sa harapan ni Dayle huhu 'di ko kakayanin.



"Tahimik mo Addie, nakakapanibago. 'Di ka ba magkkwento tungkol sa crush mo?" nangaasar na sabi ni kuya.



"Loko ka babe! Wag mo nga itopic, heartbroken 'yang si Addie." naiiling na sabi ni ate.



Agad namang nanlaki ang mata ko at pasimpleng napatingin kay Dayle na nakatitig lang sa'kin. Oo nga pala! 'Di pa alam ni ate yung tungkol sa nangyari nung Senior's ball!! Napadalang na kasi akong pumunta rito non.



"Bukas ka na magstastart sa part time job mo diba Addison? Mga 10 ka pumasok." nakangiting sabi ni ate, napatango naman ako at ngumiti.



"Nako ikaw kapatid ko. Tingnan mo nga si Addison!! Kasing edad mo yan ah, magtatrabaho at tutulungan ako rito. Kilos kilos din brother, help your ate." pabirong sabi ni ate kaya't napangiti ako, agad din naman itong napalitan ng gulat nang,



"I will work here starting tomorrow then."



---



Kakapost ko lang sa ig story 'ko ng video na kumakanta ako, apura pilit kasi yung tatlo ayan tuloy bumigay ako. Nagulat naman ako nang magdm sa'kin si Dayle kaya't agad ko itong pinindot.



daylesalveo: you are heartbroken huh?




Napapikit naman ako nang mariin at nagisip ng palusot. Si Ate Raillie ba naman kasi e binuking ako sa harap ng crush 'ko huhu.



addisonbarto: oo heartbroken ako, 'di ka kasi nagreply sa sinend kong vid :(



daylesalveo: tss, so everyone's your crush now? you posted it in your ig story.


addisonbarto: 'di ka kasi nagreply, naghanap tuloy ako ng atensyon ng iba hahahaha charot.



daylesalveo: is my attention not enough? hmmmm.



addisonbarto: huu awit ka bro, wala ka nga man lang comment tungkol sa video e napaka mo.

daylesalveo: i will make a comment now then,


addisonbarto: irank mo!!


daylesalveo: 2




Napatawa naman ako at napailing, magrereply pa sana ako nang tawagin ako ni mom para magdinner, agad naman akong bumaba.



"Ma, bukas na ako magstastart ng part time job ah." masayang sabi 'ko sakanila.



"Ayos yan anak, mas okay na naeexperience mo ang mga dapat maexperience habang 'di ka pa nagtatrabaho."



"Opo at alam nyo naman po na balak ko kayo ilibre gamit ang sarili kong pera kapag nagkasweldo na." natatawang sabi 'ko.



"Ayos pala eh, sige ang pipiliin naming restaurant ay yung mamahalin." natatawang sabi ni dad kaya't napanguso ako.




"Sa angel's burger ko lang po kayo kayang ilibre eh." pagbibiro ko pa.


Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si mom na magligpit ng pinagkainan, inaya rin nila akong magmovie marathon. Agad naman akong sumang-ayon dahil ngayon lang mangyayari uli ito. Palagi kasi silang busy sa trabaho pero kahit busy ay 'di naman nila nakakalimutan na gampanan ang pagiging magulang sa'kin.




Si mom ay palagi akong sinusuportahan sa mga gusto 'ko. Palagi rin niya akong tinutulungan mag bake. Si dad naman ay palagi akong hinahatid sundo, grabeng effort din yon kaya't sobrang naappreciate ko sila. I love them so much.



Naghanda sila mom at dad ng popcorn at nilagay ang coke sa mini table sa may sala. Minsna lang naman daw ang cheat day kaya eto sinusulit na. Napili naming manood ng horror dahil sa kagustuhan ni dad. Pinagbigyan naman namin dahil palagi kaming nasusunod ni mom pagdating sa mga movies noon, palaging love story. Wala namang magawa si dad, sorry siya nagiisa lang siyang lalaki sa pamilya.




Habang nanonood ay napangiti ako nang makitang magkahawak kamay sila mom at dad, pasimple ko silang vinideohan sabay tutok ng camera sa pinapanood namin. Agad ko ring tinago ang phone. Maraming panggugulat sa movie kaya napapasigaw kami ni mom, si dad naman ay tumatawa nang tumatawa. Grabe, parang comedy ang nangyari kay dad.




Hindi namin namalayan ang oras at nagkwentuhan pa kami nila mom at dad, kinamusta nila ako at ako naman ay apura kwento maliban nalang sa patungkol kay Dayle.




Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata nang makitang alas dose na pala. Dumiretso ako sa banyo para makapaghalf bath at skin care. Uminom pa muna ako ng tubig bago humiga sa kama.




Binuksan ko ang phone 'ko pagkahiga at nagscroll muna para antukin, napatingin ako sa ig 'ko nang makitang may notification sa may dm. Napangiti ako nang makitang magmessage pa si Dayle.





daylesalveo: 2.

daylesalveo: highest number is 1.

daylesalveo: i know it's corny but yeah i love your voice.

daylesalveo: hey.

7:30 p.m.






Agad kong tinakip ang mukha ko sa may unan at tumili. Oh my gosh!!! He loves my voice talaga!! Pucha parang gusto ko tuloy kumanta nang kumanta buong araw.





addisonbarto: yung voice lang ba yung love mo? hindi yung may-ari? :<

daylesalveo: you're still awake but you are not answering my dms?

addisonbarto: slr hahhahaha kumain ako tas nagmoviemarathon kami nila mom and dad tapos napasarap pa ang kwentuhan, teka nga ba't ako nageexplain e di mo naman ako jowa. Jowain mo na kasi ako char.

daylesalveo: okay, see you tom.





Agad akong napanganga. Saan siya nag okay? Sa pagexplain ko ba o don sa jowain mo na kasi ako? Pucha ang guloooo. Hindi nanaman yata ako makakatulog nito.



Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon