Chapter 16

635 18 0
                                    

Addison's pov



uMARISngwalangpaalam; huwag mo hayaang magpawala ng mood mo yung nakita mo kanina. Kalimutan mo muna si Dayle, don't let him ruin your mood ha.

sairaall: oo nga, pakita mo sakanya yung sinayang niya!

karinana: true! let's enjoy din, hayaan mo siyang maglaway sa'yo later!






Napangiti ako sa mga message ng mga kaibigan 'ko, naging positive tuloy ako. Habang minemakeupan ako ni ate ay apura picture sakaniya ni kuya. Hindi ko nga alam kung sino yung sinosportahan ni kuya. Pagkatapos ako make-upan ni ate ay napangiti ako.





"Omg!! Mas lalo kang gumanda Addie!! Nakakaiyak." tuwang tuwa na sabi ni ate, si kuya naman ay nakangiti sa'kin sabay thumbs up.




Sinamahan ako ni Ate Raillie sa taas para tulungan akong magbihis. Nang pagkabihis ay napatingin ako malaking salamin. Bumagay ang make up 'ko sa long gown. Simple pero elegante ang dating. Nakacurl din ang hair ko at nagheels na rin ako. Napatingin ako sa relo at nakitang magseseven na!!





"Ang sexy mo Addison huhu." masayang sabi ni Ate Raillie, napatingin ako sa mataas na slit ko puchek ang daring nga tingnan.





Nang makita ako ni Mom at Dad ay niyakap nila ako, "Dalaga na ang anak ko." masayang sabi ni Dad.





"Manang mana sa mommy ang kagandahan." nakangiting sabi sa'kin ni Mommy.





Nagpicture muna kami bago magpaalaman, napatingin ako sa orasan at 7 na!! Mukhang mag-gagrand entrance pa ako nito mamaya huhu.





Pagkarating sa may labas ng venue ay nginitian at niyakap ako ni Ate Raillie, "Always smile ha, slay girl" nakangiting sabi ni Ate sa'kin bago ako picturean sa may labas.





Habang papasok ng venue ay ngumiti ako kahit kinakabahan, pagkapasok ay nakita 'kong nagtinginan sa'kin lahat kaya't nahiya ako. Kahit nahihiya ay ngumiti lang ako. Nakita ko naman sila Karina na nakangiti at kinakawayan ako. Napangiti ako sakanila at umupo. Ang gaganda nila!!





"Pucha ang sexy!!" sabi ni Solaira sa'kin, sumang-ayon naman ang iba.





Nagsimula ang program at may kung ano-anong pakulo ang host. Naririnig ko kung gaano kahyper ang lahat sa party ngayon kaya't napatawa ako. Nahagip naman ng mata 'ko ang pwesto ng Blakers na malapit lang sa'min. Nang makita nila ako ay nginitian nila ako. Pasimple akong tumingin kanila Natalia at Dayle na naguusap. May pahampas pa si Natalia kay Dayle, ang hina naman! Kung ako 'yan lalakasan ko yan hanggang sa tumilapon yan hanggang stage.





Pagkatapos ng program ay kainan na. Nang matapos akong kumain ay dumiretso ako sa kuhanan ng wine. Napangiti naman ako nang makita si Bryan na lumapit sa'kin.





"Ganda ah." bungad nito sa'kin, pabiro ko naman itong inirapan. "Nambola pa." natatawang sabi 'ko.




"Totoo nga. Pero maganda rin si Maris." sabi nito sabay sulyap sa table namin nila Maris,





"Ikaw haa!!" pabirong sabi 'ko.





"Magpapaalam lang sana ako, sasayawin 'ko sana si Maris mamaya." he smirked while looking at Maris.



"Oo naman no." natatawang sabi 'ko.




"Good, nakapagpaalam na rin ako kanila Karina eh." he smiled.





