Chapter 35:

472 15 0
                                    


Addison's



"Muntik na ako mahuli ni papsi na nagmamake up."

"Ay weh? Loka ka talaga."

I am currently talking with Michael, nandito kami ngayon sa may garden ng school para magkwentuhan. Marami-rami rin kaming chika kaya't 'di namin namalayan na late na magbebell na pala.

Agad kaming natawa at naglakad pabalik sa classroom,

"Kamiss sila tita at tito, naalala pa ba nila ako?" natatawang sabi 'ko.

"Oo naman! Ikaw pa ba?" he smiled.

May ikkwento pa sana ako nang mapahinto, I saw Dayle leaning on the wall with his arms closed. Nang makita ako ay napaayos ito ng tayo at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa, halata ang gulat sa mata niya nang makita akong kasama si Michael.

"Uy Dayle." masayang bati 'ko.

He just slightly smiled before walking away. What's wrong with him? I just shrugged and texted him before going inside.

Nang mag-uwian ay agad akong kinalabit ni Michael, "Uy, sabay tayo magcommute? Kakalipat lang namin sa subdivision niyo. Do'n ka pa rin ba?"

"Oo. Taraa!" masayang sabi 'ko.

Masasabi 'ko na sabik ako kay Michael dahil matagal kaming 'di nagkita. He's my bestfriend before until now. I'm very happy that he came back in my life. Bago lumabas ng campus ay dumiretso muna kami sa may registrar dahil kakausapin daw saglit si Michael tungkol sa fully registration.

Umabot kami ng ilang minuto pa bago tuluyang lumabas. Napahinto kami nang makita si Dayle na masama na ang awra at seryosong nakatingin sa'kin. Oh shoot! Sabay nga pala kaming uuwi!

"B-babe." kinakabahang sabi 'ko.

He just looked at me before looking at Michael. "Let's go." he coldly said before walking.

"Mamsh, 'di na ako sasabay ah. Mauna na ako." sabi nito.

"No! Delikado kapag mag-isa ka. Tara, sabay ka sa'min."

Agad 'kong hinila si Michael kahit umaangal. Pagkarating sa parking lot ay naabutan 'ko si Dayle na pinaglalaruan ang susi niya habang nakasandal sa kotse. When he looked at us, I noticed that his awra became darker.

"Baby, sasabay sa'tin si Michael. Parehas lang kami ng subdivision." I smiled.

Dayle didn't say anything then went to the driver's seat. Naawa ako kay Michael dahil baka ma-op siya kaya't sa may back seat din ako umupo.

Umandar ang sasakyan ni Dayle at nang mapansing tahimik ay napagdesisyunan 'kong makipag-usap kay Michael. Napansin 'kong naging mabilis ang byahe dahil nandito na kami agad sa may subdivision.

Bumaba ako sa sasakyan at hinila si Michael sa medyo malayo sa sasakyan,

"Michael, mauna ka na. Kakausapin ko muna si Dayle." I smiled at Michael, he just smiled back.



Lalapit na sana ako sa sasakyan nang bigla itong umandar.


Kinabukasan ay late akong nagising dahil sa kakaisip kagabi, napuyat tuloy ako. Dayle didn't use his social medias because he is offline. Hindi 'ko tuloy siya nakausap.

Nang makarating sa classroom ay nakasalubong 'ko agad si Michael. He asked if i'm alright. I said yes even though i'm not. Tinadtad 'ko pa ng text si Dayle.

Binalak ko pa sanang puntahan si Dayle kaso wala pa siya sa classroom kaya't nadisappoint ako. Nang magbreak time ay sinamahan ko muna si Michael sa registrar para ibigay ang form na hiningi sakaniya kahapon.

Dahil sa haba ng pila ay tapos na ang break nang matapos kami.

"Sorry Addison, 'di ka pa tuloy nakapagrecess." he sadly said.

"No worries Michael, may lunch pa naman." I smiled.

---

Nang mag lunch ay hindi 'ko nakita si Dayle sa may table namin kaya agad akong nalungkot, iniiwasan ba niya ako? Baka gutom na 'yon.

Napagdesisyunan 'kong pumunta sa may classroom nila ngunit 'di ko rin siya nakita roon. I sighed.

Ganoon din ang nangyari nung uwian. Pupuntahan 'ko sana si Dayle pero 'di ko siya nakita sa room kaya't sumama nalang ako kay Michael ngunit habang palabas ng campus ay nakasalubong namin ang kanina 'ko pang hinahanap. He's with Nathan.

Napahinto ako at napatitig sakaniya ngunit 'di man lang niya ako tinapunan ng tingin. Damn, these tears. Agad akong tumakbo palayo, at naramdaman 'kong sinundan ako ni Michael.

"Addison." he sadly comforted me. I felt him hugged me. "Sorry, this is my fault."

Natapos ang ilang araw na ilag sa akin si Dayle kaya't kay Michael ako sumasama. Naguguilty si Michael pero tinatawanan 'ko lang ito tuwing natatopic niya ang bagay na iyon.

Natapos ang isang linggo na ang nangyari sa amin ni Dayle ay pataasan ng pride. I am always trying to talk to me but he keeps ignoring me so I decided to not to talk to him.

"Mamsh sorry ha?" Michael genuinly said.

"Ayos lang 'yon. Maguusap din kami no'n." I smiled.

"Oo nga pala, nakabili ako nung vice cosmetics napakaganda!!" tuwang tuwa na sabi nito.

Napatawa naman ako sakaniya, he keeps talking to me in her beki tone kaya't natawa na talaga ako. Pasalamat siya at nasa open area kami kaya't walang makakarinig sakaniya. Natawa ako dahil ipinakita pa niya sa'kin ang lipstick na ginamit niya at ginamit pa nga niya sa labi niya. Napakalakas ng loob.

"Is it bagay?"

"Hmm, wow bet." natatawang sabi 'ko.

Agad akong napahinto nang makita ang daddy niya sa may likuran niya. He's walking towards us. Nanlaki ang mata 'ko at agad na nagpanic. Dahil sa pagkapanic ay agad 'kong hinila si Michael na palapit sa mukha 'ko pero 'di 'ko pinagdikit ang labi namin.

"Oh my gosh sissy, what are you doing?!" nandidiring bulong nito.

"Your dad is here." bulong 'ko rin.

Nakita 'kong nanlaki ang mga mata niya at hinawakan ako sa balikat. Napakalapit na talaga ng labi namin sa isa't isa. Palihim akong sumulyap at nakita 'kong umiwas ng daan sa amin ang daddy ni Michael at halatang 'di kami nakilala. Nang makaalis ang daddy ni Michael ay natawa ako bago 'ko siya ilayo sa'kin.




Agad akong napahinto nang may maaninag sa malayo. I saw Dayle looking at us. I can see pain through his eyes.





Rudely YoursWhere stories live. Discover now