Prologue

23.5K 464 219
                                    

Prologue

"Shanne,pakibilisan kumilos!" sigaw ni Kuya mula sa labas ng dorm ko.

"Oo, wait ito na! " sigaw ko pabalik saka nagmamadaling dinampot ang aking bag pati na rin ang banner ko.

"Ang tagal! Mahuhuli na tayo sa laban! "umismid siya sa akin saka kinuha ang mga dala ko at nagmamadali kaming bumaba ng dormitory ko mula sa third floor.

"Eh kasi, ang sabi mo kaya ay alas eight pa ng gabi ang start! "humabol ako sa lakad ni Kuya Lincoln na malalaki.

"Nag adjust nga!" umiling sya at nagmamadaling sumakay sa driver's seat ng kanyang sasakyan.

Pagdating namin sa racing area ay napakarami na ng tao at napakaliwanag na din ng paligid.

"Naroon sila Pam." tinuro nya sa akin ang side ng squad ko kaya tumango ako at naglakad na papunta doon. Siya naman ay sigurado na pupunta na sa best friend niya na si Beau.(Beau here is pronounced as bow as in tagalog ang basa na bow)

"The ever late!" umirap sa akin si Michelle saka nangalumbaba habang nakatingin sa race track.

Marami nang racing cars ang nagpapaikot ikot doon dahil naghahanda na sa laban maya-maya.

"Bakit ba late ka nanaman,ha?"tanong sa akin ni Pamela kaya nagkibit balikat ako.

"I thought it'll start at eight!"I shook my head.

Kinuha ko na ang banner na inihanda ko para kay Beau dahil sasalang na siya maya maya.

"I'm so excited for Beau's win!"sigaw ko at napansin ko naman ang pagbuntong hininga ng dalawa kong kasama."Why?May problem ba?"binaba ko saglit ang banner sa semento.

"Girl, si Romulo ang mabigat na kalaban nya!"umirap si Michelle na akala mo ay inis na inis. Nangunot naman ang noo saka ko dinampot ang banner dahil naglabasan na sa racing cars nila ang racers para sa short briefing nila.

"Anong school ba ang kalaban ng St.Louis?"tanong ko. Nakita kong tumingin sa gawi namin si Beau at kumaway. "Go,St.Louis!"I cheered for him kaya natawa sya.

"St.Agnes."sabay na umirap ang dalawa kaya napagaya na rin ako.

Here we are again! Lagi nalang harang sa win streaks namin ang St.Agnes school na yan! Lagi nalang ang mga school namin ang nagbabanggaan. Kahit saang area. Kaya pati mga estudyante ay may badbloods na rin. Ang yayabang kasi ng mga Agnas na ito!

"Go, St.Louis! Beat the Agnas!"sigaw namin at doon na nagsimula ang malakas na yabangan ng dalawang panig.

"St.Louto, uwi na kayo!"asar nilang pabalik kaya hindi naman nagpatinag ang samahan namin.Madami kaya kami!

"Ladies and gentlemen, here are the competitors for tonight's league..."panimula ng announcer kaya medyo humupa ang asaran namin. "For the St.Louis—Beau Peyton Valmonte, number 34..."

"Nice! Go,Beau!"sigaw namin at syempre ang kabilang panig naman ay binoo-boo siya.

"Ano sapakan nalang?"pikon kong tanong at halos magsuguran na kami kung hindi lang nagpatuloy ang announcer.

"From St.Agnes—Romulo Reuel Cabin,  number 20."napakalakas na sigawan ang sumalubong doon sa Romulo na kahit sabayan namin ng pang b-boo ay walang epekto.

Nakakainis! Sino ba to?! Naka helmet na kasi!

Nagpatuloy ang pag a-announce hanggang sa natawag na ang anim pa na kalaban nila.

"Go, Beau! Beat the Agnas!"sigaw ko nang paulit ulit.

"Beat the Louto, Romulo! Kaya mo yan!"cheer naman ng karamihan kay Romulo.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon