Chapter 51:

541 14 0
                                    


Addison's

Naglalakad kami ngayon nila Sylvia paalis sa may parking nang bigla akong magtaka dahil sa ibang daan sila papunta.

"You guys are leading the wrong way." natatawang sabi 'ko.

Napasimangot naman ako ng bahagya nang 'di nila ako pansinin.

"Nathan!!" masayang sabi ni Solaira.

Napatingin naman ako at nagulat nang makita sila Nathan, Klint at Bryan na naguusap sa may labas ng itim na suv, at napatingin naman sila sa'min nang marinig ang boses ni Solaira.

"Ang aga niyo ha." pabirong sabi ni Bryan, pabirong sinuntok naman siya ni Maris.

"Bumili pa kaming jacket, nakasleeveless pa kasi si Addie e." natatawang sabi ni Solaira.

"If you said earlier that we will go here, hindi sana ako nagsleeveless."

Natawa naman sila sa'kin, napasulyap naman ako sa itim na suv nang makita na bumukas ang driver's seat nito, iniluwa nito si Dayle na kaswal na naglakad papunta sa'min, napaiwas naman ako ng tingin.

Pucha, ba't ba kasi kasama siya?

"Ano pang inaantay natin? Tara na." excited  na sabi ni Solaira.

Napatingin ako sakanila nang makitang nagtabi tabi na ang couples. Nakita 'ko rin na inakbayan ni Klint si Sylvia na umaangal, napakunot naman ang noo 'ko, kailan pa sila naging close?

Dahil sa nauuna silang maglalad ay naiwan tuloy kami ni Dayle sa may likuran, medyo binilisan 'ko naman ang lakad 'ko dahil sa ayokong makasama si Dayle kaya't natapilok pa ako. Gosh, nakaheels nga pala ako.

Dayle held my shoulders and guided me to stand properly, napasinghap naman ako at iwas ng tingin.

"D-don't touch me." I said.

Agad naman niyang inalis ang kamay niya nang makatayo na ako ng maayos,

"Sorry." he smirked.

"I don't know if your sorry is sincere but, apology accepted." sabi 'ko sabay lakad.

I heard him chuckled then followed me, napairap naman ako ng palihim.

"Anong ride ang una nating sasakyan?" naeexcite na tanong ni Maris.

"Let's ask Addison and Dayle, you went here before, right?" sabi ni Sylvia.

Ako naman ay ngumiti kahit gusto 'ko nang i-flying kick si Sylvia. Anak ng tokwa 'tong pinsan 'ko.

"Oo nga, saan ba kayo pinaka nagenjoy nung nagpunta kayo rito noon?" nakangising tanong ni Klint.

"I'm sorry, that was years ago. I don't remember na." I smiled sweetly,

Putek, ang galing 'ko na magpanggap.


"You don't remember huh?" Dayle smirked.

"Yes, I don't." nakangiting tingin 'ko pa rin sakaniya.

"As far as I remember, you really loved riding in Vikings, let's ride that again." nakangising sabi ni Dayle at tuluyang naglakad.

Ako naman ay napatulala at napatigil, pucha.

---

Kinakabahan ako habang nakapila kami sa may ride. I don't want to scream, ayoko mawala ang poise 'ko. Alam 'ko rin na suka ako rito dati kaya lalo akong kinabahan. Nang kami na ang susunod na batch na sasakay ay agad 'kong minessage si Grien na tumawag sa'kin, napangisi naman ako nang tumawag nga ito.

"Sorry guys, this call is really important. It's really urgent too, I need to answer it." I apologized.

Nakatingin naman sa'kin sila Solaira na parang 'di naniniwala sa sinabi 'ko pero nginitian at medyo pinanlakihan 'ko ito ng mata kaya't mahina silang natawa.

"Oh sige na, sagutin mo na 'yan." Maris said.

"Pag binuksan na ang mini gate, go without me okay?" I smiled sweetly,

Nagreklamo naman sila Bryan kaya't medyo napatawa ako, sayang naman daw kasi, habang si Dayle naman ay nakatingin lang sa'kin at tila tinitingnan ako ng masinsinan.

Agad naman akong umiwas ng tingin umalis, pumunta sa may gilid.

"Hello Grien?" I smiled.

["You missed me? Tsk, I knew it! You have a hidden desire on me!"]

I laughed because of what he have said, "Yes ofcourse, I missed you Grien!"

["How's your stay in the Philippines?"] masayang tanong nito.

"It's fine here, I can't deny that I missed here so much, it's my hometown you know." natatawang sabi 'ko.

Nakatalikod ako ngayon sa viking rides kaya't hindi 'ko ito nakikita ngayon, tatalikod na sana ako para makita kung nakasakay na sila nang mapahinto ako nang makita si Dayle na nakahlukipkip at nakatingin sa'kin ng malalim.

"D-dayle, what are you doing here?" kinakabahang tanong 'ko.

"So that's the urgent that you are saying?" he stared at me.

"Yes." I tried to smile.

He just looked at me with disappointed look before walking away.

Tuwang tuwa sila Sylvia pagkagaling sa may Vikings habang kami naman ni Dayle ay tahimik lang, what's wrong with him? Ano bang pake niya?

"Nakakagutom, kain muna tayo." pag-aaya ni Maris, agad naman kaming sumangayon.

Pumunta muna kami sa may kainan bago magpatuloy dahil sa gutom. Nang dumating ang order ay puro gulay ang kinakain 'ko. I'm in diet so I need to eat veggies only.

Napansin 'ko namang nakatingin nanaman si Dayle kaya't nailang nanaman ako. Geez, why is he staring?!

"You will only eat that?" he suddenly asked.

I looked at him and slightly smiled, "Yes, it's delicious. You wanna try?" I sarcastically said.

He just sighed before he continued eating, pero lagi 'ko siyang nahuhuling nakatingin. Pagkatapos kumain ay dumiretso na uli kami sa iilang rides, hindi ako sumama sa iba. Yes, i'm a totally kj now.

Napabuntong hininga naman ako nang maramdaman ang pagkaginaw sa may bandang tiyan 'ko. Ba't ba kasi naisipan 'kong magfitted croptop at hanggang ibaba ng dibdib lang. Mabuti't kaunti lang talaga ang nakaexpose kung hindi giginawin ako as in.

"Addison."

Napatingin ako kay Dayle nang marinig ang pagtawag nito, he's holding a folded white tshirt then lend it to me. Ako naman ay napa-nga nga.

"P-para saan?"

"Wear it." he casually said before walking away while his hands are on his jacket's pocket.

Nang mag 6 na ay napagdesisyunan naming mag ferris wheel. Nasa unahan sila ng pila habang kami nanaman ni Dayle ang nasa hulihan, agad akong kinabahan dahil mukhang alam 'ko na ang mangyayari.

At hindi nga ako nagkamali! Solo namin ni Dayle ang isang cable sa may ferris wheel. Gosh, this is awkward for me.

Tahimik lang kami ni Dayle habang ako ay nakatingin sa may gilid. Napakatahimik lang namin hanggang sa matapos ang ride. Hindi 'ko man lang tinapunan ng tingin si Dayle.


But I can feel his gaze into mine. Mamamatay na yata ako sa bilis ng tibok ng puso 'ko.

Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon