Chapter 7

718 18 0
                                    


Addison's



"Oh himala yata? Hindi ka dumiretso sa table ng Blakers?" tanong ni Solaira sa akin habang ngumunguya ng burger.



"Oo nga noh?" sabi ko sakanila, kaya't inirapan nila ako. Napatawa naman ako.


Nawala sa isip ko yung tupperware for the first time. Naiwan ko sa may bag ko, tinatamad naman akong kunin ito kaya't sinabi ko nalang sa sarili ko na mamayang lunch ko nalang ibibigay kay Dayle.


Pero natapos ang lunch na hindi ko pa rin naibigay ang tupperware, kaya't isinawalang bahala 'ko naman.



Habang tumatambay kasama sila Maris ay bigla 'kong nakita yung babae na nagbigay ng tubig kay Dayle, napangiti ako ng mapakla, napansin naman ito nila Solaira kaya't tinanong nila ako kung bakit.



"Pangit ba 'ko?" tanong ko sakanila. Agad naman akong binatukan ni Solaira.



"Gaga ka ba?" tanong nito kaya ginantihan ko ito ng batok.



"How dare you!! Ba't mo ko binatukan?!" pabirong sabi ni Solaira sa akin.


"Abe sino ba namang hindi babatok sabihan mo naman bang gaga eh." sabi ni Karina sakaniya, kaya't binatukan din siya ni Solaira.


"Araaay." angal nito.


"Di ko kaya siya sinasabihan!! Tinatanong ko lang siyaa noh."


"Ganon na rin yon!!" sabi ni Karina at akmang babatukan sana si Solaira nang pigilan siya ni Maris.


"Kids, stop na." pangaasar sa amin ni Maris.



Nagtinginan naman kaming tatlo bago sabay sabay na sinugod si Maris at pabirong binatukan.


----

Nang mag-uwian ay naunang lumabas sila Maris kaya't naiwan akong magisa sa classroom. May gagawin daw kasi sila.


Palabas na sana ako nang biglang mapangiti nang makita si Chino.


"Uy Chino!!" masayang sabi ko rito.


"Addison!!" sabi nito sabay lapit sa akin.


"Napadaan ka sa hs building?" tanong ko rito, college na kasi siya at sa architecture department siya kaya't nagtaka ako.


"Wala, may dinaanan lang. Ikaw ba? Sinong kasama mo? Palabas ka na ba ng campus?"


"Nako, nagsi-alisan na ang mga kasama 'ko at oo palabas na ako ng campus." nakangiting sabi ko rito.



"Ay ako rin, kung gusto mo sabay na tayong lumabas?"



Agad naman akong pumayag. Habang naglalakad palabas ng campus ay nagkwento si Chino ng kung ano ano kaya't tawa ako nang tawa.


Agad namang napatigil ang tawa ko nang makasalubong si Dayle, he's with Nathan. I saw him looking at us with sharp eyes. Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso sa paglakad.


"Intrams na bukas ha." pagtatopic ni Chino sa akin.


"Oo, panuorin mo ako bukas ha!! Sasayaw ako." natatawang sabi ko rito.



"Sige ba, gusto mo mag banner pa ako." sabi nito kaya't natawa ako.

"Oh sige mauna na ako Chino ha." pagpapaalam ko kay Chino, pero sa halip na umuwi ay dumiretso ako sa coffee shop.




Kinabukasan ay nakita kong masaya ang mga tao. Students are not wearing their uniforms. Ganon kasi kapag intrams sa R.U.



Napagalaman ko ma before lunch kami sasayaw kaya't binaon ko nalang ang pangsayaw kong damit.



I am wearing a white classic vintage top, yung square necked and I partnered it with a gray wide leg trousers with button front in grey check.


Agad naman akong pinagtitigan pagpasok ng campus. Nahiya tuloy ako bigla.



"Ganda talaga!!" sabi ni Maris sa akin kaya't napatawa ako. She is wearing a black top and a high waisted denim square pants.



"Chicks talaga yan eh!!" natatawang sabi ni Solaira. She is wearing a gray fitted off shoulder and a highwaited black pants.



"Papic naman po ng isa." pagbibiro ni Karina. She is wearing a pink top and a white skirt.

"Sorry, kailangan mo pang magpa-appoint sa manager ko bago ka makapagpapicture eh."

"Ay ganon po ba?"

"Sino po ba ang manager mo."


"Si Dayle." natatawang sabi ko. Napailing naman sila.


Pagkatapos mag break, ay agad akong nagbihis ng damit. Yung top lang ang pinalitan ko.



"Let's welcomee the Dance Club!!!" sabi ng emcee. Agad namang nagsigawan ang crowd, kaya't napatawa kami.




Agad kaming pumwesto sa position namin, nang tumugtog ang unang kanta ay biglang naghiyawan ang mga tao. Hala, artista lang ang peg? May hiyawang naganap?


Ang unang kanta ay ang 'ayy macarena'. Ang puwesto ko ay nasa may bandang gilid. Nang matapos ang first song ay biglang tumugtog ang 'yummy'. Unti unti naman akong punwesto sa gitna.



Dance link: https://youtu.be/5j5nr160AHg




I did some facial expressions while dancing. 'Di ko alam pero kusang lumalabas ito kapag sumasayaw ako.



Nang matapos ang yummy ay kung ano ano pa ang sinayaw namin.



Nang matapos ang sayaw ay nagpalit agad ako ng damit!! Gosh, nakakapagod.



Pagkasayaw ay dinumog ako nung tatlo. "Tae ang astig lokoo, I'm a fan naa." natatawang sabi ni Maris.


"Loko, kitang kita ko yung mga tao kanina!! Ikaw lang pinapanood." natatawang sabi ni Karina.


Hindi pa natatapos ang kwentuhan namin nang biglang may humawak sa kin.


"We are from the Blind Date Booth."


Agad namang napakunot ang noo ko. "Blind date booth?" nagtatakang tanong ko.


"Huwag ka nalang po magreklamo at sumama ka sa amin."


Napatingin ako kanila Karina pero tinatawanan lang nila ako kaya sinamaan ko sila ng tingin at sumama sa dalawang lalaki.


Pagkarating sa isang room ay pinaupo ako nito sa isang spot, na may tabing tabing. Pagkaupo ko ay saktong pagdating ni Dayle kasama ang dalawang lalaki at pinaupo siya sa harapan 'ko.



Agad namang nanlaki ang mata ko.




Karinaaa huhu bakit niyo ako pina blind date booth kasama si Dayle.







Rudely YoursWhere stories live. Discover now