Napatulala ako kay Bryan, is this real? The playboy Bryan!! Nasaan na? Ba't matinong Bryan na ang nasa harap 'ko? Napangiti ako, si Maris lang pala ang magpapatino sa'yo. Pagkatapos ay nagpaalam na sa'kin si Bryan habang ako ay nandito pa rin at tumutungga ng wine, napatawa naman ako nang si Klint naman ang nakita kong palapit.





"Woot woot!! Ba't may chiks dito?" natatawang sabi nito.





"Asan?" pagbibiro 'ko sabay tingin sa paligid.





"Ewan 'ko sayo Addie, pahumble ka pa. Tara nga picture tayo." sabi nito sabay labas ng phone niya.





Pagkalabas ng phone ay inilagay niya ito sa camera at ihinarap samin ang camera. "Salamat, sige na mauuna na ako. May nagaalburoto na, na bulkan." natatawang sabi nito at kaway sakin at tuluyan nang umalis. Ako naman ay napakunot ang noo.





"After 10 minutes, the dj will play some music and you may dance with your crushes, boyfriends, girlfriends, friends or love ones." masayang pag announce ng host. Napabuntong hininga naman ako. Sino naman kaya ang sasayaw sa'kin? hays.




"Excuse me."





Napalingon ako nang marinig ang nagsalita, palihim akong napasinghap nang lumapit ang mukha ni Dayle sa'kin dahil may kinuha siya sa likod 'ko. Agad naman itong umalis pagkakuha ng wine. Pucha!!





Natapos ang ilang minuto na umiinom lang ako nang wine hanggang sa makita 'ko ang mukha ni Natalia na palapit sa'kin. Napatingin ako sa damit niya. She's wearing a red long dress. Buti nalang at pinigilan ako ni Ate Railline na kunin yung dress na pula nung nakaraan kung hindi nako!!




Akala ko ay kukuha lang ito nang wine pero nagkamali ako nang huminto ito sa harapan 'ko. "Addison, can we talk?" she said. Napahinto naman ako at kahit nagtataka ay tumango ako.





Pumwesto kami sa isang lugar at narinig ko pa itong bumuntong hininga bago magsalita. "Sorry." she genuinly said.




Gulat naman akong napatingin sakaniya, ba't siya nagsosorry?





"I'm sorry pinagdiskitahan kita. I'm just jealous okay?" nakayukong sabi nito.




"Nakakaselos lang kasi, ako yung fiancé pero mas close pa kayo. Bago ako pumunta sa R.U. kilala na talaga kita." she pouted. "Balita kasi na close kayo tas inalalayan ka raw niya sa clinic, nainsecure rin ako kasi ang ganda mo." sabi pa nito at halatang nahihiya.




"N-nako okay lang 'yon." nahihiyang sabi 'ko.





"Sorry din kasi pinalayo kita sakaniya nung nakaraan sa banyo eh kaibigan mo na rin naman si Chino kaya naguilty ako." sabi pa nito.





Gulat naman akong napatingin sakaniya, "Who?!" nanlalaking matang tanong 'ko.




"Uhm..si Chino?" nagtatakang tanong nito.





"SI CHINO ANG FIANCÉ MO?!" gulat na gulat na sabi 'ko.




"Yes?" naguguluhang sabi nito.





"Sorry, I thought it's Dayle." nahihiyang sabi 'ko. Napatingin ako sakaniya nang matawa siya. "Gosh! Weh talaga ba? He's my friend Addie!!" natatawang sabi ni Natalia.





Nagusap pa kami at nagexplain pa siya kung bakit naging magfiancee sila ni Chino. Arranged marriage lang daw pero gusto niya si Chino. Napanguso ako nang malamang one sided love lang ito. Pagkatapos magusap ay nagulat ako dahil saktong tumunog yung love songs.





"Maiwan na kita Addison ah, magsisimula na ang sayawan. I hope we can be friends, sorry uli." nakangiting sabi nito.




Napangiti rin naman ako sakaniya at tila nabunutan ako ng tinik. Single pa si Dayle omg!!!

Rudely YoursWhere stories live. Discover now