Chapter 25

606 15 1
                                    

Addison's pov

Pagkapaalam kay ate ay dumiretso na ako kay Dayle, nagulat pa ako nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Agad naman akong nakarecover at sumakay.


Inayos 'ko ang seatbelt ko at napatingin kay Dayle na kakasakay lang. Sinumulan niyang paandarin ang sasakyan habang nakatingin lang ako sa may bintana. Natapos ang ilang minuto at nakapasok na kami sa may subdivision nang,

"Sorry."

Gulat akong napatingin kay Dayle. He is seriously staring at the road when I looked at him.

"Ha?"

"Sorry kung may nagawa man ako."

Napalunok naman ako at iwas ng tingin, pucha ba't ang lambing ng pagkakasabi niya?

"W-wala kang nagawa." nauutal na sabi 'ko.

He parked the car on the side when we arrived to my house. "Then why? What did I do wrong to make you feel that way?" he then looked at me.

"Wala." nahihiya pa rin na sabi 'ko.

"Please." he softly said.

Napabuntong hininga ako nang makita ang pagaalala sa mga mata ni Dayle, "Nakakahiya."

"Don't be shy baby." he gently said.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Huhu di ko keri ang mga tingin niya ngayon!! Tinawag pa niya akong baby!!

"K-kasi ano." paninimula 'ko.

"Hmm?"

"Matagal na kaming magkakilala ni Ate Raillie diba? Ano, nakkwento kita sakaniya. Lahat ng nangyayari gano'n." iwas na tingin na sabi 'ko, nang mapatingin sakaniya ay nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito.

"K-kaso 'di ako nagdadrop name kaya ayon. Kinabahan ako nung sinabi ko kay Ate Raillie kanina, e sakto dumating ka." hiyang hiya na sabi 'ko.

Kahit nahihiya ay sumulyap ako kay Dayle, napasimangot ako nang makita ang mukha ni Dayle na para bang nageenjoy sa naririnig niya!!

"I heard ate asked you to talk to her earlier. Napagusapan niyo na?" he asked while smirking, 'di ko tuloy malaman kung natutuwa ba sya o concern sakin?!

"Oo ayos na. Sister in law daw niya ako. Kinabahan nga ako, kala ko magagalit." I shrugged.

"Really?" he then showed me his manly smile.

Napatulala naman ako sakaniya nang dahil doon, this is the first time I saw him smile like that.

"I'm glad that you're not mad at me." he smiled.

"O-oo."

----

Nakahiga ako ngayon sa bahay at nanonood ng tv, nakakabored. Tumingin ako sa phone at napangiti, Dayle replied to my ig story.

daylesalveo: tomorrow's my birthday.

Napangiti ako, I know Dayle!! Ako pa ba? Siyempre 'di ko papalagpasin yan. I baked two cakes earlier. Isang red velvet at isang chocolate cake.

addisonbarto: talaga? tomorrow's your bday? good for u.

Napatawa ako sa nireply 'ko. Tamang painosente lang gosh.

daylesalveo: ok.

daylesalveo: bring some extra clothes, i have a bday celeb after work.

Natawa uli ako at pinilit na hindi magreply!! Alam ko yon 'no! Kakatext lang sakin ni Ate Raillie kanina.

Gulat naman akong napatingin sa phone 'ko nang may uknown number na tumatawag. Oh gosh, who's this?

Kinakabahang sinagot 'ko ang tawag dahil baka emergency. "Hello? Sino 'to?"

"Hey."

Nanlaki ang mata 'ko nang marinig ang pamilyar na boses,

"Dayle?!"

"Yeah."

Napalunok ako nang marinig ang husky na boses niya!! Oh my gosh, 'di ako ready.

"K-kanino mo nakuha ang number 'ko?" nahihiyang sabi 'ko.

"Kay ate, save my number." simpleng sabi nito.

"Ahh sige, ba't ka nga pala napatawag?"

"You didn't reply to my dms." he huskily said,

"Ah oo. Busy kasi ako." pagpapalusot 'ko.

"To what? What you doin'?" he asked.

"Wala. Ba't ka curious? Crush mo na rin ako?" natatawang tanong 'ko.

Napatigil lang ako sa pagtawa nang marinig ang hindi niya pagsalita, dinouble check ko pa kung pinatayan niya na ako ng tawag pero hindi.

"Hello? You still there?" tanong 'ko.

"Yeah, makakapunta ka bukas?"

"Ewan ko lang eh, may pupuntahan kasi kami nila mom, bigay ko nalang sayo yung regalo ko bukas." pagsisinungaling 'ko.

"Okay." he sounded disappointed.

"Uhm...goodnight?"

"Yeah, goodnight Addison."

---

Kinabukasan ay hinawakan ko ang paperbag na ireregalo ko kay Dayle. Bukod sa cake ay bumili ako ng itim na cap at tshirt para kay Dayle. Iniwan ko muna ang dalawang cake sa ref dahil babalikan pa naman namin 'yon nila Ate Raillie.

Ang balak namin ay susunduin ako ni Ate Raillie dito kapag magstastart na ang party. Hindi alam ni Dayle na makakapunta pala ako.

"Happy Birthday Dayle." nakangiting bati 'ko sakaniya sabay abot ng paperbag, he slightly smiled at me. "Thank you Addison."

Pasulyap sulyap ako kay Dayle habang nagtatrabaho, nakasimangot ba naman. Birthday niya kaya ngayon!!

Pagkatapos magtrabaho ay naglakad na kami papunta sa kotse niya habang hawak niya ang paperbag na binigay 'ko.

"Sorry ah, 'di ako makakapunta."

"No worries." he smiled, pero hindi ito yung ngiti na nakikita 'ko non.

"Are you disappointed?" natatawang sabi 'ko.

"Kind of." he shrugged,

Naiwan naman akong tulala. He's disappointed!!

Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon