Chapter 45:

429 12 0
                                    


Addison's pov

Days went fast. Today is last week of february. Malapit na ang final exam at ang bakasyon. Napabuntong hininga naman ako dahil hindi 'ko pa ito nasasabi sakanila. Palagi naman akong bumubwelo pero 'di ko magawa.

I am currently talking with my mom through the phone. Nandito naman ako ngayon sa may garden para makapag-isip at malayang makausap si Mom.

["Hindi mo pa nasasabi kanila Dayle?] mom asked.

Nakuha at nakumpleto na kasi namin ang mga forms na kailangan para sa pag-eenroll 'ko sa Spain.

"Hindi pa po, hindi 'ko nga po alam kung paano 'ko sasabihin sakanila." I sighed.

["Nako, anak. You need to tell it to them as soon as possible."]

"Ma, ang hirap din po kasi. I'm scared for their reaction. Ayoko rin po silang malungkot na sa Spain ako magcocollege."

["Anak, kahit anong gawin mo ay malulungkot pa rin sila. Oh wait, you're dad's calling me. Gonna call you later."] sabi ni mom.

Pagkatapos ng tawag ay agad nanlaki ang mata 'ko nang makita si Bryan sa may tabi 'ko. He is casually getting some grasses into the ground.

"B-bryan?"

He looked at me and smiled.

"N-narinig mo?" nauutal na tanong 'ko.

"Alin ba do'n? Yung natatakot kang sabihin sa'min o yung sa Spain ka magcocollege?"

Agad 'ko itong nahampas sa pagkainis, siya naman ay tumawa nang tumawa. Damn, buti't napagtitiisan siya ni Maris!!

"Nasabi mo na kay Dayle?" tanong nito nang matahimik kami.

"Hindi pa eh." iwas tingin na sabi 'ko.

"Kailangan mong sabihin na 'yan Addison. Huwag mong patagalin. Mas ayos na sa'yo manggagaling ang tungkol diyan kaysa sa iba." payo nito.

Nagtagal pa kami sa may garden bago mapagdesisyunang bumalik sa classroom. Saktong pagkabalik ay nakita 'ko ang nag-aantay na si Solaira sa classroom.

"Hoy gaga, kanina pa ako nag-aantay dito. Sa'n ka nanaman nag-gagala ha?" taas kilay na sabi nito.

"Wala, sa may garden lang." matamlay na sabi 'ko sabay pasok sa classroom. Agad naman akong sinundan ni Solaira.

"Patambay uli ah, kakatambay 'ko lang kasama si Maris eh." pagtatopic nito sabay upo sa tabi 'ko.

"BITCH!!!"

Gulat na napatingin kami sa may pintuan dahil sa narinig, then I saw Martha, walking inside the classroom, at papunta siya sa'min.

Agad ako nitong hinila patayo, ako naman ay gulat na gulat na napatingin sakaniya.

"You bitch?! May Dayle ka na nga, may Bryan ka pa?! Ang landi mo 'no? Landi mong hinayupak ka? You're so disgusting! Dala-dalawa sa Blakers ang sinusulot mo! Porke't sikat at gandang ganda ka sa sarili mo ay ang lakas na ng loob mo? You're a pokpok! Slut! Malandi! For sure, mana ka sa nanay mo. Pokpok rin siguro ang nana---"

Gulat akong napatingin kay Solaira nang mapahinto si Martha dahil sa pagsampal nito. Si Martha naman ay nakatingin kay Solaira nang maluha luha ang mata.

"That's for my bestfriend." Solaira said before slapping Martha's cheek again.

"That's for Addie's mom."

"Y-you bit--"

"Bitch? Yeah, i'm a fucking bitch, you trying hard bitch! Gaga ka ghorl? Sugod dito? Ano ka one for all, all for one? Lakas ng loob sumugod, iyakin naman." nanggigigil na sabi ni Solaira rito.

Napa-nga nga ako nang sampalin niya uli si Martha.

"Kilalanin mo ang kakalabanin mo sis ah. Usong mag-isip muna bago sumugod. Tanga ka? Bawal mag-usap ang magkaibigan? Issue agad? Isip muna, kawawa naman angkan niyo, may kamag-anak na tulad mong bobo!!"

May sasabihin pa sana si Solaira nang biglang inis na nagwalk out si Martha palabas ng classroom, ako naman ay gulat pa ring nakatingin kay Solaira.

"Ayos ka lang? Gosh, that bobo! I hate her guts from the very start." inis na sabi nito bago upo.

Gulat namang napatingin sa'kin si Solaira nang bigla ko siyang yakapin.

"Thank you Solaira."

Rudely YoursWhere stories live. Discover now