Chapter 42:

429 11 0
                                    


Addison's pov

"Dapat may bayad 'to e!! Ano ako photographer for free? No no no! Mahal kaya ang service fee 'ko!" sunod sunod na angal ni Solaira.

Natawa nama  ako sakaniya, kunwari pa si Solaira e! Apura naman picture sa'min.

"Ay wait teka, dito sa gawing 'to bagay! Usog ka sa kanan ng konti Dayle. Ayan bongga!!" sabi pa nito.

Nakita 'ko namang napapailing nalang si Nathan sa may gilid.

Sunod naman ay kaming dalawa ni Solaira ang pinicturean ni Dayle, pumwesto kami ni Solaira at para kaming model dahil iba't ibang anggulo ang ginagawa namin.

"Sayang, 'di natin kasama sila Karina at Maris 'no."

"Oo nga sayang, 'di natin kasama si Maris." sabi pa ni Solaira sabay pwesto na naman.

"Teka, kayo naman Dayle at Nathan! Hashtag bffs! Hashtag Blakers!!" energetic na sabi ni Solaira sabay agaw ng camera kay Dayle.

Nahihiya namang pumwesto sila Dayle sa gustong pwesto ni Solaira. Ayaw pa sana ni Nathan, hinila lang siya ni Solaira kaya't pumayag. Nakailang shots sila nang,

"Hoy! Ang daya!!! Kayo lang bestfriends?!"

Napatingin kami kay Bryan na kakarating lang at nagrereklamo, agad akong napatingin sa tabi niya, he's with Maris.

Agad na tumakbo papunta sa'min si Maris at nagtatalon kaming tatlo, "Uy sayang talaga!! Si Karina nalang ang kulang." masayang sabi 'ko.

Napansin 'ko namang natahimik si Maris at umiwas ng tingin.

"Che!! Picture na nga tayong tatlo! Ipopost 'ko 'to. Hashtag true fr----"

"Uy girls."

Napatingin naman kami kay Karina na saktong kakarating lang. She's with a girl, napangiti naman ako sa babae bago hilahin si Karina.

"Tara picture na tayo Sol---"

"Uy ang ganda ng souvenirs! Wait lang Addie ah." biglang sabi ni Solaira sabay alis. Si Maris naman ay ngumiti lang sa'kin bago sundan si Solaira.

Agad naman akong nagtaka at napatingin nalang kay Karina.

"Sis, this is my new friend. She's Martha." biglang pagpapakilala ni Karina kay Martha.

Napatingin naman ako kay Martha at agad na nagtaka, there's something about this girl, I can't explain it.

"Nice meeting you." sabi 'ko nalang.

"Nice meeting you too." sabi nito sabay mataray na tingin sa'kin mula ulo hanggang paa.

"Uhm, sige alis na muna kami ah." sabi ni Karina sabay kaway sa'min.

Naramdaman 'ko naman agad ang akbay ni Dayle sa akin pagkaalis nila Karina. Napaangat naman ang tingin 'ko sakaniya, geez he's so tall. Sakto naman at kakarating lang din nila Solaira na mukhang wala namang binili.

"Oy ano? Wala na? Wala nang plasti---"

"Solaira." pagpipigil sakaniya ni Maris, napanguso naman si Solaira sabay hila sa amin.

Naglibot libot muna kami at namili ng souvenirs. Sa maliit na place lang kami pwedeng pumunta dahil baka magkawalaan. Nang matapos ay napagdesisyunan naming sumakay ng kalesa.

Nauna si Dayle sumakay at agad na nilahad sa akin ang kamay pagkasakay nito para alalayan ako. Pagkaupo ay inilabas 'ko ang phone at nakipagselfie sakaniya, syempre I want to cherish every moment with him. Nang umandar ang kalesa ay tuwang tuwa akong napatingin sa paligid.

I stopped when I felt Dayle's hands into mine.

"Christmas is near." pagtotopic ni Dayle.

"Oo nga, sayang I will not see you in Christmas, pupunta kaming Spain." I said.

"Really? I am too. We will spend our christmas in London." he said.

"So, kita kits nalang bago umalis." I smiled.

"We have our own christmas party right? Together with your friends and Blakers?" he asked.

"Yes! Naexcite tuloy ako. Next week na 'yon diba?"

"Yes, next week." he smiled then kisses the top of my head.

----

Pagkauwi galing Vigan ay binilhan pa namin sila mom ng longganisa at baboy, nakalimutan 'ko ang tawag sa baboy na iyon.

Dumaan din ang araw na nagbunutan na kami kaya't nandito ako ngayon kasama si Maris bumili ng regalo. Nagsabihan kasi kami ng nabunot kaya't kami ang magkasama. Ang nabunot niya kasi ay si Solaira, ang nabunot 'ko naman ay si Bryan. Si Karina naman ay busy kaya't 'di makakasama.


"Kastress naman si Bryan, ang nilagay sa wishlist ay 'kahit ano.' Putek, malay 'ko ba kung sa'n nabibili yung kahit ano?" pagrarant 'ko kay Maris.

"Ayos lang 'yan Addison, nandito lang ako para damayan ka." natatawang sabi ni Maris habang pumipili ng damit para kay Solaira.

Mahilig kasi sa damit si Solaira kaya't ito ang binibili ni Maris sakaniya.

"Ano bang hilig ng boyfriend mo Maris?" nakangusong tanong 'ko kay Maris.

Gulat na gulat namang napatingin sa'kin si Maris, "H-he's not my boyfriend." iwas tingin na sabi nito.

"Weh? Ba't parang kayo!! Sige na, secret lang natin." sabi 'ko sabay tusok sa tagiliran ni Maris, napatigil lang ako nang makita ang lungkot sa mata nito.

"Hindi kami Addison. Marami ring nagsasabi at nag-aakala na kami pero hindi e. You know, he's a well known playboy." she sadly said.

"But, do you like him?" I asked.

"I-i don't k-know, naguguluhan pa ako Addison." She looked down.

"You like him."

"H-ha?"

"This is the first time I saw you being like that because of a man. You like him Maris."



Sana saluhin ni Bryan 'tong kaibigan namin. Sasapakin 'ko talaga 'yan kapag sinaktan niya si Maris!



Rudely YoursWhere stories live. Discover now